Chapter 7

27.4K 256 1
                                    

4:00am nang magising kami ni Danny. Maaga na rin kami kumain. Bandang 9am ay marami nang tao sa labas, kaya naglakad lakad muna kami para pagpawisan. Mamayang hapon ay babalik na kami ng Baguio kaya sinulit na namin ang natitirang oras namin dito sa beach.

------------

Namayani ang katahimikan nang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe. Naalala kaya nito ang nangyari samin kagabi? Yung halik? Yung... alam mo yun, yung pabitin niya? Hayst! Bakit ko ba iniisip ito? Alam ko naman lasing lang siya nun. At sigurado akong hindi niya sinasadya iyon.

"Huy Lee!" nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ko.

"Ah... ano yun?" gulat kong sabi.

"Kanina pa kita tinatawag eh, ano na namang iniisip mo jan?" hindi ko tuloy namamalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Danny.

"Ah-eh, w-wala, napagod lang siguro ako sa bakasyon natin." pagsisinungaling ko.

"Nag-enjoy ka naman ba?" tanong nito.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Ahmm... Yung kagabi nga pala... Gusto ko lang sana mag-sorry. Dahil narin siguro sa pangungulila ko kay Angeli, bigla ko siyang nakita sayo. Pasensya ka na ha, dala narin siguro ng kalasingan. Hayaan mo at hindi ko na uulitin." Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa sinabi niyang iyon.

"N-naku... 'wag mong isipin 'yun. Naiintindihan kita." nasabi ko nalang.. pero sa totoo lang, nabitin niya talaga ako kagabi, hahaha!
"Huwag na nga nating pag-usapan yun! Jusko wala yun." naiilang talaga ako kaya hindi ako makatingin sa kanya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang hawakan nito ang kamay ko. Ang init ng palad nito. Sa pagkagulat ko ay nahila ko ang kamay ko. "A-ano ba Danny... N-nagda-drive ka oh..." hindi ko alam pero medyo kinilig ako dun. Susmiyo! Ano ba tong nararamdaman ko!

"Salamat bes ha..." sabi nito saka ngumiti.

Ngumito rin ako bilang tugon.

"Siya nga pala bes, sa bahay kana mag-dinner. Darating kasi sila lolo at lola, magluluto ako." aya nito.

Bigla namang nagliwanag ang mukha ko nang marinig ako ang sinabi nito.
"Talaga? Yehey! Sige, sige. Miss na miss ko nadin naman sila eh! Sayang at hindi natin naisama sa bakasyon." sabi ko na may kasamang palakpak. Wala na ang Mommy at Daddy ni Danny, bata palang ito nang maaksidente ang mga magulang niya.
Kaya lolo at lola nalang niya ang nagsilbing mga magulang nito. Galing kasi sa Parañaque ang lola at lolo nito, may mga kapatid kasi siya sa ama roon.

Tumawa lang ito ng mahina. Para kasi akong batang umasta sa pagkasabi kong iyon.

NAng makarating kami nang Baguio ay, idineretso ni Danny sa bahay ko ang sasakyan dahil sasakyan ko naman ang ginamit namin. Pagkababa namin ng kotse ay naghiwalay na muna kami ni Danny para makapagbihis.

Pagpasok ko ng bahay ay kinamusta agad ako ng maid ko.

"Oh yaya, may naghanap ba sa akin dito?" tanong ko habang nagtatanggal ako ng sapatos ko.

"May tumawag po sa telepono nung araw na umalis kayo ma'am." sabi habang kinukuha ang bitbit kong bag. Maasikaso kasi siyang katulong. At mapagkakatiwalaan.

"Sino? at bakit daw?" tanong ko.

"S-si Melvin po." nakayuko nitong sabi.

"Ha? Diba sinabi ko sayong wag na wag mong sasaguting ang tawag kapag yung lalaking yun din lang?" sabi ko ng mahinahon.

"Eh, ang kulit ho kasi eh, tawag ng tawag, pinapatayan ko naman, nakailang ulit kasi siyang tawag eh." nagkibit balikat nalang ako saka naglakad na paakyat sa kwarto..

Love and LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon