CHAPTER 6

524 37 4
                                    

Herriette's POV

Kasabay ko ngayon sa pagpunta sa room si Juliane.

"Bakit nga pala hindi mo kasabay si Allisha?" Biglaang pagtatanong ni Juliane.

"Ah, hindi ulit pumasok. 3 days siyang mawawala dahil bumalik ulit siya sa Laguna."

"Kumusta naman ang tulog mo?"

"A-ah, ayos naman. 'Yung sa'yo ba?"

"Maayos rin naman. Nakita kita sa panaginip ko HAHAHA kidding." At doon nagtawanan kami.

Hindi ko alam pero minsan napapatitig ako sa mukha niya at ngayon bigla nalang tumibok ng mabilis ang puso ko.

Mabait at matalino siya. Napakaapproachable niya rin. At maaasahan sa lahat ng bagay.

Magkatabi na kaming nakaupo ngayon sa room. Naglelecture ang Professor namin ng biglang may babaeng nagpahinto rito.

"Sir excuse po."

"What can I do for you, Miss?"

"Excuse po kay Juliane."

"Juliane, may naghahanap sa'yo sa labas."

At doon tumayo si Juliane papunta sa labas. Sumilip ako mula sa bintana at doon nakita ko silang nag-uusap.

Maganda. Maputi. Sexy. Mahaba ang buhok. As in ang ganda n'ong babae. Sino kaya 'yun?

Matapos ang ilang minuto ay bumalik na si Juliane. Hindi ko na siya tinanong kung sino 'yung babae at naging tahimik nalang sa pakikinig sa bawat lectures.

-

Lunch time at niyaya ako ni Juliane na sabay kami kumain pero tinanggihan ko. Hindi ako kumain tutal wala rin naman si Allisha.

Pumunta nalang ako sa rooftop para magpahangin. Hindi ko alam pero parang ang bigat ng pakiramdam ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Rinig ko mula sa likuran ko dahilan ng pagtingin ko dito.

"P-pinsan, nandiyan ka pala?" Lumapit siya sa akin ngayon ay parehas na kaming nakadungaw sa ibaba.

"Hindi ka kumain?"

"Hindi, nakakatamad eh." Bigla nalang akong napako sa kinatatayuan ko ng biglang makita ko mula sa itaas ang imahe ng isang babae at lalaki na nag-uusap ngayon sa baba. Si Juliane at 'yung magandang babaeng kausap niya kanina.

"Uy!" Sigaw sa akin ni Jacinth dahilan ng pagkabalik ko sa reyalidad.

"May gusto ka sa kaniya?"

"H-ha? Kanino?"

"Sa kaniya." He's now pointing to Juliane.

"W-wala 'no! Hindi ako nagkakagusto sa lalaki. Never."

"Tatanggi kapa mukha ngang selos na selos kana."

"What?"

"They said, kapag nalungkot ka nalang sa hindi mo alam na dahilan matapos mong makitang may kasamang iba ang isang tao nagseselos ka."

"Ha? Hindi kaya! Napapatitig lang ako sa kanila kasi ang ganda nong babae oh, di hamak na mas maganda pa sa'kin."

"Now you're comparing yourself with that girl. You are really jealous."

"Hindi!"

"His full name was Juliane E. Parsley, right?"

"O-oo." I stuttered.

"Huwag ka ng magselos, pinsan. Kapatid niya lang 'yung kausap niya. Pa'no? Mauna na ako."

At doon naiwan akong tulala. Bigla nalang akong nakaramdam ng saya sa loob ko.

Wtf? I'm really jealous? Seriously?

Oh God please came down on Earth and tell me what's happening to me right now!

Bakit ako nagselos?

OUR SURNAMEWhere stories live. Discover now