IGY♡ Chapter Seven

646 52 50
                                    

I know. :)

ANYWAY,  HAPPY 5K PLUS READS! THANK YOU TALAGA GUYS! :)

ENJOY!!!!!  :)

-------------------------------x

 Carla's POV

After naming manuod ng sine ni Carlo nag pa-favor ako na ihatid nalang niya ako sa  bahay, syempre hihingi ka lang naman ng favor, sagarin mo na di ba?

"Oh siya, alis na ako," nasa tapat na kami ng bahay ko. Tiningnan niya ako saglit then tumango na rin.

Yun lang?

"Okay," yun nalang nasabi ko, "Salamat sa paghatid," akmang bubuksan ko na ang passenger door nang bigla siyang sumabat.

"Sa paghatid lang?" tanong niya, di ko mabasa yung reaksyon niya.

"Ah, for today pala," I paused, "Teka bakit naman ako mag papasalamat, eh sisingilin mo naman ako," sabat ko.

"Ang talino mo naman Carlita, of course sisingilin kita. Wala ng libre sa panahon ngayon," cool lang na sagot ni Carlo.

Umismid lang ako, "Alam ko. Babayaran kita kahit magkano pa yan," inirapan ko siya, at tumawa lang siya ng mahina.

"I don't want your money, marami na ako nun," agad na sagot ni Carlo na biglang nag seryoso ang mukha.

"Huh?" confused lang ako.

"At magsisimula na ngayon ang paniningil ko," Hindi na ako nakasagot nang bigla niyang hablutin yung phone na  hawak hawak ko.

"Passcode?" tanong niya, habang hawak na niya phone ko. Tae, kukunin ang phone ko eh hindi naman alam ang passcode.

"As if naman ibibigay ko," inirapan ko siya, syempre pahirapan muna diba?

"Do you even have a choice?" Hala, seryoso ang peg ni Carlo, "Nag-uumpisa palang akong miningil Carlita. Passcode lang nahihirapan kanang ibigay, paano nalang sa mga susunod na hihingiin ko?" Amused na amused ang mukha ni Carlo ngayon. Nag eenjoy siyang paglaruan ako.

Wala na nga akong choice, "2626," walang kalatuy-latoy kong pag sabi.

Agad naman niyang inenter ang passcode, tapos may i-dinial siyang number. Maya-maya pa ay tumunog yung phone niya.

"Oh," sabi niya sabay bigay ng phone ko na agad ko namang kinuha sa kanya.

"Number ko lang pala ang kukunin mo, kinuha mo pa phone ko. Hindi ba uso sa inyo mag tanong?" Sarkastik kong sabat kay Carlo, na busy sa phone niya

"Hindi," agad niya sagot, "Yan, saved ko na!" pinakita niya sakin ang phone niya na naka saved number ko with a phone name of 'My Carlita'.

"Pfft. Ang old fashion mo," napatawa talaga ako sa name ko sa phone book niya.

"Akala ko ba aalis ka na? Layas na!" woah, tinataboy na ako ng lalaking 'to.

"Yeah yeah yeah, aalis na po," then I get out of his car, sabay close ng door with all my might. Tss, makabawi naman ako sa mokong to.

"Gusto mo bang sirain ang car ko?" biglang sabat niya, this time nakadungaw na siya sa driver window.

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon