CHAPTER FOURTY-FOUR

39 3 0
                                    

KEV'S POV

" B-bestfriend?" halos maiiyak na na tanong ko kay Trishta.

" Stupid. Hindi ba obvious? Sinasagot na kita. Duh?" sagot niya at napangiti ako.

" Y-EEEEEESS!! Thank you, Lord! You're the best! Whoooooo! Thank you Lord! Thank.. you... po.. talaga.. Tara!" sigaw ko at nagsitinginan sa'kin yung mga tao kaya pahina ng pahina yung boses ko hanggang sa hinila ko si Trishta palabas.

" Kurutin mo nga ako, baka nananaginip lang ako.." utos ko kay Trishta pero tinignan niya lang ako.

" Hindi ka nananaginip."

" Kurutin mo na lang ako.." pagpupumilit ko at PAK*..

Sinampal niya 'ko!

" Bakit mo 'ko sinampal?!"

" Sabi mo kurutin kita. Sinampal na lang kita para makuntento ka." nakangising sabi niya. Napangiwi naman ako. Tapos biglang may pumasok sa isip ko.

" May sasabihin ako sayo.." sabi ko kay Trishta saka ako lumapit sa kanya. " Alam mo ba na..."

" Gwapo ka? Hindi halata." pangunguna niya at napangiwi na naman ako.

" Hindi! Hindi yun! Makinig ka muna! Okay.. Eto na.." sabi ko saka huminga ng malalim. " Alam mo bang sa bawat 'oo' may 'hindi'. Sa bawat 'tama' may 'mali'. Sa bawat 'tawa' may 'iyak'. At higit sa lahat.. sa bawat 'ikaw' may 'ako.. Hehehehe.."

" Ang korni mo pa rin.. Pero pwede na." sabi niya at napangiti na naman ako.

" Hoy! Hindi kaya korni yun! Sweetness kaya ang tawag dun!" habol ko sa kanya sa paglalakad. Tinawanan niya lang ako saka siya humarap sa'kin. " I love you, babe." sabi ko at napailing siya.

" T-teka! Wala man lang akong ' love you' o ' I love you,too' o ' babe, I love you' o kung tinatamad ka ay 143 man lang?!" tanong ko ng talikuran niya 'ko at nanguna ng maglakad.

TRISHTA'S POV

I smiled as I walked. I just feel like smiling. 'Di ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong sinagot ko na siya. Tapos sinabihan niya pa ako ng I love you. 'Di ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Kung magrereact ba ako na kinikilig ako o sasagutin ko rin ba siya ng I love you o magpapakipot pa ako.

Natigilan naman ako nang marealize ko na nananahimik na siya.

" Ayoko na sayo." sabi niya sa'kin ng humarap ako sa kanya.

" Ano ba yang sinasabe mo?"

" Ayoko na sayo.."

Stupid.

" Let's go.."

" Ayoko na sayo!"

I give up.

Lumapit na ako kay Kev at saka ako yumakap sa kanya.

" I.. L-love you, too.." nakapikit matang sabi ko.

" Ayoko pa rin sayo.. Tawagin mo muna akong babe.."

" Para kang bata!"

" Basta.. ayoko na sayo."

" B-b-babe. Tara na." Aya ko pero wala pa rin. " I-i-i love you, b-babe."

" Ayoko na sayo! Gusto ko yung hindi ka nauutal."

Inlove with Ms. FancyWhere stories live. Discover now