CHAPTER 4

641 41 8
                                    

Mabilis akong bumaba galing sa kuwarto ko matapos mag-ayos ng sarili ko.

Dumeret'yo ako sa kusina para tanungin si Aling Tessa kung nasaan si Mom.

"Ya, nasaan po si Mom?"

"Ah iha maagang umalis dahil sa trabaho.  May ka meeting mula sa ibang kompanya."

"Ganon po ba. Ahm..."

"Bakit iha? Mukha yatang may gusto kang sabihin?"

"Ah wala po. Sige na po, una na ako."

"Sigurado ka?"

"Opo." Tumalikod ako ngunit nakaisang hakbang palang ako ay lumingon ulit ako kay Aling Tessa.

"Bakit?" Deret'yong tanong niya kaya't napangiti ako.

"Ahm, may kilala po kayong Jacinth na pinsan ko?"

"Wala pa akong naririnig na ganiyang pangalan."

"Ah sige po! Salamat nalang po ya, una na ako." At doon tumakbo na ako palabas papasok sa kotse.

-

Nakadungaw ako ngayon sa bintana ng kotse. Sumisilip ako sa bawat madaanan ng biglang mahagip ng paningin ko ang isang imahe ng lalaki. Si Jacinth. Bakit naglalakad lang siya?

Ipinahinto ko ang kotse at inilabas ang ulo sa bintana. Tumingin ako sa likod at tinawag siya.

"Pinsan!" Pagsigaw ko at ngayon magkapantay na kami.

"Sakay ka na dito oh." Nagpalingon lingon siya sa paligid at itinuro ang sarili, wari'y nagtatanong kung siya ba ang tinutukoy ko.

"Oo ikaw. Sakay kana, bakit ka naglalakad? Huwag ka na pating mahiya, magpinsan tayo remember?"

"No need. Thanks." Pinilit ko pa siya matapos ang sagot na iyon pero hindi talaga siya pumapayag kaya naman lumabas ako ng kotse.

"Dito nalang po ako." At doon umalis na amg driver ko.

Tinapunan lang ako ng tingin ni Jacinth atsaka nagpatuloy sa paglalakad. Ang sungit! Ako na nga nagmamalasakit hmp!

"Hoy Jacinth! Pinsan! Hintayin mo nga ako. Ang sungit nito, bumaba na nga ako para may kasabay ka naman tapos iiwan mo ako."

"Wala akong sinabing bumaba ka at sabayan ako." Nag-init ang ulo ko sa sagot niya at kusang gumalaw ang kamay ko para kaltukan siya.

"Huwag kang masungit, wala ka sa teleserye ok?" Naputol ang komunikas'yon namin matapos 'yon.

Sabay lang kaming naglalakad habang tahimik hanggang sa makarating na kami sa School.

"Sampung minuto mo akong pinaghintay Herriette!" Sigaw sa akin ni Allisha pero agad siyang napataklob sa bibig ng makita niya kung sino ang kasama ko.

"Omyghad sis. Close pala kayo?! Herriette bakit di mo agad sinabi ha?" Tumitig siya kay Jacinth ngunit tinaasan lang siya nito ng kilay.

"Una na ako." Pag-iwan sa amin ni Jacinth. Wala man lang salamat grabeng pinsan 'to oh.

"Tara na." Paghila ko kay Allisha ngunit ako lang rin ang nadala. Hala natuod na.

"Huy tara na!" Sigaw ko para mabalik siya sa reyalidad.

"Sis kwentuhan mo ako mamayang lunch ha. Hindi pwedeng wala akong alam!"

-

"Your group activity will be presented by monday. Today is Tuesday and you have 5 days to make it done. Make sure na matutuwa ako sa presentation niyo. I want it to be perfect and in time, are we clear?" Our Professor exclaimed in front of us.

We all responded as a sign of being agreed. Mukhang mahirap 'to ah.

-

Nakatitig lang sa amin si Allisha at sinusuri kaming tatlo.

"So ako lang pala ang hindi updated sa mga happenings dito. Nawala lang ako ng isang araw dami na naganap."

"Baliw! wala namang nangyayari." Pagbara ko.

"Shh! so magpinsan pala kayo ng best friend kong si Herriette, Jacinth. At ikaw Herriette, jumojowa ka na ah, kuwentuhan mo nga ako dito kay Juliane, infairness sis, guwapo."

"Walang meron samin, Allisha. We're just friends." Si Juliane.

"Oo nga.  Magtigil ka nga! Ma issue ka rin eh."

"Eh diba ganiyan mga type mo sa lalaki?" Pinanlakihan ko si Allisha ng mata, sign na tumigil na siya. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita ng maunahan ako ni Jacinth.

"Humahaba ang usapan, nagtatagal tayo. We're here for the activity, so please let's start." Lahat kami ay nagtahimikan at doon ay nagsimulang mag-usap.

Napag-usapan naming sa bahay ni Juliane gawin ang experiment at tapusin ang mga papers since siya ang leader. Magkakaroon rin kami ng kaunting paghahanda roon para sa reportings at pagpapatibay sa project na ito.

-

Naunang umuwi sa akin si Allisha at naiwan ako sa school. Dumeret'yo ako sa locker room para ilagay ang gamit ko ng maabot ng paningin ko si Jacinth.

Nakatitig siya sa cellphone niya. Mukha siyang malungkot at may dinadalang problema. Lumapit ako sa kaniya.

"Medyo kahawig mo siya." Rinig kong bulong nito habang nakatitig sa cellphone niya.

"May problema ka pinsan?" Agad kong pagsasalita na ikinagulat niya. Ngayon ay nakaupo na ako sa tabi niya.

"Bakit ka nandito?"

"Babae 'yun 'no? Medyo nakita ko." Tumawa ako ng marahan pero agad rin akong tumigil dahil sa seryoso niyang mukha.

"Bakit? Masama bang makita? Sorry na."

"No, it's ok."

"Bakit? Niloko ka ba?"

"Hindi niya ako niloko. Ayaw lang talaga ng tadhana na maging kami para sa isa't isa. Lahat tutol. Walang nagloko pero sumuko? Oo meron." Tumayo siya at binulsa ang dalawang kamay.

His words left me speechless.

"Mauna na ako."

"Wait, magpinsan naman tayo diba? Sino ba 'yan? Dapat shineshare mo sa akin 'yan."

"Sure ka bang magpinsan tayo?"

"Ha? Diba magpinsan naman talaga tayo?"

"Actually ngayon lang kita naencounter. I just used the word cousin that time dahil kailangan tutal we had the same surname. Hindi ko alam kung pinsan ba talaga kita." Bago pa man ako makapagsalita ay dinagdagan na niya ang sinabi niya. "Malay mo tita kita HAHAHA."

"Mukha ba akong matanda?!"

"Kidding. Una na ako." At doon ay tumalikod siya sa akin kasabay ng pagwagayway ng kamay sa taas.

"Bye pinsan. By the way, her name was Hershelle."

OUR SURNAMEOnde histórias criam vida. Descubra agora