Chapter 17: Over

11.1K 136 6
                                    

KATE POV

"Yam, totoo pala yung mga sinasabi ng iba."

"Na?"

"Na mas memorable yung High School Life experienced mo kesa sa College. Tulad ngayon."

"Yeah right. Kailan ba yung huling bonding natin with them?"

"Last month pa." Yes. Graduating na kami ng College. Kinuha namin ni yam ay Accountancy para kung sakaling gusto kong magLaw School pwede tong pre-requisite.

Si Dhen lang ang lagi kong nakakausap sa squad maliban kay yam. Siya lang kasi ang laging nangungumusta sakin in PM. Sa GC naman namin di masyadung active. Di ko nga alam kung naka-mute na yung sa kanila eh.

"Ang bilis ng panahon no yam. Sa sobrang busy natin di na natin namalayan na graduating na pala tayo."

"Oo nga eh. Tapos ni isa man sa kanila walang paramdam sa GC natin." Siguro once a month lang kami magbonding kasi sobrang busy namin tapos di man lang nagagamit GC namin.

"Talaga ba yam?" Anong pinagsasabi nito?

"Huh?"

"Alam ko di ka nagoopen about kay Dhen pero di mo matatago sakin yam." How did she know?

"Alam mo?"

"Oo"

"How?"

"Naalala mo nung nag-order ka ng coffee, sakto pagkapila mo may tumatawag sayo at nakita ko yung name niya. Pagkabalik mo naging balisa ka, tiningnan mo ko kung napansin ko ba na may tumawag sayo kasi nakavibrate that time yung phone mo. Remember?" Tumango lang ako sa kanya.

"Then di ko pinahalata na nakita ko yung name niya kasi magdadahilan ka agad sa akin. Di naman ako magagalit kung sasabihin mo sa akin eh, ang ayoko lang at for sure pati mga tropa natin na tinatago niyo to. Open naman tayo sa possibilities right yam?"

"Yes"

"Then why you didn't tell the truth? Kahit sa akin man lang sana, I'm your Bestfriend for goodness' sake Kate"

"I'm so sorry yam, akala ko kasi magagalit kayo sa akin, sa amin, pag nalaman niyo. Alam niyo naman yung rule natin right? And ayoko lang naman ay ang magalit kayo."

"So anong balak niyo?"

"Sa ngayon wala pa."

"Kayo na ba?"

"Huh?"

"I said kayo na ba?"

"Di pa"

"What?!"

"I said hindi pa"

"But Why???!"

"Anong but why??"

"I mean, sa 4yrs na paguusap hindi pa pala kayo?" I nodded as an answer.

"Isa lang masasabi ko sayo yam"

"What's that?"

"Hindi siya seryoso sayo."

"Seryoso siya yam"

"Hindi siya"

"Ako yung may ayaw"

"What?!"

"Ako ang may ayaw, hindi siya. Takot akong magcommit yam. Takot akong masaktan."

"Aray!!!" Ang sakit ng kotong niya ah.

"Eh sira ka pala!!! Ofcourse, if you risk your love for someone you will expect two outcomes; either you will get hurt or be happy in the end!"

You left, Remember?Where stories live. Discover now