Chapter 3

35K 272 8
                                    

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam muna kami ni Melvin na lalabas kami at mamamasyal, at pumayag naman si tita.

------------

*riiiing *riiiiing *riiiiing

"Sino ba yang tawag ng tawag sayo? Kanina pa yan ah, bat di mo sagutin?" curious na tanong ni Melvin, kasi kanina pa nga tumatawag si Danny.

Hindi ko nalang sinagot ang tanong niya at kinuha nalang ang cellphone sa loob ng aking bag at sinagot ko nalang ang tawag na kanina pa namin naririnig.

"Oh, napano ka?" sambit ko agad kay Danny pagkasagot sa telepono.

"Asan kaba? Samahan mo naman ako, inom tayo." Halata ko sa boses niya na may dinadala ito, at kailangan niya ng makakausap.

"Kasama ko si Melvin, anyare ba? Mamaya pa ako uuwi eh." Lumayo ako ng konti kay Melvin pagkasabi nun.

"Sige, hintayin nalang kita." pagkasabi niya nun ay binaba na niya ang call.

Napabuntong hininga nalang ako at nagkibit balikat. "Si Danny. Sigurado may problema na naman yun sa jowa niya. Hayst di na sila nagbago." Sabi ko kay Melvin saka binalik na sa bag ko ang aking cellphone. Magkakilala na sila ni Danny, una palang, pinakilala ko na ito sa kanya, kasi pumapasyal din si Melvin sa amin, yun nga lang, sa family ko, walang nakakaalam na may inuuwi akong lalaki sa bahay ko. At madalang lang naman kasi sila mamasyal dito sa Baguio eh.

Kakatapos lang namin manood ng sine ni Melvin. Pababa na kami sa escalator, at napansin ko ang babaeng paakyat naman sa escalator, ansama niya makatingin na akala mo eh matagal na kaming magkakilala. Pero infairness ah, sexy ito, maputi at maganda din. Mas lamang nga lang ako sa kanya. Mas maganda ako, mas sexy, hmmm, sa puti siguro pantay lang. mas matangkad pa ako, eh yun pandak. Lalo akong nairita ng tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa, gumanti ako, tiningnan ko rin siya mula ulo hanggang paa, saka ko inirapan.
Teka, saka ko lang napansin na para itong familiar sakin. Parang nakita ko na ang babaeng to, hindi ko nga lang alam kung saan ko nakita.

"Napansin mo ba yun?" tanong ko kay Melvin.

"A-alin?" parang wala sa sariling tanong nito.

"Yung babae kanina sa escalator." sagot ko. Nakakapagtaka, imposibleng hindi niya nakita iyong babaeng nakasalubong namin kanina sa escalator.

"Kung anu-anong napapansin mo. Umuwi na nga lang tayo." Sabi nito.

"Anong umuwi? Akala ko ba bibilhan pa natin si tita ng pasalubong?" Sabi ko naman.

"Sus hayaan mo na yun, ini-spoil mo si mama sa mga pasalubong-pasalubong na yan eh." Nakakapagtaka lang ha, pinagpapawisan siya samantalang anlamig lamig naman dito sa loob ng Mall, at parang nagmamadali siya.

"Wala namang masama dun eh, ano naman kung bibilhan natin si tita eh mama mo naman yun." paghirit ko pa.

Hindi na ito sumagot at bumilis ang paglakad niya palabas ng Mall. Napabuntong hininga nalang ako at hinabol ito.

"Ano bang problema ha? Bigla kana lang nagmamadali jan?" Sabi ko pagkasakay ko sa kotse niya. Nauna na itong makasakay sa sobrang bilis niya maglakad.

Hindi ako nito pinansin at pinaandar na ang sasakyan. Tumahimik nalang ako at ibinaling ang tingin sa labas, mamaya maya ay may biglang pumasok sa isip ko.

Tama! Yung babae kanina! Siya yun! Siya yung nagsend ng hubad na katawan kanina kay Melvin. Nakita ko ang cellphone ni Melvin sa tabi at walang anu anong dinampot ito.

Agad kong binuksan ang messenger nito at hinanap yung babaeng nagsend kanina ng hubad na larawan. Ngunit hindi ko ito mahanap, nasaan na ba yun.

"Asan na dito yung haliparot na nagsend sayo ng hubad na larawan?!" galit kong tanong kay Melvin.

Love and LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon