x13

55.3K 254 18
                                    

 A/N: Ito na! Hindi ko kasi matiis hindi mag UD eh. Namimiss ko kayo. Tsaka inspired ako mag UD ngayon kasi kakatapos ko lang panoorin yung movie na 'TROY' about greeks and trojans. Hay. I think I'm inlove with Achilles and Hector. =)

Anyway. Sorry ha. Madi-disappoint ko yung mga nagcomments sa last chapter. HAHAHA. Ngayon pa lang sorry na. XD

Oy ah!!! Basa na friends!!!! :">

                            ***

Chapter 13

STEPHEN'S POV

Ilang linggo na ang lumipas simula ng huling kita ko kay Jayke. Sabi sakin ni Alex, nasa Paris na daw yung dalawa. Doon na daw mag-aaral. Tangina lang diba?! Nagpaalam din daw yung dalawa kay James, Luke at Michael. Sakin lang talaga hindi. Sht.

Hindi ko alam sa sarili ko, pero ilang araw na din akong iritado sabi nung apat. Hindi man lang kasi nagpaalam sakin si Jayke. Dun na pala siya mag-aaral, na natuloy yung sinabi niya na pagpapapunta sa kanya ng magulang niya sa Paris.

Pero sabi naman nila Alex, yung araw daw na gusto makipagkita nila Jayke samin yun na daw yung araw ng flight nila papuntang Paris. Tangina. Sana pala diba pumunta ko at pinagpaliban ko muna ang pagtuturo ng swimming kay Jill. Sana man lang nakita ko siya sa huling pagkakataon.

Simula ng Sembreak, lagi na kaming nagliliwaliw na magkakaibigan. Nakapagbakasyon na din kami sa Singapore ng mahigit isang linggo. Nandoon kasi ang isang business na tinayo naming magkakaibigan.

Isang clothing line na pinamahala namin sa ate ni Alex. Binisita namin yung business namin ng dalawang araw lang siguro at yung ibang araw na nandoon kami sa Singapore eh napunta sa pag eexplore ng mga bars. Daming hot chic sa singapore. Buti na nga lang nung nandoon kami hindi pumapasok sa isip ko si... Aish!

Ito na naman ako puro siya na naman naiisip ko. Nandito na nga pala kami sa Pilipinas. Nakabalik na kami mula sa bakasyon. Pagkauwi namin, doon ako tumuloy sa bahay nila dad. Nagbakasyon din kaming pamilya sa Tagaytay dahil sa pagpupumilit ng kapatid ko sa akin na sumama.

Ngayon, ito kami ng barkada. Nasa bar na naman kami. Sinusulit lang namin yung natitirang araw na bakasyon. Sa isang araw kasi pasukan na namin ulit.

"Hoy Ilustre!" Sigaw ni James.

"Man, Sino na naman iniisip mo? Si Jayke?!" Natatawang sabi naman ni Michael.

"Oh Jayke! Long Time---" Hindi natapos ang sasabihin ni Luke sa gulat ng bigla akong napatayo at nagpalinga linga.


"Napailing na lang ako at naupo ulit ng marinig ko na ang mga mapang asar nilang tawanan.

HIS PARTNER IN BED (On-going)Where stories live. Discover now