Chapter 4

31.7K 303 0
                                    

Hindi ko alam pero bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko at napaupo sa pagkakahiga nang mabasa ang mensaheng iyon.

"Oo bakit??" nanginginig ang mga daliri kong reply dito.

Mas kinabahan ako nang magreply ito agad. "Girlfriend niya din kasi ako eh, at mag-iisang taon na kami next month." Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang mga luha ko, para na itong ilog na patuloy lang sa pag agos.

Hindi agad ako nagreply dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa mga nabasa ko. Wala pang dalawang minuto mula sa reply niyang iyon ay nagsend siya ng mga litrato na magkasama sila ni Melvin sa ibat-ibang lugar, at lahat ng sinend niya ay magkayakap sila dito. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at napasigaw nalang ako ng malakas.

Mamaya maya ay bumukas ang pinto ng aking kwarto. "Ma'am Eunice anong nangyari?" tanong ng aking kasambahay.

"Iwan mo muna ako." mahinahon kong sabi habang patuloy parin sa pag agos ang aking luha.

"Sigurado ka ma'am Eunice?" pag aalalang tanong nito.

"Iwan mo na muna ako Manang Josie, please." pag uulit ko dito na may halong pakiusap.

"Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako agad, ma'am Eunice." sabj nito bago lumabas ng aking silid.

Agad ko namang tinawagan si Danny, at sinagot naman nito agad ang tawag ko.

"Hello..." pag uuna nito na halata mong bagong gising lang.

"Pwede mo ba akong puntahan dito ngayon?" walang anu anong tanong ko sa kanya.

"Bakit? Wala akong ninakaw jan ah, maaga akong lumabas ng bahay mo." sinubukan pa nitong magpatawa.

"Please... Paki-usap." tanging nasambit ko lang, habang humihikbi pa.

Narinig ko naman ang agad nitong paggalaw, at pinatay ang telepono.

Wala pang limang minuto ay kumatok na siya sa pinto ng aking silid at saka ito binuksan.

"Lee!" Humakbang ito palapit sakin at naupo sa aking tabi. Habang iyak lang ako ng iyak ay hinahagod naman nito ang aking likod. Tahimik lang siyang nakikinig sa aking paghikbi habang hinihintay na magsalita ako.

Hindi ko alam kung papaano ko uumpisahan kaya minabuti ko nalang iabot sa kanya ang cellphone ko para ipabasa ang mensahe nung babae.

"Aba eh, gago pala yung lalaking yun eh! Sinasabi ko na nga ba at hindi mapagkakatiwalaan yun eh! Halika at nang makatikim yung hinayupak na yun!" Galit na galit na sabi ni Danny.

Hindi ako nakapagsalita at mas humagulgol pa ako. Niyakap naman ako nito agad, saka ko naman isinubsob ang mukha ko sa matigas nitong dibdib. Hinahagod lang nito ang likod ko at alam kong awang awa na siya sa akin ngayon.

Nang medyo makaginhawa ako ay kumalas na ako sa pagkakayakap dito.

"Ano, okay kana?" Agad naman nitong tanong nang may pag-aalala.

Tumango lang ako saka pinunasan ng aking mga palad ang sarili kong luha.

"Bes, maraming salamat ha." pagpapasalamat ko sa kanya sa paggabay sa akin sabay pagbuntong hininga. Kung wala siguro siya dito ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Mabuti nalang palagi siyang nanjan lalo na't malayo ako sa aking pamilya.

Kinuha ko ang cellphone ko na kanina pa niya hawak at ipinakita ko sa kanya na ibinlock ko na sa lahat ng account ko si Melvin. Dinelete ko na rin ang number nito.

"Mula ngayon, hindi na kami magkakilala." seryosong sabi ko rito. Tama na siguro ang dalawang taon naming pinagsamahan para mapatunayan sa sarili ko na hindi talaga siya karapat dapat para sa akin. Paulit ulit nalang niya akong ginagago, kaya ito na ang huli.

Love and LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon