Chapter 28: Mountain

8.4K 151 2
                                    

3:30am

Actually wala pa akong tulog dahil nga buong araw akong natulog kahapon. Kaya ko pa kayang maghiking? Haysss. Pinaggigising ko na mga kasama ko sa kwarto dahil 4am sharp ang pinagusapan.

"Ang aga mo atang nagising Kate?" Tugon ni Amanda

"Hindi pa ako natutulog."

"Kaya mong maghiking niyan?"

"Siguro? Hahaha"

"Sabihan mo nalang kami yam kung hindi maganda ang pakiramdam mo ah."

"Yes Ma'am"

"Tara na sa labas at baka nasa baba na sila" Usually kasi laging nauuna mga boys sa amin kaya dumaretso na kami sa baba at tama nga kami mukhang kakadating din nila sa lobby.

"Dens ikaw mag lead ng prayer."

"Aye aye captain" Nagpray muna kami bago umalis ng hotel.

Malayo layo din yung pupuntahan namin kaya maaga kaming umalis. Siguro mga 15mins driveway.

"Guys sabihin niyo lang kung pagod na ah para alam natin kung hihinto na tayo or hindi"

Nag nod lang kami bilang tugon kasi antok pa kami kaya wala masyadong nagsasalita.

"Mik may dala kang tubig?"

"Oo"

"Meron din ako eh. Hehehe"

"Wala akong pake"

"To naman di mabiro. Hahaha"

Wrong timing lagi tong si Dennis eh. Hahahaha. Hindi na namin natapos kasi sumikat na ang araw di pa namin nakakalahati sa sobrang bagal nilang kumilos.


"Tubig?"

"Thanks" pinakita ko yung akin. Nakikita na niyang may hawak ako aalukin pa ako. 🙄

"Pwede ba tayong mag usap?"

"Tungkol saan?"

"Sa atin."

"Ahhhhh!!!!!!"

"Kate!!!!"

"Ayos ka lang ba?" Ang sakit ng pagkakabagsak ko at nanghihina din ako.






DHEN POV

"Kate!!!!" Nadulas siya at masama ang pagkakabagsak niya.

"Ayos ka lang ba? Kate!!!!" Nahimatay si Kate kaya minadali ko siyang binuhat at tinawag ang mga kasama namin.

"Guys tulong!!!!!"

"Anong nangyari!!!!" Natataranta silang pumunta sa amin.

"Nadulas si Kate..."

"Tara dalhin na natin siya sa hospital!!!" Dahan dahan namin siyang binaba sa bundok buti nalang di kami ganon kalayo ang narating namin sa taas kung hindi matatagalan kami sa pagbaba kay Kate.


Kasalanan ko to eh!!!! Kung hindi ko sinabi yun hindi siya magrereact at madudulas doon!!!

"Tama na bro duguan na ang kamay mo oh"

"Anong ginagawa mo Dhen?!"

"This is all my fault!"

You left, Remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon