CHAPTER FOURTY-FIVE

34 1 0
                                    

TRISHTA'S POV

It's been 10 days since the day na sinagot ko si Chrysler. And Wednesday na ngayon. September 1. At ngayon ang battle of the bands and the 'race'. Ngayon kami maglalaban nila Ali.

It's just so fast. Sana ay nagstop na lang yung oras nung Sunday. The day where I forgot all about my problems. The hate, the sorrows, the things I'm about to go through kasi nasasaktan ako eh.

Nasasaktan ako everytime na iisipin kong malalaman ni Chrysler ang ginawa ko sa kanya. Nasasaktan ako t'wing maiisip ko na masasaktan ko siya. I feel like he doesn't deserve someone like me. Masasaktan lang siya sa'kin.

Ilang minuto na lang ay kailangan ko na tumayo at isipin kung anong uunahin ko pero nakahiga pa rin ako sa higaan ko at nakatingin sa kawalan habang nag-iisip.

Gusto kong takasan yung problema ko.

Gusto kong mawala lahat ng problema ko pero hindi pwede. I have to face the consequences of my actions. I have to face my fear. I have to face the fact na I can lose Chrysler this day onwards. I have to face the fact na he 'doesn't' deserve 'me'.

Tumawag siya sa'kin kaninang umaga kaya mas kinabahan ako. Hindi ko na talaga alam kung anong mangyayari sa'kin ngayon. 5pm na pero hindi pa rin ako bumaba. I can't stop myself from thinking.

" Trishta! Pupunta ka ba sa contest?" katok ni Brix sa pintuan ko. Pinunasan ko naman yun luha ko bago ako sumagot sa kanya.

" Oo! Just wait!" sigaw ko at naligo na ako ng mga 5 minutes at mabilis akong nagbihis. Pagkalabas ko ng kwarto ay bumaba na rin agad ako at napatingin sa'kin si Yaya at si kuya.

" Ano yan?" tanong ni Brix pero hindi ko siya pinansin. Lumakad naman siya papalapit sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

" Ayusin mo yang sarili mo! Ni hindi ka pa nakakapagsuklay!" sigaw niya at tinignan ko naman siya bago ako magsalita.

" 'Di ko na kasi alam yung gagawin ko kuya eh! Naguguluhan na 'ko! Ang hirap magmahal! Sana pala nakinig na lang ako sayo.." sabi ko at 'di ko na napigilang tumulo yung mga luha ko. Niyakap naman ako ni Brix.

" You just love. When you love, you get hurt. You experience pain." sabi niya sa'kin ng magkahiwalay na kami habang hinahawakan niya ako sa balikat.

" B-brix.. I don't want to lose him." nagmamakaawang sabi ko ng talikuran niya na ako at nauna na siya sa'kin na maglakad.

" Then you'll go fight for him." sabi ni Brix at tuluyan nang nakalabas ng bahay habang ako naman ay napaupo na lang sa upuan habang nagsisink-in pa sa utak ko yung sinabe ng kapatid ko.

May kwenta ka rin naman palang kausap paminsan minsan, brother.

KEV'S POV

" Ano? Ready na ba kayo? Hehehe.. Galingan natin ah! Lalo na kayo para matuwa naman ako sa inyo. At saka sabihin mo kay Lorenz, sagutin niya tawag ko at mamaya na siya magsenti!" tuloy tuloy na pagkakasabi ko kay Kross na kausap ko sa phone.

" Oo! Ang ingay mo! Para kang parrot! Tch! Sinagot ka lang ni Trishta eh!" singhal niya sa'kin at tinawan ko naman siya.

" Hahahaha! Bakit?! Nagseselos ba kayo?" pang-aasar ko.

" King ina ka dre! Nababakla ka na naman! Wag ka nga! Tch, sige bye!" natatawang sagot niya at binabaan niya na ako.

Hmmm.. Iniisip kaya ako ni Trishta? Hehehe! Pinakikilig na naman niya ako.

Dali dali ko namang dinial yung number ni Trishta sa phone ko. Matapos ang ilang ring ay sinagot niya na rin yung tawag ko.

" Hello?"

Inlove with Ms. FancyWhere stories live. Discover now