x9

65.4K 443 30
                                    

A/N: Thanks sa votes! Sobra sobra pa sa 20 yung votes nyo . Salamat salamat. Gusto ko lang kasi magvote kayo para malaman kung nababasa nyo talaga yung mga Author's Note ko at para mainspired naman ako sa pagsulat. Hihihi! :p

Dedicated to sa kanya kasi tuwang tuwa ako tuwing nagcocomment siya. Hehe! Nakakagaan ng pakiramdam kasi may sumusuporta sa story ko na kagaya niya. Thank you! :*

                                         **

Chapter 9

Jayke's POV

Gumulong siya sa tabi ko. Agad niya akong niyakap at nilaro laro niya ang buhok ko. Nakapatong na ang ulo ko sa dibdib niya sa labis na paghapit niya sakin.

"Oh malungkot ka pa din?" Napansin niya atang nakatingin lang ako sa may pader. Umiling iling lang ako para hindi niya mapansin na malungkot pa din ako.

"Huwag mo na isipin yun. Hindi ka dapat nagagalit sa kanila." Hinalikan niya ang ulo ko. "Responsibilidad nilang alagaan ka." Niyakap niya ako ng mahigpit.

Bakit ganito nararamdaman ko? Bakit parang ang komportable ko sa lalaking to? To think na hindi namin kilala ang isa't isa. Natutuwa ako sa pangangaral niya sakin. Pinipilit niyang mapasaya ako kahit hindi niya alam kung paano.

Pero... "OY! T-teka nga!!" Lumayo ako sa kanya ng kaunti. Iniangat ko ang ulo ko at tinignan siya. "Bakit mo ko hinahanap?!"

"Makasigaw naman to." Ginalaw galaw niya yung tenga niya. "Nasagot ko na yang tanong na yan diba?" Nakatingin na siya sakin ngayon.

"Eh bakit hindi mo ako pinansin nung nagkatinginan tayo sa mall?!" This time umupo na ako at sumandal sa headboard.

Umiwas siya ng tingin sakin. "Hindi ko din alam eh." Nakatingin lang siya sa kisame. "May mga kasama kasi tayo nun." Niyakap niya ako sa may tiyan ko habang nakahiga siya. Naiimagine nyo ba?

Hwag nyo na i-imagine. Baka mainggit kayo sakin kasi yakap niya ako. :">

Pero...

Hay! Sige. Ipaalala niya pa sakin na may girlfriend siya at mali tong ginagawa namin. Shems naman kasi eh. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ako pumapayag.

Parang hindi naman ako ganito eh. NO! Hindi talaga ako to. Pero hindi ko talaga alam kung ano meron sa lalaki na to at naging ganito ako. Hindi na ako marunong mag isip ngayon! (_ _") Bakit naman kasi ko pumapayag gawin namin to?!?!

HIS PARTNER IN BED (On-going)Where stories live. Discover now