Chapter 1: Enough

131K 1.3K 72
                                    

Mahal kita pero tama na. - Dhen

Yan ang huli niyang sinabi sa akin bago niya pinatay yung tawag. Ano? Naglolokohan lang ba tayo Dhen? Dapat di mo nalang sinabi na mahal mo ko! Mas matatanggap ko pa na magsorry ka nalang kesa ipamukha mo pa sa akin na di ako enough! Nilabag ko lahat para sayo!!! tapos ito lang pala ang kahihinatnan ng sinakripisyo ko?!
Alam mong bawal akong magkaboyfriend pero di ko na inisip yun kasi sabi mo Mahal mo ko. Ayaw mo rin na kinakausap ko ang mga kaibigan ko kasi sabi mo nahahati ang oras ko sayo, ginawa ko yun para sayo kahit galit na ang mga bestfriend ko sakin. Di din ako nakikipag usap sa mga boy friends ko kasi sabi mo ayaw mong may naririnig na lalaki pag kasama ko mga classmates ko. Ayaw mo din na di agad sinasagot mga tawag mo kasi akala mo may iba ako. Kahit nagkaklase lumalabas ako para lang masagot tawag mo, baka isipin mo may iba ako. Sinabi ko naman ang sched ko dba? Pero wala ka pa din tiwala sakin. Minsan napapatanong ako sa sarili ko, masaya pa ba ako? Pero nananaig pa din yung Love ko sayo. Lahat yan ginawa ko para lang mapadama sayo na mahal kita pero nung time na nagkahiwalay tayo dahil lumipat kami ng bahay, nag iba ka na. Parang naging cold ka na sakin. Natural na lang yung goodmorning natin sa isa't isa. Tapos pag di pa ako nakakapagreply agad magagalit ka. Di ko dinadamdam mga sinasabi ng mga bestfriend ko kasi mahal kita. Ang hirap pag nabubulag ka ng pagmamahal no? Laging tama si mahal kesa sa mga concerns sayo.

"Bakit? Akala ko ba mahal mo ko?" Alam ko may mahal na siyang iba, kasi naging cold na siya sakin. Di ko naman masisisi si Dhen kung makahanap siya ng iba sa school nila. Oo, magkaiba kami ng school. And worst, malayo yung school sa isa't isa. At di ko din naman masisisi sila mama kung bakit gusto nila sa school na yun ako mag-aral.

Halos mabaliw ako kakaisip...
Tinatanong ko sarili kung ano bang ang kulang? Saan ba ko nagkulang? Bakit nagkaganito? Bat humantong sa ganito? Di pa ba sapat yung nagawa ko para iwan mo lang ng ganito? Pinaglaruan mo lang ba ang damdamin ko? Ang hirap magconclude kasi bigla ka nalang nagpaalam ng walang dahilan. Lagi akong tulala sa kwarto iniisip pa din kung saan ako nagkulang. Minsan di ko na namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko, di makatulog ng maayos, di makapagconcentrate sa studies. Sana pala humingi ako sayo ng dahilan para kahit papano matahimik na ko.







4 years ago

"Hi Kate!" - Dennis. Close friend guy ko sa classroom. Lagi silang nakatayo sa pintuan ng room, parang may laging inaabangan. Hahaha. Hilig din nilang mag-apir pero inaalis din nila. Sarap tadyakan eh. Alam ko ganun yung gagawin nila pero ginawa ko pa din baka kasi mapahiya pa sila eh. Ganon ako kabait. Charott. Hahaha.

"Hello". Sa likod sana ako dadaan kasi nasa pintuan sila, di ako makadaan sa totoo lang. Pero nakita ko nagpapa-apir si Dennis kaya sa unahan ako ng door pumasok.

As usual, binaba niya agad yung kamay niya kasi aapir ako. Sarap tadyakan talaga. umhhh!!!!! Pero joke lang syempre... loves ko mga yan kahit ganyan sila😊

"Hi Sandra Good morning!" Bestfriend ko yan!

"Good morning din Kate!" Parati kaming maaga pumapasok ni yam kasi....wala lang. Hahaha. Trip lang namin😁. Ako kasi maaga talaga akong pumapasok sa school, kasi mas masarap yung wala masyadong students pag maaga. Minsan nga ako nagbubukas ng school namin. Madalas din na nauuna ako sa guard namin. Hahaha.

kaugalian namin na pumupunta sa garden then magpapatugtog kami. Mahangin kasi dun ea atska peaceful masyado pag maagang ganito. Ang sarap lang magmuni muni😊. Si Mik naman halos sakto lang ang dating sa school kasi nakaservice siya. Si Amanda (sexy daw nickname niya) naman, sakto lang din minsan late pa nga eh. Totoo pala yung kasabihan, pag talaga malapit sa school sila pa ang laging late. Hahaha. Graduating na kami kaya sinusulit namin yung moments namin together. Halos araw araw foodtrip.

30 minutes....

Halos nagdadatingan na ang mga students pati na rin mga classmates namin. Sila Dennis, Dhen, Kc, and Don yung close guy friends/classmate namin. At sila din ang pinakamaingay sa room. Laging nagwwalk-out mga teacher namin dahil sa ingay nila. Ayan na naman sila, papunta na din sa garden para mangulet.

"Ba't ang aga niyo?" - si Kc

"Bakit??? Bawal ba? - pilosipo din tong si Sandra

"Hindi naman." -Sanay na kami sa hiya no... kaya wala lang samin pag sarcastic tone ng isa't isa.

Si Dhen lang ang di ko kaclose masyado...
Di ko alam bakit, di siya palakibo. Lagi lang siyang nakatitig ng masama sakin. Problema nito?

"Pasok na 'ko guys, magrereview pa ko." Kahit hindi naman. nawalan lang ako sa mood na makipagusap dahil sa sama ng tingin ni dhen sakin. Sira ulo to, di ko nga siya kinakausap para may ginawa akong di maganda sa kanya ah.

"Sama na ko yam!!" habol niya. Ayaw din niyang kausap yung mga yun! Hahaha.

Nako! Nandiyan na si Ma'am. Di man ako nakapagbasa sa subject niya. Physics una naming subject for this day. I love solving problems... mga numbers ganon, di ko kayang magsolve ng problema ng iba no. Hahaha. Charott 😂. Di naman sa nagmamagaling ako ah, pero ako ata ang highest sa physics subject namin. I love formulas, but i hate reporting! Ayaw na ayaw ko ang nagrereport, wala akong confidence sa sarili ko. written report ok pa eh, pero oral??? That's a big big NOOOO!!!!









Bago matapos ang school year na to kinakausap na ko ni dhen. Lagi niya kong tinatabihan sa likod at ginugulo ako sa pagbabasa ng wattpad. Agad kasi akong bumabalik sa school after lunch, para makapagbasa ng wattpad. Hahaha. Atska di naman siya maagang pumapasok after lunch eh. Bat ngayon ang aga neto?!

May tumabi sakin at di ko alam kung sino kasi nakayuko ako sa arm chair nagbabasa ng wattpad. Bale nakaharap yung ulo ko sa pader para di ako madistract sa mga taong dumadaan sa pintuan. Di ko pinansin kung sino yung tumabi sakin kasi nageenjoy ako sa binabasa ko. Ng may humawak sa kamay ko. Dun ako napatayo sa kinauupuan ko. Nabigla ako kung sino yung humawak ng kamay ko!!!!




Si
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.




Guys comment kayo and vote para malaman ko kung maganda ba yung ginawa kong story 😅😊
Para malaman ko din kung itutuloy ko pa to😅

You left, Remember?Where stories live. Discover now