CHAPTER 53 - Magic Spell

Comenzar desde el principio
                                    

Kung paanong lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon ay hindi ko rin alam pero marahil ay puso ko na mismo ang nagdikta.

“I’m sorry, Kenshi, Hindi ko hahayaang ligawan mo ang kapatid ko.” Ang hindi mabali-baling desisyon ni Hopper. Magkaibigan tayo pero ibang usapan na ang tungkol kay AM.”

I sighed. Nagpaalam lang ako sa ‘yo pero hindi ang salita mo ang pipigil sa aking ligawan siya. Tulad ng sinabi ko, Kahit dalawang pursyento lang ang pag-asa ko sa kaniya’y panghahawakan ko na.” Determinadong sabi ko.

“Hindi ako makakapayag na mapunta sa isang gago ang kapatid ko — ”

“Gago ako, I know.” Putol ko sa kaniya. Pero wala ka pang nabalitaang babaeng inagrabyado ko, Hopper. Ikaw ‘yun,” Dagdag kong nakaturo sa kaniya. “Ikaw ang malakas mambabae sa grupo kaya ‘wag ko akong tingnan na parang ikaw dahil kahit nagawa kong pustahan ang damdamin ng kapatid mo, Naging paraan naman ‘yon para magising ako sa katotohanang mahal ko talaga siya.” Sabi ko saka siya tinalikuran.

Sumakay ako sa kotse ko pero bago tuluyang umalis at muli kong tiningnan si Hopper. “Thank you. Greet Uncle Melandro for me.” Pagkasabi ko non ay humarurot na ako paalis.

Walang sinoman sa kanila ang makakapigil sa panliligaw ko kay Sigrid o AM. No one. Kahit masakit, Titiisin ko. I love her so much and i'm willing to face every consequences of my love for her.

∽∽∽■■■∽∽∽

SIGRID’S POV :

Matapos ang ilang segundong nakulong ako sa mga bisig ni Saiyan ay nag-decide na rin kaming bumalik sa party ng Daddy dahil sigurado akong nagtataka na ang mga iyon sa pag-alis ko.

I don’t know but i feel like, I was under a magic spell.

“Anak, Halika.” Salubong ni Daddy sa akin habang kahawak-kamay si Mommy. “Saiyan, Maari ko bang hiramin muna sandali ang anak ko, ‘ijo?” Tanong niya kay Saiyan na may nanunuksong tingin.

Maging ako man ay pinamulahan na rin..

“Sure, Tito.” Tugon ni Saiyan kay Dad at sinulyapan pa ako. “Let's dance later, okay?”

I smiled and nodded. “Sure.”

Muli siyang nagpaalam sa Mommy at Daddy ko at sa akin saka siya bumalik sa mesa nila ng mga kaibigan namin.

“Ehem,” Tikhim ni Daddy. “You're eyes is sparkling with something i can't name, Anak.” Komento ni Daddy sa nanunukso pa ring tinig. “Papaalalahanan lang kita, Hija, Hindi ko gustong masaktan ka dahil umiibig ka na sa mura mong edad— ”

“Dad.” Pigil ko sa kaniya dahil napapahiya ako sa sarili ko at sa kanilang dalawa ni Mommy dahil sa sinasabi niya. “Hindi ako ..Hindi ako umiibig.” Nalilitong sabi ko..

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora