Preface

1.5K 104 111
                                    

Hi. :)

From now on I'm going to dedicate each chapter to someone, so all you have to do is vote and leave a comment and I will pick one of the people down there to dedicate the next chapter to.

Enjoy! XD

----------------------------------------------------------------x

Woah!

Ang daming tao sa student hall. Ano ba yan, parang may bumistang artista sa sobrang dami. Justin Bieber? Nah... sikat pa ba yun?

Kaya mo to Carla with hingang malalim.

Ang dapat mong gawin; diretso lang, banggain ang dapat banggain, itulak ang dapat itulak. Kelangan mong makarating sa room mo on time.

Fighting!

Susulong na sana ako sa giyera nang biglang may humila ng kamay ko at napalingon bigla ang buong katawan ko.

"Aray!" reklamo ko.

Sa sobrang lakas ng pakhila niya sakin nag-crash ang mukha ko sa pader...este sa chest niya.

Wow, ang bango naman niya. Naka downy ba 'to? Oh my, may muscles pa, sarap hawakan.

Bastos kana, Carla, stop it.

"Comfortable ba?" Sabi nung lalaki na super familiar ang boses.

Oo, super duper talaga, ang bango pa. Pwede na akong matulog dito. I thought.

I mentally slapped myself to stop my day dreaming. Madali kong inilayo ang sarili ko sabay tingin na rin kanya. Muntikan nang lumabas ang eyeballs ko pagkakita ko kung sino yung lalaki.

"Tristan!" sigaw ko na naka super high pitched pa.

Napangiwi siya sa sigaw ko. "Carla, ang aga aga pa para sumigaw. Hindi ako bingi," reklamo ni Tristan habang takip ang tenga.

"Ang dami kasing tao, baka hindi mo marinig," sabi ko sabay tawa at kurot sa pisngi niya.

Si Tristan ay kababata ko, we're very very close friends. Magkakilala na kami since naka diapers pa, sabay na kaming lumaki at siya yung lagi kong kasa-kasama. Parents namin ay super friends.

Take note; gwapo siya.

But the thing is, I have a crush on him. The worst part is, thinking that it's 'one sided crush'. Hindi pa kasi nag paparamdam 'tong loko, ako naman super tago ng feelings at hinihintay siya na magtapat.

"Sabay na tayo puntang building. Baka kasi hindi kana maging tao pag sumalakay ka diyan ng walang knight in shining armor," sabi ni Tristan na naka emphasize pa ang word na 'knight in shining armor' sabay turo sa super crowded na hall habang nakatingin sakin.

Kilig much naman ang lola niyo, pero di ko pinahalata syempre. "At ikaw yung magiging knight in shining armor ko?" Taas kilay kong pag sabi sabay head to foot sa kanya.

"Sino palang gusto mo, si Ian Somerhalder?"

"May sinabi ba ako?" natatawang tanong ko.

"Mas pogi naman ako dun," yabang naman niya, may ipagmamayabang naman din e.

Gwapo nga si Tristan, popular kaya yan siya nung nasa High school pa kami. Magaling sa basketball, soccer, at swimming. San ka pa diba?

"Oo naman!" pabulong kong sabi habang heart-heart ang mga mata, hindi naman niya siguro maririnig yung sinabi ko kasi ang daming taong nakapaligid samin.

"Anong sabi mo?" tanong niya, question mark ang face. Halatang hindi narinig yung sinabi ko.

I sighed, salamat naman hindi niya narinig. "Ha? Nothing," I lied.

Ngumiti naman siya na pagkagwapo, dahilan para mangatog ang mga tuhod ko at parang kamatis na pula na rin 'tong pisngi ko.

Buwisit naman kasi ito, ba't ayaw pang magtapat sa'kin. Imposible naman na hindi niya ako magustuhan, ang ganda ko kaya; wag na kayong umangal. Ako na ang perfect girl para sa kanya, hindi naman din kasi pwedeng ako ang manligaw sa mokong 'to, girl pride kaya.

"Let's go. Stay close to me, I got you," sabi niya, sabay hawak sa kamay ko with a very close distance between us. Ngiti to the max naman ako habang lutang na lutang.

Nauna siya sa paglakad habang hawak-hawak ang kamay ko. He made a way sa mga nadadaanan namin, para di ako mabangga ng mga students.

Wow! He's my knight talaga at ang gwapo pa niya. Kitang-kita naman kasi, ang mga girls nakatingin na may pag nanasa sa kanya.

Ma-inggit kayo! Yabang ko sa sarili habang feel na feel ang moment namin.

Pero natapos din at kelangan na naming umiba ng landas. Sa nursing department ako, sa business department naman siya.

Binitawan na niya ang paghawak sa kamay ko at hinarap ako. "This is it. See you mamaya, text lang kita," paalam niya sabay kurot din sa cheek ko.

Tinawag na naman niya akong Carlie, ewan ang cute lang pakinggan.

"Sige, bye-bye," paalam ko naman habang may ngiting pilit sa labi ko, ang bilis naman kasi ng moment namin. Tumalikod na ako para makapunta na ng room.

Kinuha ko yung schedule para tignan kung saang room ako pupunta at nasa third floor pala and it's Chemistry 101 lecture ang first subject.  How lame is that?!

Damn, malalate na ako! Dali-dali akong umakyat pa third floor.

Habang paakyat na ako ng second floor, biglang ring naman yung phone ko, taranta ko namang hinalukay yung bag ko para sagutin yung phone. "Asan na ba yung phone!" 'Wag na kayong magtaka, makalat kaming mga girls, lalo na sa loob ng bag namin.

Habang halukay ube ako sa bag, bigla nalang may bumangga sakin, at na out balance ako.

"Woah! Oh no!" Sigaw ko. Narinig ko rin na may mga sumigaw.

In that moment alam kong mahuhulog na ako sa hagdanan kaya pinikit ko yung mga mata ko at hinihintay nalang ang paglagapak ko sa sahig.

"I love you Mama, papa, mga kapatid ko. Wag niyo akong kalimutan." Ang huling paalam bago ako mamatay.

Pero ilang segundo na walang lagapak na nangyare.

"You're safe, I got you," sabi ng isang mala anghel ang boses, nakapikit parin ang mga mata ko. Baka nasa langit na talaga ako at kinakausap ako ng isang anghel.

An angel caught me?

Inalalayan niya ako para makatayo ng maayos. Binuksan ko yung mga mata ko at tumingin sa paligid at nasa school premisis pa ako.

I'm alive! Thank you Lord, thank you Lord! Nagdiwang ang diwa ko.

"You owe me, next time na kita sisingilin," sabi nung lalaki, lilingunin ko na sana siya nang bigla siyang tumakbo paakyat ng second floor.

Naka nganga naman ako, I froze; shocked

Ano raw? Sino ba yun?What the hell just happened?!

-----------------------------------------------------------------------x

WALEY? Sana suportahan niyo po 'tong kabaliwan ko.

VOTE, FAN and COMMENT, and may the odds be ever in your favor. Yeah, I know. I stole that from The Hunger Games. :)

Thank You!

I Got Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن