Chapter 9

32.6K 618 47
                                    

5am palang ay nagising ako. Pagmulat ko ng mga mata ko ay saka ko naalalang hindi ako sa bahay ko natulog. Agad akong napabalikwas ng bangon at nang lingunin ang katabi kong natutulog ay, duon ko napansing parehas kaming hubad. Para akong may hang over na hindi makapaniwala sa nakikita ko. Parehas kaming hubad... Saka ko inalala ang mga nangyari kagabi. Hindi ako nagsisisi at ginusto ko to. Ayokong paggising ko ay makita pa ako ni Danny dito sa loob ng kwarto niya nang ganito ang itsura namin. Hindi ko alam, basta! Nahihiya ako... kasi baka mamaya, nakikita niya lang sa akin si Angeli kaya niya nangyari yun.

Nagbihis na ako at dali daling lumabas ng kwarto nito, pagbaba ko ng hagdan ay naabutan ko si lola at lolo sa loob ng kusina na nagluluto.

Tatakas sana ako nang makita ako ng mga ito saka ako tinawag.

"Oh Eunice, iha! Dito kana pala natulog kagabi. Huwag kana munang umalis at dito kana mag almusal, nagluluto kami ng lolo mo." Napahinto ako sa dahan dahang paglalakad na parang pusa saka sila nilingon at ngumiting pilit.

"Ah-eh... u-uuwi lang ho ako saglit lo, la... M-may naghahanap daw po sakin sa shop eh..." pag iiwas ko. Nahihiya talaga ako. Ayoko na munang magpakita kay Danny ngayon.

"O-siya sige. Babalik ka ha." si lolo.

Lumapit ako sa kanila saka hinalikan sa mga pisngi nila, saka na nagpaalam.

-----------------

"Urggggg!!!! Eunice, Eunice! Anong nangyayari sayo?! Bakit parang wala lang sayo ang mga nangyari? Alam mong may Jowa na yung tao, pero nakipag-sex ka parin!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagtatatalak nalang ako dito sa loob ng kwarto ko.

Pag-uwi ko kasi ag agad na akong dumiretso dito sa kwarto ko, hindi ko na napansin si Yaya na sumalubong sa akin kanina.

"Ano ba talaga ang nararamdaman mo sa kanya?" Urrgghhh!!! para na akong mababaliw dito! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Papano nalang kapag nalaman ito ni Angeli? Nina Lolo at Lola? Ano nalang ang sasabihin ng mga iyon sa akin? Isa lang naman akong hamak na kaibigan ni Danny.

Hindi ako nagsisisi sa nangyari, pero iniisip ko lang kung ano ang magiging kahihinatnan nito.

Ano naman kaya ang maiisip ni Danny paggising niya. Alam kaya niya ang ginawa niya kagabi? Namin... Magsisisi kaya siya?

Ayoko nang mag isip ng mag-isip kaya  minabuti ko nalang magtungo sa cr at nang makaligo.

------------
Tatambay na muna siguro ako sa shop. Matapos kong mag ayos sa sarili ay kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng kwarto.

"Ma'am... kumain kana ba? Nagluto ako ng almusal mo ma'am, kumain kna muna." aya ni Yaya.

"Dalhin mo nalang sa shop Yaya. Papunta ako doon ngayon, doon nalang tayo mag almusal lahat." utos ko naman, saka na ako naglakad pababa ng hagdan.

"Good morning ma'am! Ang aga mo ata ngayon ma'am..." bati ni Cathy.

"Good morning... aysus! Wala kana namang hairnet. Ang aga aga ah." sita ko dito saka ito kinurot ng mahina sa tagiliran, pangkiliti lang.

"Ay, sorry ma'am, katatapos ko lang kasi maglinis eh." palusot pa nito.

"Naku, mga palusot mo... Eh bakit yung dalawang kasama mo naka comple uniform naman." sabi ko at itinuro ang dalawang kasama nito na abala sa paggawa ng Milk Tea sa counter. "Ikaw talaga, isuot mo na yun Cathy, wag kana mag-palusot jan." sabi ko pa saka na nagtungo sa office.

Pagpasok ko nang office ay agad kong tinawag si Cathy dahil sa nadatnan ko sa loob ng office.

"Cathy... halika nga saglit." tawag ko rito, nagmadali naman itong pumunta.

Love and LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon