CHAPTER THIRTY-FOUR

91 3 0
                                    

KEV'S POV

Ang aga ko na namang nagising ngayong araw!

Hehehe.. Ginaganahan na talaga ako pumasok araw araw. Feeling ko pag di ako pumasok, ikamamatay 'to ng puso ko. Pero syempre..

Joke lang yun.

Bumangon na ako sa kama at ginawa yung usual na ginagawa ng mga gwapo at masisipag na student bago pumasok. Tulad ko..

Pagkababa ko ay tahimik na silang kumakain sa baba. Nakauniporme na nga si Yna eh. Pinilit kasi sya ni Dad na pumasok na. Ayun. Nauto ni Dad. Pagkaupo ko naman ay lahat sila nakatingin sa'kin.

" San ka galing kagabi?!" biglang tanong ni Dad at nagulat ako.

" Dad-- Hapon po ako umuwi. Quarter to 6 lang nga po yun e--" naputol yung sasabihin ko nang magsalita bigla sa mommy.

" Sinong kasama mo kahapon?!" tanong naman ni mommy.

" Si Tri--" naputol na naman yung sasabihin ko nang magsalita si ate Ace.

" Anong ginawa mo kahapon?!" tanong nya at natawa naman ako.

" Come on guys! Pinagtritripan nyo ba 'ko--" naputol na naman yung sasabihin ko nang magsalita si Yna.

" Bakit wala akong pasalubong kahapon?" tanong nya at natawa kaming lahat. Epic yung tanog nya eh.

" Pero ano ngang trip nyo ate?" tanong ko kay ate at tumawa sya.

" Wala naman. Namiss ka lang namin." sagot nya at asdfghjkl!?

" Akala ko naman.." sagot ko at saka kumuha na ng food. Pagkatapos sumubo ng ilang kutsara ay nagsalita bigla si Dad.

" Sabay sa'yo si Yna ha?" bilin sa'kin ni Dad. Tumango naman ako saka nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos kumain ay niyaya ko na si Yna sa sasakyan. Pagkatapos kong i-start yung sasakyan ay tinignan ko yung planner ni Trishta.

Ang nakalagay naman ngayon ay.. Church? Pupunta syang church? Tuesday? Iba rin 'to eh 'no?

Kinuha ko yung cellphone ko at idinial yung number ni Trishta. Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot na rin nya yung tawag.

" Hello? Good morning." sagot nya sa tawag at napangiti ako.

Binati nya ako ng gooood morning.

" Good morning rin? Si ever handsome Kev 'to." sagot ko sa kanya habang nagpipigil ngiti. Narinig ko naman si Yna na nagubo ubuhan dahil sa sinabe ko. 'Di ko na lan sya pinansen.

" Oh? It's you." biglang naging bored yung boses nya. Napanguso naman ako.

" Bakit ba ang sama mo?! TCH! Narinig mo lang boses ko, naging ganyan ka na!" kunwaring pagtatampo ko at narinig ko naman syang natawa. " Asan ka?" pagiiba ko sa usapan.

" Dito." sagot nya at natawa ako and at the same time ay napangiwi rin ako.

" Sang dito yan?" natatawang tanong ko.

" Sa bahay pa. Why?" tanong nya. Sinimulan ko oaqqooxsz seat na nakatingin sa'kin. Hininto ko yung sasakyan.

" Your so yuck kuya." Maarte na sabi nya pero 'di ko na sya pinansin pa.

" Transfer. Now. At the back." sabi ko at inirapan naman nya ako.

Naimpluwensyahan na ni ate Ace. Tsk tsk..

" Whatever." sagot nya saka pumunta sa likod.

TRISHTA'S POV

After akong tawagan ni Chrysler, pumunta ako sa kwarto ni kuya saka nagpaalam.

Inlove with Ms. FancyWhere stories live. Discover now