Napailing na lang ako at naupo ulit.

"You're unbelievable Jayke." Napangiti ako sa ginawa niya pero hindi ko lang pinakita sa kanya.

Umupo na din siya sa tabi ko. "Nawala lang ako ng tatlong linggo naghahanap ka na naman." Tumawa siya sa sinabi niya pero ako nakatingin lang sa kanya ng nakangiti.

"Extraordinary ka talaga!" Sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin, "Ang sakit kasi sa mata ng paglalandian niyo eh. Kaya inawat ko na. Baka di nyo mapigilan eh." Kininditan niya agad ako.

"Thanks." Pagkasabi ko nun biglang nakipag-apir sakin si Jayke at agad niya akong hinila palabas ng bar.

Nagpatuloy kami sa paglalakad palabas ng bar kahit na may mga nababangga kaming tao.

"Hey! Sorry miss! Balikan kita bukas!" Sabi ko dun sa nabangga namin ni Jayke.

"Hindi ka na makakabalik dito bukas!" Jayke na napakabilis mangkaladkad.

"Oy! San ba tayo pupunta?!" Ako.

"At my place." Jayke.

"A-ano?!" Hinila ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya. "A-anong gagawin natin dun?"

Hindi niya pinansin yung tanong ko at nagpatuloy lang siya sa paglakad.

"Jayke how about our friends?" Tanong ko ulit.

"Itenext ko na sila kanina. Sinabihan ko na din na ihatid nila si Angeli." Huminto siya para bigyan ako ng kindat niyang nakakaakit.

'Jayke huwag mo kong akitin. Baka hndi ko mapigilan pagkasabik ko sayo.' Sabi ko sa isip ko.

Nang makarating kami sa tapat ng kotse ko, hiningi nya yung susi ko. Siya na lang daw magdrive kasi nakainom na ako at ayaw pa daw niyang mamamatay.

Ilang minuo lang nakarating na kami sa building ng condo niya.

Habang naglalakad kami hawak niya yung kamay ko. Kapag titignan ko siya, nakangiti lang siya at hindi nawawala ang ngiting tatlong linggo kong hindi nakita. 'How I missed this girl' Sabi ko ulit sa utak ko.

Pagkapasok namin sa pad niya pinaupo niya lang ako sa couch at pumasok siya sa kwarto ata niya. Ngayon lang ako nakapasok dito. At halatang babae ang nakatira kasi puro picture frames at may pambabaeng decorations pa na nakasabit sa pader.

Pagkabalik niya nakapink na shirt na siya at white shorts. Ang cute niyang tignan sa suot niya.

Naupo siya sa tabi ko at ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko at kumapit sa braso ko. Napapangiti na lang ako sa mga ginagawa niya ngayon. Surprise ba to? Ang saya lang kasi eh.

"I miss you." bulong niya sa akin. Napaayos ako ng upo sa sinabi niya. Bigla na lang may kung ano sa tiyan ko na parang kumulo at ang mga kabayo sa dibdib ko tumakbo na naman.

Tinigyan niya ako at nagpout siya. Nagulat ata isya sa pagkakaayos ko ng upo ko. Nalaglag kasi yung ulo niya sa sandalan ng couch.

HIS PARTNER IN BED (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon