F a n 04

1.5K 59 8
                                    

- Star's P.O.V -

Papunta na ako sa coffee shop ng makita kong nagkakagulo ang mga tao doon.

Napakunot na lang ang aking noo nung makita ko sina Justin at Ken na may hawak na mga bulaklak. Tsk!

Lalapit na sana ako kaso naisip ko huwag na lang lalo pa at nandun si Ken.

Nanatili lang ako dito. Hindi naman malayo sakto lang para marinig ko sila. Ilang sandali pa ay lumabas na si Shai.

"Shaila!" sabay nilang tawag sa pangalan ni Shai kaya napairap ako.

"Ah-eh, hi?" Alanganin niyang sabi saka ngumiti rin ng alanganin. 

Sabay silang lumapit sa kanya kaya napaatras siya. Iniisip siguro niya na baka sabunutan siya ng mga fangirls.

"Para sayo."

"For you."

Sabay na naman nilang sabi at sabay na inabot ang mga bulaklak. Napanganga na lang siya ng marinig ang sigawan ng mga fangirls nila. Kahit ako rin napanganga. Ibang klase.

"Sana all!"

"Akin na lang, Jah!"

"Ken, sa'kin mo ibigay!"

Parang napipilatan namang inabot ni Shai ang mga bulaklak. Sana all ampotchi.

"S-salamat?" Hindi siguradong sabi niya.

"SANA ALL, ATE GIRL!" Sigaw pa nung isang babae. Sana all nga. How to be you po ate Shaila!

---

Kinahapunan pumunta na naman ako sa bar kung saan ko nakita si Ken noon. Pagmamay-ari kasi 'yun ni ate Kira.

"Oh, Star ano na naman ginagawa mo dito?" Tanong niya ng makita ako.

"Masama bang bumisita?" Pagsusungit ko kaya tinaasan niya ako ng kilay. Aba!

"Nakikita mo 'yun? Diba si Ken 'yun?" Tanong niya kaya napalingon  ako sa itinuro niya. Si Ken nga. Nandito na naman siya?

"Anong ginagawa niya dito?" Tanong ko sa sarili ko.

"Aba malamang at iinom." Epal na sagot ni ate. Hindi ko na lang siya pinansin at nilapitan na lang si Ken. Kakarating niya lang din.

"Ken?" Tawag ko sa atensyon niya kaya napalingon siya sa akin.

"Star? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya kaya kinunutan ko siya ng noo.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan? Anong ginagawa mo na naman dito?" Balik tanong ko. Umupo naman siya sa isang stool at sinabi na sa bartender ang gusto niya.

"Palipas oras lang." Sagot niya.

"Palipas oras? E, lasing na lasing ka nga nung nakaraang nandito ka." Sabi ko at umupo sa tabi niya.

"Paano mo nalaman na nandito ako noon? Stalker ka no?" Tanong niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Kay ate 'tong bar na 'to. At FYI, nagkataon lang na nakita kita dito. Nagdadrama." Sagot ko. Umiwas naman siya ng tingin kaya napangisi ako.

Tanggap ko na. Tanggap ko na hanggang fangirl niya lang ako. Hindi naman masakit. Duh!

"So, ikaw pala naghatid sa akin sa studio noon?" Tanong niya ng hindi nakatingin sa akin.

"Yeah!" Tanging sagot ko habang nilalaro ang mga daliri.

Ilang oras pa kaming nagkwentuhan kaya ngayon ay marami na rin siyang nainom. Kanina ko pa nga pinipigilan pero ayaw naman paawat kaya ngayon ay puro kadramahan na naman niya ang naririnig ko. Tsk!

"Ramdam ko naman na si Jah ang pipiliin niya, e. Kaya susuko na ako. Hahayaan ko na siya kung saan siya masaya. Kasi alam kong 'yun ang kailangan niya." Mahinang sabi niya habang nakayuko.

Ramdam ko ang sakit sa mga salita na lumalabas sa bibig niya kaya nakinig lang ako.

Nagulat pa ako ng bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti. Tangina para akong nalagutan ng hininga.

Agad akong umiwas ng tingin dahil nakakalunod ang mga tingin niya. Taena ka Ken paasa ka talaga kahit kailan!






To be continued...

Your Fangirl | SB19 Ken✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon