IGY♡ Chapter Thirteen

319 33 14
                                    

 Hi.

*not edited*

----------------------------------------------x

Carla's POV

Dumaan ang dalawang linggo at lalong naging feeling close na si Carlo sa amin ni Mitch, since magka-block lang din naman kami kaya palagi kaming nagkikita at nagkakausap.  Sa isang linggo na yung acquaintance party namin which hindi ko pa alam kung anong theme. Nag-umpisa na ring mag recruit yung mga ibat-ibang clubs at balak ko sanang sumali sa Glee Club or Likas Theatro. At sa susunod na linggo na rin yung kaarawan ni Tristan na alam kong sabik na sabik yun sa tradisyonal kong regalo.

Maraming magaganap ngayong buwan pero yung academics ko muna yung pinoproblema ko. Tama, hindi nga pang matagalan yung pagiging studious "kuno" ko sa klase. Nabagot ako at minsan tinatamad nang mag review o mag-aral kaya medyo nahihirapan na akong makasabay sa klase.

The hell with the deal naman kasi e, kelangan ko pang maka kuha ng 2.0 pataas na grade eh 3.0 naman ang passing grade. Alam talaga ni papa na malabong mapasa ko lahat ng subjects ko with that benchmark, kung buhay pa sana si Kuya Marco wala akong magiging problema dahil alam kong tutulungan niya ako. Pero wala na siya sa mundong ito at kelangan ko nang tanggapin yun.

"ARGH!" napasigaw ako sa sobrang inis.

"Psh!"

Lahat ng estudyante ay biglang napatingin sa akin, galit na nakatingin sa akin. Nakalimutan kong nasa library pala ako ngayon at naghahanap ng sagot sa assignment namin.

"Problema mo?" mahinang tanong ni Mitchy sabay upo sa harap ko may bitbit siyang makakapal na libro at inilapag ito sa mesa namin.

"Ang hirap namang mag-aral lalo pang may kelangan kang abutin na grades. Grades na malabong marating ng isang average lang ang utak," Reklamo ko.

"Fighting lang Carla! Kaya natin 'to, kaya mo yan. Kelangan lang nating mag-aral at mag-review," Positibong sabi ni Mitch with hand gesture pa.

"Easy for you to say, wala kang deal sa papa mo na kelangan mong makakuha ng above 2.0 kung hindi goodbye Nursing ka na," bitter kong sagot at napayuko nalang ako.

"Bruha ka talaga!" binatukan lang ako ni Mitchy.

Habang nalulunod  yung utak ko sa kakaisip sa kung ano ba yung dapat kong gawin e biglang may nagsalita. "Maybe I can help?" Sabat ng isang pamilyar na boses at bigla kong inangat ang ulo ko para tignan yung pamilyar na boses na nanggaling sa likod ko.

Si Tristan. "Hi, Carlie! Stress masyado yang mukha mo ah?" nakangiting sabi niya sabay upo sa kanan; katabi ko. "Hey, Mitch!" bati niya kay Mitch at tumango naman si Mitch sa kanya.

Sa sobrang walang gana kong mag hanap ng sagot para sa assignment naming ngayon ay pinatong ko nalang yung ulo ko sa mesa. Hindi ko akalain na yun din ang gagawin ni Tristan at nakaharap siya sa akin habang nakalapag yung mga ulo namin sa mesa.

Nagtitigan muna kami ng ilang minuto bago siya nagsalita. "Tulungan na kita, Carlie."

 Pinagmasdan ko lang yung buong mukha ni Tristan kasi wala naman din akong masagot sa sinabi niya. Napabuntong-hininga nalang ako.

"Hay naku Tristan, gustuhin man naming humingi ng tulong sa'yo e hindi mo rin naman masasagot mga assignments namin," Biglang sabat ni Mitchy, umayos ng upo si Tristan pero naka sanday parin yung mukha ko sa mesa.

"Bakit naman?" tanong ni Tristan.

"Hellow?! Nursing students kami at nasa business department ka. Paano mo naman maiintindihan mga lessons namin, aber?!" may point si Mitchy dun.

I Got YouWhere stories live. Discover now