Chapter 25: Regret

9.3K 127 3
                                    

DHEN POV
Hi! Alam ko hindi niyo na ako gustong bumalik pa sa istoryang ito pero I'll try my best to explain my side.😊

Nung time na nagkita kami sa mall na may kasamang ibang babae, pinsan ko yun na galing Italy, nagpapasama lang siya saglit sa province to visit my parents then nag-aya siyang mag mall before bumalik ng manila. Nagsinungaling ako kay Kate that time kasi sigurado ako pag nalaman nung pinsan ko ang tungkol sa amin lalo lang kami magtatagal sa province eh Finals na namin nun kinabukasan. Actually di naman ako nagsinungaling sa kanya eh, di ko lang sinabi ano yung dahilan ko kung bakit akong nandoon that time. Gets niyo? Hehehe. Then after nung makita ko si Gian na kasama ni Kate sa mall hindi na ako kinausap pa ni Kate. Hindi ko alam kung anong dahilan niya kaya ni-text ko siya bat niya kasama, sabi nagpasama lang daw siya bumili. I trust her naman eh pero naisip ko kung magiging masaya ba kami kung ang layo layo namin sa isa't isa.

That's why i decided to cut my connection with her before I went back to manila. She hated me so much after i said that. I did that for her, para wala siyang iisipin kung may makikilala man siyang iba sa school na pinapasukan niya. I know you think I'm stupid but it is the best for us. Kung kami, kami talaga. Kaya di ko muna ipagsisiksikan ang sarili ko kung parehas naman kaming walang time sa isa't isa. You can bash me all you want but this is my decision for the both of us.

Haba ng paliwanag ko diba? Hahaha. I received an invitation from our High School President and I'm sure Kate will be there and my friends kaya isusurprise ko siya in that day.

*Ding Dong

Tiningnan lang ako ni ate. Bago lang ata siya, kasi nung pumunta ako dito wala pa silang katulong sa bahay.

"Pasok po kayo Sir."

"Thank you po"

"Sa sala nalang daw po muna kayo kasi nag-aayos pa po si Ma'am sa taas.

"Sige po. Ah ate? Pwde po bang makiinom?"

"Sige po kukuha ko po kayo."

"Thank you po."

"Ah ate? Saan yung CR?"

"Tabi lang po ng kitchen Sir. Sige po daretso lang."

"Sige po"

"Ate may kukunin lang ako sa kotse ah. Baka kasi tapos na si Kate hanapin ako."

"Ah sige po Sir"

Pagkabalik ko sa loob akala ko magiging masaya siya pag nakita na niya ako pero nagkamali ata ako.

Mukhang galit pa siya sa nangyari. At ang hindi ko pa inaasahan si Gian ang date niya tonight. Hanggang natapos ang party hindi umalis si Gian sa tabi ni Kate kaya wala akong time na magexplain sa kanya. I know this is all my fault why is she acting like that recently but i have my reasons for what i did.

"Ma! I'm home."

"Oh anak, gutom ka ba?"

"Hindi po Ma, pagod lang po galing party."

"Oh sige magpahinga ka na sa taas."

"Pakigising nalang po ako ng maaga Ma, may meeting po kasi kami bukas ng maaga."

"Sige sige anak, matulog ka na."

"Goodnight Ma."

"Goodnight nak"























"Goodmorning Sir, ano po pala yung revision na sinasabi niyo?"

"Ah ganito kasi yan gusto kong palitan to kasi masyadong maiksi para dito."

"Ah sige Sir ako bahala dito,"

"Ok good job! You may go. Yun lang naman yung kailangan ng revision for this project."

"Ok Sir"

Paalis na sana ako nung may marinig akong familiar na boses.

"Sipag ah!"

"Sira ka talaga Kate. Ako na naman nakita mo Hahahah"

Kate?

"Eh bat kasi pinapunta mo ako dito? Ang aga aga naman kasi!"

"Puro ka nalang reklamo diyan! Tulungan mo ko dito!"

"Saan nga?"

"Sa pagbili ng raw materials para sa project ko, ikaw lang ang alam kong magaling humingi ng discount eh."

"Ah kaya naman pala..."

"Oo na!! Hahaha."

"Ok. Kailan ka ba bibili?"

"Tutulungan din pala ang dami pang reklamo."

"Huh? May sinasabi ka Ley?"

"Ah wala po Ma'am."

"Tara na!"

"Ayan na po!"

Magkakilala sila? Kailan pa? Bat di ko siya nakikitang pumupunta dito? So lahat ng binibili ni Sir Leo na mga bulaklak ay para kay Kate? Marami na ngang nagbago sa paglipas na panahon, pero bat parang hindi naging kami sa lagay niyang yun? Or ako lang tong nagiisip ng kung ano-ano dahil ako ang may kasalanan?





"Oh ang bilis mo naman bumalik nak?"

"Ah inexplain lang po nung may-ari yung revision nung project po namin."

"Ah ganun ba. Sige magpahinga ka muna diyan at ipaghahanda kita ng makakain"

"Salamat Ma"

I tried to call all of our friends but all of them wasn't answering my calls! Damn!
I'm starting to regret everything!

"Nak.."

"Nak gising na kakain na tayo."

"Hmmm"

"Bangon na diyan, naghanda ako ng paborito mong ulam."

"Sige Ma susunod na po."

Nakatulog ako kakatawag sa kanilang lahat! Eto ang mahirap pag lahat busy eh, wala ng time sa barkada.


*New Message

From: Dennis
Hey Bro! Kakatapos lang ng work. What's up?

Kumain muna ako bago ko nireplayan si Dennis then pumunta ako sa garden namin sa harap ng bahay para magpahangin. Laptop gamit ko ngayon at inopen ang messenger then i created a group for us.

You left, Remember?Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα