Chapter 8

26.9K 309 0
                                    

"Uy, ano ba?! Bakit mo ako kinunan ng picture, nakakahiya!" akmang hahablutin ko na ang cellphone nito nang iilag niya ito.

"Anong nakakahiya? Ang cute nga eh." pang aasar nito, saka na naman tumawa ng malakas.

"Sira-ulo ka, i-delete mo yan! Nakakahiya Danny ano ba?! Nagpapatawa lang naman ako eh." sinubukan ko ulit hablutin ang cellphone sa kanya ngunit hindi ako nagtagumpay dahil nai-ilag na naman niya ito.

Ngayon ay ang ingay na namin dito sa kusina. Time check, 8:55pm. Hindi ko alam kung naiingayan sila lola samin ngayon, pero sanay na kasi sila samin. Ganito talaga kami ni Danny kung minsan.

"Ayoko! Bakit ko idedelete? Hindi ko naman ipopost ah. Hayaan mo na, ang cute nga eh." pang aasar pa nito.

"Hay naku Danny, kilala kita, pagt-tripan mo na naman yan. Please i-delete mo na!" pagmamakaawa ko pa. Baka sakaling umepekto.

Lalo pa ako nitong inasar dahil tumakbo na ito paakyat. Agad ko naman itong hinabol.

"Danny! Akin na yan!" Habang patakbo kong hinahabol sa hagdan.

Nakakainis! Pumasok pa talaga siya sa kwarto niya ah! Akala siguro nito titigilan ko siya! Hay naku hindi! Kahit magtago pa to sa loob ng cr!

Sinundan ko naman ito sa kwarto nito. Wala siya! Aba, at pinagtataguan pa ako ng gagong to! Sinilip ko siya sa ilalim ng kama nito, pero wala. Hinanap ko sa loob ng Closet nito, pero wala din. Naku! Pag nakita ko lang talaga yung mokong na yun! Napakabilis naman nitong nagtago.

Pumunta ako sa Cr ng kwarto niya, wala din!

"Danny, ano ba?! Lumabas kana! Hindi ko na ipapabura, promise!" sinubukan ko pa siyang paingin para lang lumabas ito.

"Promise?" hmmmm.... parang alam ko na kung san nanggagaling yung boses na yun ah.

Lumabas na ako sa cr, at tinungo kung saan nanggaling ang boses na yun. At hayun nga! nasa likod lang pala ng pinto! Nakakainis! Bakit hindi ito ang una kong sinilip! Pambihira.

"Oh hindi mo na ako kukulitin?" pa-cute pang sabi nito. Akmang magsasalita na naman sana ako nang lumapit ito sakin. "Ooops! Nag-promise ka!" pang aasar nito.

Akmang hahablutin ko na ang cellphone nito nang itago nito sa may likod niya.

"Aba! Danny! Amin na yan!" pangungulit ko talaga.

"Hindi ka pala marunong tumupad sa pangako." nakangisi pa itong nang aasar ah.

"Paing ko lang yun!" paglilinaw ko naman. Hahablutin ko na naman sana nang umilag ito at umatras papunta sa kama. Pinilit ko paring hablutin, nang sa huling pagkakataon ay natumba kami sa kama. Napaibabaw ako sa kanya.

Parang teleseryeng nag slow motion ang lahat, at parang huminto ang oras. Nagkatitigan lang kami ni Danny. May kung ano akong naramdaman nang mapunta ang tingin niya sa labi ko. At ganun din ako, napatingin narin ako sa labi nito. Tapos sabay bumalik ang tingin namin sa mga mata. Ganun parin ang posisyon namin. Walang nagsasalita.

Mamaya maya pa ay umaangat na ang ulo ni Danny at akmang hahalikan na ako nito, kaya ipinikit ko nalang ang aking mga mata. Sa wakas ay sa pangalawang pagkakataon, natikman ko na naman ang malambot na labi nito na kaysarap halikan. Tumugon ako sa halik nito. Hindi ko alam kung bakit ako pumapayag sa ganito, gayong bestfriend lang ang turing niya sa akin. At ako, alam ko sa sarili kong higit pa sa bestfriend ang nararamdaman ko para sa kanya, mahal ko na siya...

Alam kong mali ito dahil may girlfriend na siya. Hindi man sila okay ngayon pero alam kong darating yung araw na maayos din nila ang lahat. Pero heto ako ngayon, pumapayag sa ganitong sitwasyon. Basta alam ko, kaya handa akong ibigay sa kanya ng bukas sa loob ko, yun ay dahil mahal ko na siya.

Love and LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon