CHAPTER FOURTY-THREE

37 2 0
                                    

LORENZ' POV

Nginitian ako ni Kev ng nakakaloko ng ibuking ni Jam kung saan ako pumunta. Nagulat naman ako ng hawakan ni Jam yung kamay ko. Hinila ako ni Jam sa kung saan at bigla na lang siyang napahinto sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Nasa may likod nya ko kaya hindi ko nakikita yung reaction nya o ano kaya lumapit ako at saka pumunta sa harap niya. Nagulat ako ng makita kong may luhang tumutulo sa mukha ni Jam. Deretso ang tingin nya sa'kin pero pakiramdam ko ay tumatagos ang tingin niyang yon sa likod ko kaya lumingon ako at nakita ko si Ali at Cyto na naghahalikan.

" Jam.." usal ko pero 'di pa rin matanggal yung tingin niya sa kanila. " Jam.. Tumingin ka sa'kin." usal ko ulit at nakita ko ang paglunok niya bago siya tumingin sa'kin.

" Umalis ka na sa harap ko." seryosong sabi niya sa'kin at kumunot ang noo ko.

" Jam naman... Wag ka namang ganito."

Nasasaktan rin naman ako eh.. Nasasaktan ako kasi nasasaktan ka.. Nasasaktan ako kasi nakatingin ka pa rin sa kanya. At higit sa lahat... Nasasaktan ako dahil mahal mo pa rin siya..

" Umalis ka na Lorenz. Ano ba?!" sambit niya at hindi na napigilan ng mga luha nya na tumulo.

" Hindi ako aalis dito hangga't nagkakaganyan ka." sagot ko at napahilamos siya sa mukha niya saka pinunasan yung luha niya habang nakatingin sa iba sa muling tumingin sa'kin.

" Bakit ka ba ganyan?! Ano bang mapapala mo sa kagaganyan mo?!" tanong niya at natigilan ako. Pakiramdam ko ay gusto nang tumulo ng luha ko.

Ang sakit..

" Tara na Jam.." yaya ko sa kanya saka ko hinawakan yung kamay niya pero binawi niya sa'kin yung kamay niya.

" No. We're staying here habang hindi ko pa naririnig yung reason mo." saad niya habang seryosong nakatingin ng deretso sa mga mata ko. Napalunok naman ako ng ilang beses. " Ano?! Magtititigan na lang ba tayo dito?!"

" Jam..."

" Wag mo 'kong tawagin!" sigaw niya at napaatras ako ng bahagya. " Alam mo kasi ang problema sayo? Masyado kang pakielamero--"

" Kasi mahal kita Jam!" pagputol ko sa sasabihin niya at natigilan naman siya. " I already have fallen for you! Ewan ko kung bakit ikaw pa. Kung bakit yung pinakatangang babae pa na nakilala ko. Ewan ko kung kailan. Ewan ko kung paano! I just did!"

" Umalis ka na sa harap ko. 'Walangya. Nilait pa 'ko'." Sabi nya saka binulong yung mga huli.

" A-ano?! Matapos 'kong umamin sa'yo, eto lang sasabihin mo? Wala ka man lang bang sasabihin sa'kin na kakaiba o ano?"

" Gusto mo makarinig ng kakaiba?" tanong niya habang seryosong nakatingin sa mata ko. 'Di naman ako nakasagot sa tanong niya. " Well.. The feeling is not mutual." at saka siya nag-walkout.

Ngayon alam ko na kung bakit ayaw umamin ng mga tao sa mahal nila.

They're afraid to be rejected. They're afraid that their feelings might be rejected. And they're afraid of rejection.

KEV'S POV

" Mahaaal! Nananaba na 'ko. Huhuhu.. Gusto ko mamayat." Daing ni Tam kay Kross pagkaalis nila Lorenz.

" Gusto mo mamayat? Hala, sige. Magpag-dengue ka para mamayat ka ng husto. HAHAHAHA.." Kontra ni Jeyd at natawa kaming lahat. Ngumuso naman si Tam sa sinabi ni Jeyd at saka yumakap kay Kross.

" Mahal oh? Inaaway nila ako." nakangusong sumbong ni Tam.

" Oy 'teh.. Ginusto mo yan eh." si Jeyd.

Inlove with Ms. FancyWhere stories live. Discover now