CHAPTER 30

525 28 1
                                    

Herriette's POV

Ilang buwan na ang nakalipas matapos ang maraming kaganapan.

Kumalat sa school ang mga pangyayari. Naging maayos narin ang pagsasama namin ni Jacinth, wala ng away sa pagitan ng kompaniya nila at kompaniya namin. Wala ng humahadlang sa'min.

Naging malapit at maayos na ulit ang pakikitungo ng parents ko sa parents ni Jacinth.

"I'm happy because after all naging maayos din ang lahat." Sambit ko kay Jacinth.

Nandito kami sa labas ng bahay. Nakaupo kami sa isang bench. Nakapatong ang ulo ko sa balikat ni Jacinth habang magkahawak kami ng kamay.

Pinagmamasdan namin ang kalangitan.

"Akalain mo 'yon, matalik na magkaibigan pala ang Dad mo and Dad ko." Pagsasalita ko.

"At sabay tayong pinagbuntis at ipinanganak. That's why we had the same birthdate." Dugsong ni Jacinth. I laughs. This is really funny. Ipinagpatuloy ko ang pagbabalik tanaw namin sa mga pangyayari.

"At dahil tayong dalawa ang first baby ng magbestfriend nating parents at dahil narin sa paniniwala nila na ang pagkakasabay nila sa panganganak sa'tin ay sign na baka tayo ang magandang pagsamahin at itinadhana ay ipinagkasundo na agad tayo." I chuckles. Nakakatuwa ang parents namin noon dahil iniisip nila ang mga ganitong bagay.

"Then kinailangan naming lumipat sa US. Sa takot ng Mom mo na baka makakilala ako ng iba sa US- mismong birthday natin ikinasal tayo kahit 1 year old palang natin 'yon. They had the money kaya nagawa nila 'yon. Ikinasal tayo through papers at inilipat na agad ang apelyido ko sa'yo."

"Ang sabi nila kapag graduated na tayo ng high school saka palang nila sasabihin sa'tin. Kapag nakauwi kana sa Pilipinas. Kinalakihan ko ang apelyidong Reagan, may time na nagtanong ako kung bakit iba ang apelyido ko sa apelyido nila ang sabi lang nila malalaman ko sa takdang panahon, I was young that time so hindi ko inintindi."

"And then at your 13th birthday celebration doon nagsimulang magbago si tita Zuzette." Si Jacinth.

"Nalamn niya pala na may ibang anak sa babae si Dad."

"At alam 'yun ni Dad dahil magbestfriend silang dalawa. Tumulong si Dad para itago si Hershelle. N'ong time na umalis kami papunta sa US ipinasama samin ng Dad mo si Hershelle ng patago." Patuloy ni Jacinth.

"And noong mismong 13th birthday ko rin nalaman ni Mom na tumulong pala ang Dad mo para maitago si Hershelle."

"Nagalit ang Mom mo sa ginawang pagtatago ng dalawang magbest friend at nagalit siya kay Dad, nagalit siya sa pamilya namin."

"Simula noon nagkaroon na ng dahilan si Mom sa tuwing magtatanong ako sa apelyido ko, ang lagi niyang sinasabi nagkaroon ng conflict sa papers at hindi na binago dahil galing lang ito sa lola ng lolo ko."

"Kumampi ang Mom mo sa mga kaaway na kompaniya namin. May time na lumubog kami ng dahil doon at doon nagsimula na ang away sa pagitan ng pamilya natin." Si Jacinth.

"Pati ang pagkakaibigan ni Dad at ng Dad mo nasira." I continued.

"Simula noon hindi na nila sa'tin sinabi pa na ikinasal na tayo. Pinag-isipin nilang pawalan ng bisa ang kasal sakaling makauwi na kami ng Pilipinas."

"At dahil nga magkaaway sila, pinipilit nila tayong paglayuin." Matapos kong sabihin 'yon ay iniharap ako ni Jacinth sa mukha niya.

"But here we are now happy together. You are my wife and I'm your husband." I stared at him intently until our lips met.

Kasabay ng halik namin ang putukan ng fireworks display sa kalangitan. Sabay kaming tumingin dito at matapos 'yon hinawakan ulit ni Jacinth ang mukha ko at inilapat ang noo ko sa noo niya.

"Happy new year, wife." He greeted.

"Happy new year." I responded as I stared at his eyes.

"Wife." He whispered.

"Hmm?"

"Marry me, again."

Ngumiti lang ako at hinawakan ko rin siya sa mukha. Then I kissed him. Alam mong alam na niya ang sagot ko.

"Jacinth and Herriette pasok na kayo sa loob! Puro kayo harutan!" Sigaw sa amin ni Allisha. Umuwi siya dahil New Year.

"Kakain na!" Sigaw ulit nito dahilan ng pagtayo namin ni Jacinth. Magkasabay kaming pumasok sa loob habang magkahawak ang kamay.

Narito sa bahay namin ang Dad and Mom ni Jacinth. Syempre nandito si Mom and Dad pati narin ang kapatid kong si Hershelle. Pati si Juliane kasama narin ang kapatid niyang si Viana.

Sabay sabay kaming kumain at ipinagdiwang ang araw ng bagong taon.

OUR SURNAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon