IGY♡ Chapter Two

965 87 78
                                    

So much thank you sa lahat ng sumuporta at nag COMVO sa story na to. Hoping you guys will keep on supporting this.

 Carlo on the side ---->  :)

 Enjoy! :)

-------------------------------------x


Carla's POV

 

"Santos!"

Whaaaat?! Ako?! Bakit ako??

Tiningnan ko si Carlo kung tatayo ba siya. Nang makita ko parang walang narinig at nakatitig lang sakin. Anung problema nito? Teka may dumi ba mukha ko? Dali dali ko naman kinuha yung pocket mirror ko.

Okay naman ah...

"Psst! Hoy!" Pabulong kung sabi kay Carlo. "Tawag ka ni maam."

Walang react ang gago,  pucha naman to!!!! Hindi pa ako ready... Nervous my heart ang peg ko ngayon. I don't have choice, namatay siguro tong si Carlo kakatitig sa kagandahan ko. Oh...wag na kayong umangal.

Balik tingin ako kay Ms.Belle sabay sabi, "Si Carlo po ba maam?" Pag-aalangang kong sabi.

Tiningnan muna ako ni Ms. Belle bago sinabing, "Kayong dalawa syempre. Dito kayo sa harapan." Utos niya.

Patay! Anung kayang gagawin namin? Anu yung twist?

Tumayo na ako at pupunta na sa harap, pero napansin ko na naka upo parin si Carlo.

Bumalik ako at sinabihan ko siya ng, "Tawag ka rin ni maam, tumayo ka diyan." Mahinahon kung sabi.

Patamad siyang tumayo at sabay na kaming pumunta sa harapan at magkatabi facing our classmates and Ms. Belle.

"Since dalawa kayong 'Santos', kayong dalawa ang mauuna. Now, first ang gagawin niyo ay introduce yourself individually. Say your name, age, san kayo nag high school, and why nursing ang kinuha niyong course." Nag pause si maam ng ilang seconds habang palakad lakad, super kinig naman ako.

"Then after you two are done... me and one of your classmates  can ask one question to you. Any question will do, basta walang bastusan or 'green' jokes. Okay? Gets niyo?" pag instruct ni Ms.Belle sabay tingin sa mga blockmates ko. Mukhang na gets naman nila, at gets ko na rin.

"So sinong mauuna sa inyo." Ang tanong ni Ms. Belle samin, muntik ko ng makalimutan na may katabi pala ako dito.

Walang umimik sa aming dalawa at naghintayan kami kung sino ang unang bibigay. Makalipas ang ilang segundo at parang wala talagang balak si Carlo na mauna.

 Kainis naman 'to, ako talaga ang pauunahin. Akmang magsasalita na ako para ako nalang mauna, pero sumingit naman siya at sabing,  "Ako na maam." Sabi ni Carlo, sa wakas nagsalita na siya. Buti siya ang mauuna, makakapag isip pa ako kung anung mga sasabihin ko.

"You may proceed." sambit ni Ms. Belle.

"Good morning, I'm Carlo Dave Pangilinan Santos, seventeen years of age, I graduated high school at Bosco Dame Academy School." sabi ni Carlo, teka kulang pa yung intro niya. Nilingon ko siya at naghintay na ilang segundo, magsasalita pa ba toh?

"Mr. Santos, may kulang ka, bakit nursing ang kinuha mong course." tanong ni Ms. Belle kay Carlo, mukhang nakalimutan niya.

 With a serious face, he took a deep breath bago nag salita. "Dahil sa parents ko." walang kalatuy latoy na sabi.

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon