x51

22.8K 168 30
                                    

Chapter 51

Nandito ako ngayon sa private room kung nasan naka confine si Jayke. Simula ng makausap kami ng doktor, binantayan ko na siya. Buong magdamag kaming nagbantay sa kanya. Ayaw naman daw kasi akong hayaan nila Luke na magbantay ng mag isa. Hindi ko rin kasi matagalan na makita siya na maraming aparato ang nakakabit sa katawan niya. Ni-hindi ko matignan ng matagal ang makina na nagsisilbing buhay niya. Nasasaktan ako.

Umaga na ng maisipan nilang magkanya kanya na muna ng uwi. Babalik na lang daw sila ng hapon o gabi para palitan ako sa pagbabantay.

Kahit naman pumunta sila dito, hinding hindi ko iiwan si Jayke. Ayokong umalis sa tabi niya. Baka magising siya ng wala ako. Ayoko naman nun. Mas gusto ko na magising siya at ako ang una niyang makikita.

Napabalik ako sa wisyo ko ng biglang may pumasok sa kwarto na to.

"Anong nangyare sa kanya?" Nagulat ako ng makita ko si dad at Jill.

May dala silang prutas at mga bulaklak.

"Dad.." Tawag ko sa kanya.

"Kuya.. Si ate.." Malungkot na naglakad si Jill papalapit sa nakahigang katawan ni Jayke.

"What happened, son?" Lumapit na rin si Dad.

"Car accident last night. She's now on coma." Napabuntong hininga na lang ako.

Napailing si Dad at tinapik ako sa balikat. "Everything happened for a reason."

Tumango naman ako at naupo sa sofa sa gilid ng kama ni jayke.

"Paano niyo nalaman?" Tumingin ako sa kanya. Nakita ko naman siya na tinitignan si Jayke.

"James texted your sister. Nagtanong kasi si Jill kung nasan ka, at nalaman nga namin na nandito ka dahil kay Jayke." Ibinaba ni Dad ang mga prutas sa may table dito sa kwarto ni Jayke.

HIS PARTNER IN BED (On-going)Where stories live. Discover now