Chapter 19: Quarrel

9.9K 126 0
                                    


"Yam? Ok ka lang ba? Pwde mo kong sabihan ng problema. Makikinig naman ako."

"Huh? Hahaha anong pinagsasabi mo?"

"Matapos niyo kasing mag-usap ni Dhen last time naging ganyan ka na."

"Napano ako?"

"Yan! Ka-hyper."

"Ayaw mo?" I knew it! Her sarcastic tone!

"Gusto siyempre pero di mo naman matatago yan forever."

"Forever? Hahahaha"

"I'll listened to you Yam, ibuhos mo lang yang galit o lungkot na nararamdaman mo."

"No need."

"Ano ba! Nagaalala lang ako sayo! Pinabayaan kita ng isang buwan para makapag-isip kung ano man ang pinag-usapan niyo pero di na bumalik yung bestfriend ko! Kung ayaw mong ilabas yan bahala ka. Uuwi muna ako samin."

"Yam!!!"

"Di lang naman ikaw ang nasasaktan para sa sarili mo! Ako din Yam! Every night you're almost crying to death but i didn't disturb you. Then comes every morning you're so energetic like nothing happen last night! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo! I feel like I'm useless! I'm your bestfriend right? But i can't feel that! Kung ayaw mong sabihin sa akin, Fine! Edi ikaw mag suffer mag isa mo!"

"Di naman ganun yung pinaparamdam ko sayo eh!"

"Well yun yung nararamdaman ko Kate!" Umuwi nalang ako sa bahay kaysa naman mag away pa kami lalo sa room. Di ko alam kanino ako magsusumbong. Pag sa squad ako nagsumbong malalaman nila ang tungkol kila Kate and Dhen, busy din naman sila. Sorry Kate pero kailangan mong marealized lahat ng nangyayari sayo.

Naglakad lakad muna ako sa subdivision namin, nilakad ko mula kanto hanggang sa loob ng subd. Pumunta muna ako dito sa park, wala naman ding mga bata kasi weekdays ngayon at 2pm palang kaya dito muna ako magstay.

I play a song then i sing along, this would lessen the burden that I've carried for almost a month.

You think its easy?
You think i don't wanna run to you?
But there are mountains
And there are doors that we can't walk through

I know you're wondering why
Because we're able to be
Just you and me within this walls
But when we go outside
Your gonna wake up and see
That it was hopeless after all

No one can rewrite the stars
How can you say you'll be mine
Everything keep us apart
You'll be the one i was meant to find
Its not up to you, its not up to me
When everyone tells us what we can be
No one can rewrite the stars
Say that the world can be ours tonight

Sarap sa feeling🤗🤗. *clap clap clap clap*
Hala may tao!!! Nakakahiya naman to, baka judger to ah. Di naman kasi kagalingan boses ko eh. Hehehe

"Marunong ka palang kumanta" Ken?😱

"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?"

"Bakit? May magagawa ka ba?" Umalis nalang ako instead of fighting with him.

"Teka lang! Nagbibiro lang eh"

"Well, its not a joke for me then."

"Sorry, galit agad eh"

"Please leave me alone. Gusto ko munang mapag-isa"

"Okay" umalis na siya, akala ko manga-asar na naman siya eh. Bumalik nalang ako sa swing para magpalipas ng oras. Makulimlim ang langit. Kamusta na kaya si Yam? Naiiyak tuloy ako, kahit gusto ko man siyang tulungan pero siya mismo ang may ayaw ng tulong kaya lumayo muna ako para makapag-isip siya ng maayos.












KEN POV

Hi! I'm Ken Prada. 20 years old. Same village kami ni Sandra pero hindi na niya ako naaalala. Di ko alam kung good news yun pero ang importante nandito na ulit ako sa tabi niya. Di na ulit ako aalis sa tabi niya. Umalis ako sa park kanina para kumuha ng payong, sobrang dilim kasi ng langit baka biglang umulan wala siyang payong.

"Ate pwde po akong makahingi ng payong?"

"Sige po Sir, saglit lang po" mabilis na kinuha ni ate yung payong kaya agad na din akong lumabas pagkakuha.

"Thank you po ate"

Paano siya nakakatulog ng ganito? Sa swing pa talaga ah. Buti nalang sakto dating ko, biglang umulan. Pero di pa din siya nagigising. Ayaw ko naman siyang gisingin mukhang pagod kasi siya kanina.

"Bakit dito lang umuulan?" Di talaga siya nagbabago. Hahahaha

Linibot niya ng tingin ang paligid at finally...

"Ikaw na naman?" Nagsmile nalang ako

"Anong ginagawa mo dito?"

"Obvious ba?" Hala nainis ata sakin.

"Uy san ka pupunta!!! Umuulan!" Nagalit ko ata. Hahaha

"Leave me alone!"

"Magpayong ka muna!!" Di niya ako pinakinggan kaya hinabol ko nalang siya. Binigay ko sa kanya ang payong ng sapilitan kesa naman magkasakit pa tong babaeng to.

You left, Remember?Where stories live. Discover now