IGY♡ Chapter Ten

516 42 37
                                    

RECOMVO IS HEART GUYS! :)

Dedicated to my fs @AYENskieee na nagpalit na naman ng UN. :D

Enjoy Reading!

----------------------------x

Carla's POV

"Hoy Carla!" Sigaw ni Mitch sa akin.

Parang naalimpungatan ang buo kong katawan sa sigaw ni Mitch. "Ano?!" Irita kong tinanong.

"Anyare sa'yo? 'Bat ang tahimik at ang seryoso mo ata ngayon?" Pinagmasdan ako ni Mitch, nahalata siguro niya yung biglaan kong pag tutok sa klase.

Nasa canteen kami ngayon, lunch break namin ni Mitch. Magkaiba kami ng schedule ni Tristan kaya hindi ko siya kasabay ngayon. In fairness na mimiss ko na siya, nasa business college kasi siya at baka kasama na naman niya si Sam ngayon. Malamang, block mates sila eh. Hindi naman nag txt ang loko kung nasaan siya ngayon.

Tama nga ang pansin ni Mitch sa akin, talagang sineserysoso ko talaga yung deal namin ni papa. Ayokong matalo at lalong ayokong lumipat sa business college kahit na alam kong makakasama ko dun si Tristan. Pero naisip ko din na baka ngayon lang toh at bukas or sa isang linngo tatamarin na ako.

"Wala," tipid kong sagot sabay buntong hininga. Parang napagud ang utak ko sa sobrang tuon ko sa klase, hindi ko magawang mag explain kay Mitch.

Pero sa totoo lang nagka halo-halo na yung iniisip ko. Yung about kay Carlo, iniisip ko kung ano ba yung kelangan kong gawin pag maniningil na siya at yung about sa deal namin ni papa. Hindi naman sa nahihirapan na ako, ano lang kasi, parang wala akong tiwala sa sarili ko na makakaya kong maging dedicated sa studies. Ewan ko ba, hindi kasi ako yung klaseng babae na maxadong seryoso sa studies. Nag aaral lang ako pag may quiz or malapit na ang exams. Ang gulo ko!

"Mukha mo Carla! Mas transparent ka pa sa tubig alam kong may something talaga sa'yo today. Spit it out!" hinarap ako ni Mitch with her serious face at mukhang nag-aantay ng sagot ko.

Kelangan ko rin naman sabihin to kay Mitch eh, she's a very good and loyal friend and beside kay Tristan si Mitch yung pinagkakatiwalaan ko. Sa kanya ko nasasabi yung hindi ko kayang sabihin kay Tristan, alangan naman na sabihin ko kay Tristan na may something na akong nararamdaman sa kanya. So, si Mitch yung nasasabihan ko. Kaya sinabi ko lahat ng nangyare sa akin kahapon, yung kay Carlo at yung sa deal namin ni papa.

Mukhang nag loading ata ang utak ni Mitch after kong sabihin sa kanya yung mga pangyayare kahapon. "What the mother F?!" Late ata tong utak ni Mitch, ilang seconds rin ata yung lumampas bago nag sink in sa utak niya.

"Oh Bakit?" tanong ko naman habang 'di ko magets yung mukha ni Mitch. Confused ba 'to or may nakitang artista kung makareact.

"Teka teka, let me process this," nag-pause muna siya at malalim na nag-isip, hindi pa pala nag process sa utak niya. "Maganda yung deal niyo ng papa mo. Tamang- tama!" sagot ni Mitch habang yung reaksyon ng mukha niya ay parang nakuha niya yung sagot sa isang problem sa algebra.

"Huh? Anong tamang-tama?" napatanong na ako, kasi naman 'di ko na masabayan tong kahibangan ng kaibigan ko.

"Eto kasi yun, kung napansin mo kanina si Carlo sa klase - which I highly doubt kasi seryoso ka nga kanina diba?" tumango nalang ako. "Napansin ko na may laman yung utak niya, kasi perfect siya sa quiz naten kanina sa English 1 at kung napansin mo nung tinawag siya ni Sir nasagot niya ng walang ka hirap hirap ang tanong," paliwanag ni Mitch.

Tinawag pala siya kanina hindi ko talaga napansin pero hindi ko pa rin nakuha kung ano bang pinaglalaban dito ni Mitch. "Oh, tapos ano ngayon kong matalino nga siya?" taas kilay kong tanong, seriously ayoko siyang itopic ngayon.

I Got YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang