x7

64.1K 307 28
                                    





**

Chapter 7

Jayke's POV

Sa sama ng loob ko, hindi ko na namalayang napadpad ako sa isang lugar. Hindi ko alam kung bakit ako napunta dito lalong hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para kumatok sa pinto ng condo nya.





Medyo nagulat pa ako nung biglang bumukas yung pinto nito at iniluwal ang isang lalaking hubad ang katawan. Di joke lang. Nakaboxers sya at take note, topless sya. Wah! *u* Kay gandang tanawin naman nito. Tinignan ko sya mula ulo mukhang paa. Este mula ulo hanggang paa. Mukhang nagising ko ata sya sa pagkakatulog nya.





Bakit ganon? Itong lalaking to kahit gulo-gulo yung buhok nya, kahit kakagising lang nya ang.. ang.. Wah! Ayoko sabihin pero.. ang GWAPO nya. Hindi lang yun, ang HOT din nya. Hot like fire. Pero bakit pag ako ang panget ko pag gising ko? (_ _")





Muling natuon ang pansin ko sa kanya, nakatingin na pala sya sakin. "ahh..ehh??" sabi ko at napakamot na lang ako sa ulo ko. Nag-iwas ako ng tingin kasi nakakahiya naman sakanya baka sabihin nya manyak ako eh. Hindi naman eh. Medyo lang.



"J-jayke.." Sabi nya. Nagulat din ata sya sa pagdating ko ngayon dito sa condo nya.

"S-stephen.. A-ano kase.. Hmm.." Wah! Ano sasabihin ko kung bakit ako andito? T^T

"W-wait. Bakit ang pungay ng mata mo? Umiyak ka ba? O nakadrugs ka?" Tanong nya sakin. Binatukan ko nga. Mukha ba akong nakadrugs? Bwisit na lalaking to.

"Aray naman! Amp! Bahala ka nga dyan." At tangkang isasara nya na yung pinto ng hinarang ko yung paa at kamay ko bago pa nya masara ng tuluyan.Tinignan ko sya ng masama nung buksan nya ulit yung pinto.



"Nagpunta ka ba dito para mang bully?!" Sabi nya sakin ng nakakunot yung noo.



"papasukin mo muna ko. Okay lang ba?" Pagkasabi ko nun, naglakad na sya papasok. Sumunod lang ako sakanya.



Nakita ko syang nakatayo at nakatingin sa labas ng glass window nya. Hindi ko alam kung ano naisipan ko pero agad akong lumapit sakanya at niyakap sya mula sa likod.



Naramdaman ko na parang nagulat sya sa ginawa ko. Pero agad naman syang nakabawi.



"May problema ba?" Unti-unti nyang tinatanggal yung kamay ko sakanya. Pero hinigpitan ko lang yung yakap ko sakanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, at napaiyak na ako sa likod nya.

"Sht. Why are you crying? Tell me." Pinipilit nyang humarap sakin pero hinigpitan ko lang yakap ko sakanya.


"No. No! Let me do this." Sabi ko at nakita ko naman na tumango sya. "Let me hug you for 5 minutes. Just 5 minutes." Naramdaman ko naman na hinawakan nya yung kamay ko na nakayakap sa kanya.



Nung medyo naging okay na ako, bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Tatalikod na sana ako pero hinawakan nya yung braso ko.


"Hinanap kita. Kahit wala akong kaalam alam tungkol sayo hinanap pa din kita." Niyakap nya ako. Nagulat ako sa sinabi nya. Ako? Hinanap nya ako? Bakit?

"H-ha? A-ako? Bakit mo ako hinanap? Hindi naman ako nawa--" Hindi nya ako pinatapos sa sasabihin ko.

"Dahil gusto kitang makita." Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Ano daw? Gusto nya daw ako makita? Totoo ba yung narinig ko? >/////<

(Author Says: Ano to Jayke? Paulit ulit lang?! Narinig mo na tinatanong mo pa samin? Tanga tangahan ang peg mo ateng?)

Author naman eh! Epal ka naman oh. Alam mo ba yun? Malamang hindi ako sigurado sa narinig ko. Moment ko na yun eh. Sinira mo pa! Spell Epal, A-U-T-H-O-R!!



Tinulak ko sya ng kaunti para magkahiwalay yung katawan namin sa isa't isa. Nakakaramdam kasi ako ng init sa mukha eh. Tae. ay aircon naman pero feeling ko lahat ng dugo sa katawan ko umakyat na sa ulo ko. =____=



"Bakit ka ba umiyak?" Hinawakan nya ako at pinaupo sa couch. "Gusto mo ba ng inumin?" Tanong nya sakin habang hawak pa din yung kamay ko.



Umiling lang ako. "Hmm. K-kase.." paano ko ba sasabihin na kaya ako umiyak kasi nahulog sa kalsada yung sampung piso ko?

Di ! Joke lang. Kainis kasi sila mommy eh. Hay. T^T

"Kase ano?" Palapit sya ng palapit sakin. Hahalikan ba nya ko? Sht! Nakapag-toothbrush ba ko kanina? hmm. Hindi ata? :D Okay na yan. Agad naman akong pumikit para abangan yung lalanding na labi sakin pero... w-wala?! Dafuq!





Napadilat agad ako at tinignan sya. Inilagay lang pala nya sa likod ng tenga ko yung ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko. Nakita ko syang nakatingin sakin..

"k-kase.." hindi ko na naman napigilang maiyak. "--nakakainis kasi sila mommy.. *sniff* pinagalitan ako. *huk* Gusto kasi nila ko dun na tumira sa kanila sa paris. *sniff*" Sabi ko habang kinukusot ung mata ko na patuloy na naglalabas ng mainit na likido.



Marahan lang syang nakikinig sa bawat sasabihin ko habang nakatingin sya sakin. "*sniff* pinagalitan pa nya ko kasi hindi ko daw sya sinusunod pag pinag.. *huk* sasabihan nya ako. *sniff*" tumango tango naman sya.



"Nakakasama na kasi *sniff* ng loob. Hindi ko naman kasi sinabing magtrabaho sila ng magtrabaho para *sniff* s-sakin eh.. " Tinanggal nya yung kamay ko sa mata ko.



Hinapit nya ako at niyakap. "Hayaan mo na sila. Huwag ka ng umiyak. Inaalagaan ka lang nila." Hinagod hagod nya yung likod ko. "Tahan na. Andito lang ako. Suportahan kita." Sabi nya na hinimas na yung buhok ko.



"S-sorry ha? Napunta ko dito kahit hindi naman talaga tayo magkakilala." Kumalas ako sa pagkakayakap niya sakin.



"Hwag ka ng umiyak." Sabi nya na pinupunasan yung pisngi ko. Tumango lang ako sakanya.



Nakita ko ng palapit ng palapit yung mukha nya sakin. Hinawakan nya yung pisngi ko, "Stop crying." Yun ang huling salita na sinabi nya at hinalikan nya ako sa mata, na naging dahilan ng pagpikit ng mata ko.



Naramdaman ko na lang na hinalikan nya ako sanoo, sa ilong, sa pisngi at sa... labi.



**

Short update for now. Pabitin muna! :"> Bukas ulit friends!

VOTE.

COMMENT.

HIS PARTNER IN BED (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon