Chapter 6: DHEN

17.5K 212 2
                                    

KATE'S POV

Nagtitigan lang kami ni Dhen. Hanggang sa dumating si yam. Lumipat kami dun sa couch kasi alam ni yam ang tungkol sa kanya. Akala ko matatahimik na yung mga tao dito pero nagkakamali ako. Lalo lang silang nagbulungan. Ano bang problema nila? Umalis na nga kami!

"Ba't ka nandito?" Ako ba tinutukoy nito? Pero napansin ko di sa akin ang tingin niya kundi sa likod ko. Hala! Bat sumama to dito? Umalis nga kami dun para di siya makasama eh!

"Sabi mo dito tayo?" Ang slow pala nito. Kala ko pa naman matalino.

"Hayaan mo na yam." Sinenyasan ko nalang na maupo kami. Nagreview kami for 2hrs then nagkayayaan na kumain kaya iniwan namin siya dun.


"Yam, napapansin ko lang ah. Bat lagi mong kasama si Dhen?"

"Aba malay ko!"

"Weh???????" Ang kulit nito.

"Wala nga. Kumain ka na nga lang diyan. Dami mong napapansin."

"Para po!" Pagkababa namin naghiwalay nakami. Gagawa pa kasi kami ng mga assignments and magbabasa pa ko.

As usual, wala na namang tao sa bahay. Pero ito yung gusto ko , yung walang tao sa bahay kasi walang bawal. Pero minsan malungkot, kasi nakakasanayan mo na maging alone. In short, LONER. Meron nga halos ako pero malungkot naman. Hayyy magluluto na nga lang ako para makakain na. Baka mamaya pa sila dadating. After kong nagluto naghilamos muna ako then kumain na. then nahiga na sa kama.

phone vibrating***

Gabi na ah. Sino kaya to. Di ko na tiningnan yung name kasi bagsak na talaga yung mga mata ko kaya sinagot ko nalang.

"Hello? Sino to?"

"Si Dhen to." Napamulat ako bigla sa narinig ko. Tama ba yung dinig ko? Tiningnan ko ung screen pero di nakasave ung no. niya kaya di ako sure kung siya talaga yan.

"Sinong Dhen?" Sigurista ako guys hahaha.

"Dhen Castro". Hala? Siya talaga to! Anong sasabihin ko?

"Ah ok. May kailangan ka?"

"Wala naman". Jusko wala naman pala. Pinatay ko na din yung tawag. Pero tumawag siya ulit.

"Ano na naman?" Medyo nainis ako sa kanya.

"Kasi..."

"Kasi ano????"

"Ako lang kasing mag-isa sa bahay. Pwde ba tayong lumabas?". Ako??!!!!

"Di ako pwde, sa iba nalang. Bye." Mas ok na sa bahay nalang ako kesa sa makasama ko siya no.

Kumuha ako ng apple sa ref tska tubig. Nagutom kasi ako kakareview. After 30 minutes...



*Calling...

"Ano na naman?"

"Labas ka".

"Umuulan paano ako lalabas?"

"Dalian mo, nababasa na ko dito."

"What! Nasa labas ka ng bahay?!" Tumayo na ko habang kausap ko siya. Sinilip ko siya sa bintana at basang basa nga ito.

"Sinong matinong tao ang maliligo sa ulan?"

"Wait lang, pangkukuha lang kita ng towel."

Nasa tamang pagiisip ba tong lokong to?

"Here. Gawa lang kitang kape"

"Thanks."

Nagpainit na ko ng tubig. After 10 minutes pumunta na ko ng living room.

"Inumin mo to at pangkukuha kita ng damit na pampalit". I'm sure papagalitan ako neto mamaya.

"Thanks."

"Bat ka ba kasi nagpunta dito!"

"Wala nga akong kasama sa bahay."

"Ngayon??"

"Di ko din alam kung bakit ikaw ang unang naisip kong tawagan".

"Saan mo pala nalaman yung number ko?"

"Ahhhh, kay Sandra."

"Sinabi ko ng wag ibigay eh. Tss"

"Pinilit ko siya. Huwag ka sa kanya magalit."

"Siyempre bestfriend ko yun eh!. Siyempre sayo ako magagalit noh!!!"

Di na ko nagsalita. Naging awkward bigla.










"Umuwi ka na."

"Pwdeng mamaya nalang? Nahihilo kasi ako eh." Palusot pa to. Kumuha ako ng gamot sa kusina.

"Eto oh inumin mo tapos umalis ka na."

"Bat ba atat na atat kang paalisin ako?!"
Duh!!! Awkward kaya at tska baka ano pang isipin ng mga kapit-bahay namin no!

"Eh kasi po padating na mga kuya ko. At yung mga tsismosa sa labas baka maging author nalang bigla."

"Author?"

"Hayyy... ang sabi ko baka baligtarin nila ako, kesyo lumalandi ako pag walang tao sa bahay." Totoo naman kasi.

"Eh di naman totoo yun ah."

"Kaya nga author diba? Ang galing nilang gumawa ng kwento. Ulit ulit tayo Dhen?"

"Alis kana at baka maabutan mo pa mga kuya ko dito."

"See you tomorrow!"

"Oo na sige. Umalis ka lang." sama ko diba? Hahaha nakakailang na kasi eh.

He start the engine and fly away!!!! Hahahaha









"May bisita ka daw kanina?"

Patay.

You left, Remember?Where stories live. Discover now