Chapter 31: Flowers

8.6K 118 0
                                    

KATE POV
Ang sakit ng ulo ko. Sinubukan kong tumayo pero nahihilo talaga ako kaya minabuti ko nalang na mahiga muna saglit.

"Higa ka muna yam kukuha lang kita ng maiinom sa baba."

"Thanks yam" anong oras na ba? Anong nangyari bat napunta ako dito? Last na naalala ko nakaupo ako sa pool.

"Oh inom ka muna yam. Hindi naman kasi umiinom uminom pa eh yan tuloy may sinat ka"

"Ano bang nangyari?"

"Wala kang maalala?" Pumiling ako bilang tugon. May nagawa ba ako na di dapat gawin? "Nahulog ka sa pool kaya ka may sakit ngayon yam buti nalang nandoon si Dhen kung hindi nalunod ka na!"

Si Dhen? Nandoon siya? "Hindi ko nga din alam bat siya umiiyak kagabi matapos ka niyang idala dito"

"May nasabi ba akong hindi maganda sa kanya?"

"Hindi ko din alam eh kasi binantayan kita dito."

"Nagsiuwian na ba sila?"

"Hindi, natutulog sa kabilang kwarto. Ako naman ang matutulog ngayon yam ah."

"Sige bababa lang ako"

"Sige, may pagkain sa baba kumain ka at ng mawala ang hilo mo baka gutom lang yan"

Pumunta ako sa kusina para maghanap ng pagkain. At ni-open ko yung phone ko, sobrang daming messages. Lahat sila nireplayan ko ng Merry Christmas.

"Ayos na ba pakiramdam mo?"

"Ay pusang gala!!" Muntik ko ng nahulog sa pagkain ang phone ko! Kahit kailan talaga wrong timing tong lalaking to.

"Bat ka ba nanggugulat!!!"

"I'm sorry hindi ko sinasadya. Ano ok ka na? Hindi ka nahihilo? Binilhan kita ng gamot para makainom ka"

"Galing kang labas?"

"Oo bakit?"

"Ah wala wala"

"Ikaw daw tumulong sakin kagabi? Bakit?"

"Ah oo. Nakita kitang nahulog sa pool kaya agad kitang pinuntahan"

"Salamat"

"Welcome"

Ayoko ng magsalita baka ano pang masabi ko at pagsisihan ko pa.

"Kate"

"Hmm"

"Ah wala wala." Parang timang to. Kahit anong gawin ko hindi ko makuhang magalit sa kanya! Nakakainis!

"Ah nga pala umiyak ka daw kagabi sabi ni Sandra. May nasabi ba akong di maganda sayo?"

"Iiyak ba ako kung wala."

"I'm sorry." Ayoko namang itanong kung anong nasabi ko, nakakahiya.

"No its ok. Sa katunayan nga ako dapat ang nagsosorry sayo eh. Sa susunod huwag kang iinom kung wala ako sa tabi mo. Please lang" wow ah matapos niyang sabihin yon sabay walkout? Sino ka ba para sabihin yon? Hindi na ako nakaimik dahil sa mga iniisip ko.

"Oh gising na pala ang Baby namin"

"Goodmorning Dennis" ni-kiss niya ko sa forehead. Nasanay na ako kasi ako nga daw ang baby nila kahit si Dhen kinikiss ako sa forehead lagi kaya hindi ako naiilang sa harap ng iba pag kasama ko siya.

"How's your feeling baby?"

"Ok naman na, Sorry sa nagawa ko kagabi nasira ko ata ang celebration natin."

"Nasira? Bakit naman?"

"Una nahulog ako sa pool, then umiyak daw si Dhen dahil sa akin."

"Hahahaha"

"Why are you laughing?"

"Wala. Don't worry maalala mo din lahat ng nangyari. Hahaha"

Pumunta nalang ako sa garden sa may harap ng bahay para magpahangin ng makita ko na natutulog doon si Dhen. Naupo ako sa harap niya para pagmasdan siyang natutulog.

"Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman sayo, kahit na ikaw pa din, hindi mo na maibabalik pa ang dating Kate na nakilala mo. I used to be happy before Dhen but you ruin everything I am now." Pinunasan ko agad ang namuong luha sa mga mata ko dahil nagising ko ata siya. Tatayo na sana ako ng bigla niya akong pigilan.

"Kate wait, can you stay here for a minute?" Ayaw na ayaw kong nagrerequest siya kasi ang hirap niyang tanggihan! Martir talaga ako eh no? Hayyss. Bumalik ako sa kinauupuan ko at nagstay lang ako doon. Hindi ako nagsasalita.

"Kate gusto ko lang na sabihin to sayo. Now that We're already Professional in our field, I can say that I have the courage and confident that we belong to each other no matter what. I can wait Kate just tell me if i have the chance to have you in my life."

"Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sayo Dhen, bigyan mo pa ako ng panahon para makapag-isip at malaman ko kung ready na ulit akong magmahal, na mahalin ka"

"Sobra sobra na ang binigay mong sagot Kate. I will wait no matter what"

"Lovebirds, magimpake na tayo"

"Sige sunod na kami bro!"

"Tara?" Nagimpake na kami ng gamit kaso hindi lahat kasi babalik pa kami ng New year dito.

"Ayus na ba pakiramdam mo yam?"

"Oo, nakainom na din ako ng gamot kaya medyo ok na"

Lumipas na naman ang isang linggo at bagong taon na. Tapos balik na naman sa trabaho after nito. Natapos naman ang bagong taon ng matiwasay. Hahaha

"Ma, pasok na po ako"

"Sige nak, ingat sa pagdadrive ah"

"Ah nak siya nga pala may iniwan sayo si Dhen kaninang umaga."

"Ano po yun Ma?"

"Tingnan mo sa Sala" Balaklak? Para saan naman to?

"Kita ko na Ma! Una na po ako!" Ni-Dial ko yung number niya pero hindi siya sumasagot. Nagdrive na ako papuntang work. Mamaya ko nalang siguro siya tatawagan

You left, Remember?Where stories live. Discover now