CHAPTER THIRTY-ONE

105 3 0
                                    

KEV'S POV

" Bye mom! Bye manang! Mwuah!" Paalam ko kela mom. Bigla namang lumabas si ate ng bahay patakbo sa'kin.

" Pasabay ako Kev!" sigaw nya kahit ilang metro pa lang ang layo ko sa kanya. Nagkandahulog hulog na nga yung gamit nya kakamadali papunta sa'kin eh. Napailing na lang ako kay ate at pinuntahan ko sya saka tinulungan sa pagaayos ng gamit nya.

" Ba't ba nagmamadali ka ate?" kunot noong tanong ko sa kanya. Naglakad na kami pareho papuntang kotse.

" Aba.. akala mo sa'kin? Kilala kita. Alam kong iiwanan mo ko 'no? Tss.." sabi nya sabay irap at pasok sa kotse.

" Nagbago na 'ko ate.." sabi ko saka inistart yung kotse at ska nagmaneho. Natawa naman si ate sa sinabe ko.

" W-wow.. Ikaw ba yan Kev? Kailan pa?" pabirong tanong nya at natawa ako sa kanya.

" Simula ng makilala ko sya." Deretsong sagot ko kay ate. Natahimik naman kaming pareho. Eto ata yung tinatawag nila na awkward silence?

" Tara. Drive through tayong mcdo. Medyo gutom na ren ako e." maya mayang sabi nya kaya pumunta muna kami sa pinakamalapit na mcdo. Umorder lang ako ng fries at coffee. Si ate naman, coffee, fries at pancake. Hahabol pa nga sana si ate Ace kaso pinigilan ko sya. Napangiwi naman sya ginawa ko.

" Ate hinay hinay lang. Mahina kalaban." sabi ko dahil sunod sunod ang pagsubo at paginom nya sa binili namin pero inirapan nya lang ako. Actually paubos na nga yung sa knya samantalang ako, halos wala pang bawas yung akin. Nagtataka naman akonbg tinignan si ate pero tumitigin tingin pa rin ako sa daan.

" Ate? Nananaba ka ah?" pansin ko sa kanya at nanlaki naman ang mata nya saka sumimangot bago sumagot sa'kin.

" Excuse me... Pero di ako mataba. Sadyang mas payat ka lang talaga kumpara sa'kin. Tse! Mag-drive ka na nga lang dyan." sabi nya saka tumuloy sa pagkain. Maya mya pa ay nasa school na kami. Magkahiwalay kami nang building dahil college na nga sya at highschool pa lang ako kaya hinated ko muna sya at umikot na lang ako pabalik sa campus namin. Nasalubong ko agad sila Kross at Lorenz. Actually ay halos magkakasabay pa nga kaming nagpark eh.

" Woi! Gwapo na'tin ngayon ah?" pansin sa'kin ni Kross. Napangiti naman ako.

" Inspired eh." Sabat ni Lorenz pagkababanya ng sasakyan. Mukha nga syang good mood ngayon dahil ngiting ngiti sya eh.

" Ikaw ren dre. Sina na ba ngayon?" Mapngasar na tanong ko at agad syang umiling iling.

" Uuuy.. Defensive." pang-aasar ni Kross at napangiwi naman sya.

" Tch! Tara na nga. Mga wala kayong kwenta kausap." sabi nya saka nanguna na samin. Natawa na lang kami ni Kross sa pagkapikon ni Lorenz.

" Napaaga ata kayo masyado ah?" salubong sa'mi ni sir Gaspar. History teacher namin. Napaka-strict nya na estudyante na mismo magdodrop wag lang sya maging teacher nila sa history. " Napakalakas talaga ng tama mo kay Montes, ano? Kung sabagay. Perfect match kayo kung tutuusin.Parehas kayong hambog. Hahahaha.. Yun nga lang mas lamang syta sayo. HAHAHAHA!" Pangaasar nya sa'kin at napangiwi na lang kaming tatlo. Nagtuloy na lang kami sa paglalakad ng may makita kaming poster.

Battle of the bands Year 2013

September 1, 2013

Audition: August 20, 2013

@ School Gym

" Dre... Nakikita mo ba ang nakikita ko?" tanong ko kay Kross.

Inlove with Ms. FancyWhere stories live. Discover now