CHAPTER 13

407 27 3
                                    


Jacinth's POV

Mabilis na tumakbo si Herriette palayo sa akin matapos kong gawin 'yon. Nagulat siguro siya. Maging ako hindi ko alam ang ginawa ko, kusang gumalaw ang ang kamay ko para ilapit siya sa mukha ko.

I just kissed my cousin. Ofc anong ginawa ko?

Itinuon ko ang dalawang kamay ko sa buhangin at tumingala sa langit.

"Herriette." Bulong ko habang nakatingin sa itaas, nakikita ko ang maaliwalas niyang mukha mula dito.

Napangiti ako at naalala ang halik na iyon. Our kiss longed for almost 2 minutes, I don't know but it's driving me crazy.

I think I like her. I like my cousin.

Fvck Jacinth she's your fvckn' cousin! But I really like her, I don't care. I won't stop this feeling. For now I'll keep it and will not tell her.

-

Buong maghapon akong hindi pinapansin ni Herriette. Ni kausapin kahit saglit o ni tingnan ay hindi. Siguro ay hindi niya parin nakakalimutan ang nangyari kagabi.

Sumapit ang gabi, lahat kami ay nasa labas- nakaupo sa buhangin ng pabilog habang ang isang bonfire ang nagsisilbing ilaw namin.

"Laro tayo!" Sigaw ng isang babae, I think she's from section B. Lahat ay nagsigawan para sa pagpayag.

Katabi ko si Viana, next to her si Herriette na sinundan naman ni Juliane.

"Truth or Dare! Iikot ko na ang bote." At doon nagsimulang umikot ang bote.

"Viana... Truth or Dare?" Tanong nila.

"Ayoko ng truth, itatanong niyo lang naman kung sinong gusto ko kaya Dare nalang!"

"Hmm... magsayaw ka dito habang kumakanta sa gitna!"

"Oo nga! Daliii!"

"Walang KJ!" Hiyawan nila dahilan para magpunta si Viana sa gitna.

"Sakin ikaw parin ang bibi ko, bibi ko~
Kahit wala ka na sa piling ko, piling ko~
Pangakong ipagdarasal parin kita, ipagdarasal parin kita~" pagkanta nito habang sumasayaw. Nagsimulang mag-ingay ang lahat at kita ang pag-eenjoy nila.

Napatingin nalang ako kay Herriette na ngayon ay nanonood lang kay Viana. Nakangiti na siya ngayon.

Matapos iyon ay nagsimula ulit umikot ang bote. Marami ng natapatan. Ang ilan ay dares ang pinili at karamihan ay truth na, ayaw kasi nilang magsayaw at kumanta sa gitna. Mas gugustuhin nilang malaman kung sino ang gusto nila kesa ang maging sentro ng atens'yon sa gitna.

"Juliane! Truth or Dare?"

"Truth." There's no hint of hesitation in his answer.

"May nagugustuhan kaba na narito?"

"To be honest, wala pa." Sagot nito. Agad akong napatingin kay Herriette pero wala yata ito sa katinuan. Lutang 'yata ang isip niya dahil nakayuko lang siya habang nilalaro laro ang buhangin.

"Wala pa, so magkakaroon palang?"

"Uhm, maybe? We don't know." Pagngisi ni Juliane matapos ang sagot.

"Oh, 'yung pinakatahimik dito. Jacinth! It's your time to shine. Truth or Dare?" Napapitlag ako matapos marinig ang pangalan ko. Agad akong napatingin kay Herriette na ngayon ay nakatingin din sa'kin.

"Jacinth, truth or dare?" Tumingin ako sa nagtanong at ngumisi.

"Dare." At pagkatapos noon ay tumayo ako mula sa kinauupuan ko at pumunta sa gitna.

-

Herriette's POV

Matapos ang nangyari kagabi hindi ko na nagawang kausapin si Jacinth. Nakakailang! Bakit niya ako hinalikan?

Lutang lang ako buong maghapon dahil hindi ko parin lubos na maisip na magagawa sa'kin 'yon ni Jacinth. Maybe he's just drunk that night or he's just having a good time.

Napaangat ako ng ulo at napatingin kay Jacinth matapos siyang matapatan ng bote. Pinili niya ang Dare, seryoso ba siya sa gagawin niya?

Nakatayo ngayon sa gitna si Jacinth. He's staring directly on me, hindi ko alam pero hindi ko rin magawang alisin ang tingin ko sa kaniya.

Gusto kita na mapasakin kahit na mali~
Katabi ka ng matagal at 'di lang ngayong gabi~
Hiling ko sana'y matupad ako'y 'di na mapakali~
Gawin nating lagi nakaw nating sandali~

Pagsisimula niya sa kanta habang nagsasayaw. Sa akin siya nakatingin habang ginagawa iyon and it'd making me frustrated. It'd also made my heart hammered to fast.

Gusto kita na mapasakin kahit na mali~
Katabi ka ng matagal at 'di lang ngayong gabi~
Hiling ko sana'y matupad ako'y 'di na mapakali~
Gawin nating lagi nakaw nating sandali~

His voice as well his dark eyes with the dancing fire between us made the whole place so unrealistic, I felt like we're in different place. Just the two of us, alone.

Wala akong marinig kundi ang boses niya at wala akong makita kundi siya.

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko, hindi ko ba alam ang papansinin ko. Mamamangha ba ako kasi ang ganda ang boses niya? Matatawa ba ako dahil sumasayaw ngayon sa harapan namin ang isang Jacinth Aquendo Reagan? O maguguluhan kung bakit siya nakatingin sakin? May ibigsabihin ba siya sa lyrics ng kanta?

I don't know what to feel about this. It's hard to accept that he's melting me, little by little.

He's doing right now just making me feel the tension, nervousness and uneasiness that left me frozen. Making me stare at him without making any movement.

When he finally finished what his doing, I unintentionally caressed my neck and I looked at different direction.

At doon nagsimulang maghiyawan at magsigawan ng malakas ang mga taong nandito. Sobrang lakas, nakakasira sa pandinig. Siguro dahil ang taong sumayaw at kumanta sa gitna ay ang taong hindi kapanipaniwalang gagawain iyon.

I can still feel the butterflies in my tummies, my heart also beating so faster. Ano itong nararamdaman ko? I don't know, my mind can't think clearly.

OUR SURNAMEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin