Chapter 1: Sabi Nila

21 2 0
                                    

"Elementary, my dear Watson." Isa ito sa mga sikat na linya ng klasikong tiktik sa kasaysayan ng literatura: si Sherlock Holmes. Nasa loob ako ng kotse noon, nakikinig sa isang episode ng detective-adventure series gamit ang walkman na CD player at headphones, nang magulat ako sa pagbukas ng kanang pintuan.

"Jasper," tawag ng tatay kong excited. "i-pause mo muna iyan at magsisimula na raw ang martsa."

Speaking of elementary, matagumpay kong natapos ang walong taong pag-aaral sa Brentwood Academy. Kung paano ko binuno ang mga naging pag-aaral ko noon ay simple lang naman. Sabi ng mama ko, 3 years old pa lang ako ay kinakitaan ako ng interes sa pagbabasa ng komiks at mga karatula sa kalsada. Dahil doon ay tinuruan nila akong magbasa ng mga salita gamit iyong Unang Hakbang sa Pagbasa. Kapag napagod sila, hinahayaan lang daw nila akong manood ng mga lumang kopya ng Sesame Street at Batibot. 4 years old ako nang i-enrol ako ng aking mga magulang sa pre-school. Iyon din ang taon na nagsimula akong makinig ng mga audiobook CD's ng Sherlock Holmes na niregalo ng kaibigan ni Papa Rico mula sa London, England. 5 years old ay pinag-kindergarten nila ako, masyadong bata kaya saling-pusa lang daw muna. Gayunpaman, naawa raw ang school principal dahil nag-effort at nag-enjoy naman daw akong nag-aral at naglaro ng puzzles noon, kaya ikinonsidera ako para maging full-pledged kinder pupil.

Ang Guest of Honor sa aming Commencement Exercises ay ang elementary alumnus ng Batch 1970 na si Mr. Everardo Lerma, news writer ng The Real News Network local channel sa Cebu City. Pinakanatatandaan ko sa kanya ay iyong nagtanong siya sa amin kung ano'ng gusto namin paglaki. Wala pa akong pinangarap noon kaya wala sa anumang trabahong sinambit niya ang tinaasan ko ng kamay. Tapos, naghanap siya, "Mayroon ba ritong may gustong magsulat ng mga balita paglaki?"

Ngumiti lang daw ang papa ko, pero iyong mama ko seryoso.

"Wala yatang gustong magsulat," natawang wika ni Mr. Lerma. "Nakakapagod eh noh, ha? Nakakatamad. Pero alam niyo ba? Madalas nalilibre ako sa pagkain, sa inumin, at sa pamamasyal dahil sa pagsusulat ng balita." Saka niya kami kinuwentuhan ng lahat ng mga naging sarap pagkatapos ng mga hirap ng pagiging news writer. "O ano, mayroon na ba sa inyong may gustong maging newswriter paglaki?"

Nagtaas ako ng kamay. Ako lang naman.

Tumango ang papa kong nakangiti. Sige, anak ko, ihahanda na kita. Pero, umiling ang mama ko sabay babala sa kanyang asawa, "Subukan mo lang." Nanatiling tahimik ang padre de familia.

Kindergarten nang unang beses kong maranasang tumanggap ng diploma--- puting coupon bond, nakarolyong tinalian ng red bias tape. Bawat pangalan ng graduates ay binanggit ng aming cute na teacher na si Ms. Karla Marie Viruete. "Jasper Ray Zamora Montelibano, our First Honor this year."

Kinausap muna ako ni Mr. Lerma habang papalapit ako sa kanya sa entablado. "Galing mo talaga, Jazz. Iba na talaga ang may pinagmanahan."

"Kilala niyo po si Papa?" inosenteng tanong ko.

"Oo naman. Dati akong newswriter ng Papa Rico mo sa Visayan Daily. Madalas ka niyang ibida sa amin. Very proud siya sa iyo."

"Ganoon po ba? Salamat po, Sir Lerma," nakangiti kong pagtugon.

"Walang anuman, hijo." Iniabot niya sa akin ang diploma pagkahinto ko sa harap niya. "Like father, like son."

***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** *****

6 years old ako nang mag-Grade 1. Ganoon pa rin naman hanggang ako'y naging dose anyos: basa, bilang, sulat, kanta, laro, at sayaw, araw-araw pero hindi nakakasawa. Mahuhusay ang turo ng aking mga guro. Iba-iba ang estilo para hindi nakakabagot. English at HeKaSi (Heograpiya, Kultura at Sibika) ang pinakapaborito kong mga asignatura. Kada taon, nag-uwi ako ng karangalan sa aming private school mula sa mga sinalihan kong Oral Reading Contest, Spelling Bee, at Essay Writing. May mga nakipagkaibigan at nakipaglaro sa akin dahil nais nilang matuto mula sa aking mga pinaggagagawa sa aming mga klase. May mga ibang kaeskwela pero na, dahil sa inggit, binu-bully nila ako. Hindi ako iyakin, pero hindi rin ako basagulero. Ako iyong tipong naghahamon ng pruweba mula sa kanila. "Ipakita mo muna sa akin ang ebidensya mo!" Madalas panalo ako kahit sa pustahan. Nagtapos ako sa elementarya with flying colors.

The Montelibano Journalحيث تعيش القصص. اكتشف الآن