CHAPTER ONE

420 20 0
                                    

KEV'S POV

" Mamen! Musta na?" salubong sakin ni Lorenz pagkakita nya sakin dito sa campus.

" Okay lang. E ikaw?" grabe. Akala mo hindi kami nagkikita. Parang kahapon nga lang magkasama pa kami eh. Baka nag-overnight pa sila samin. Tapos nanood din ng sine. Tapos nagkaraoke pa kami. Tapos araw-araw food trip. Nangungumusta alang naman. Hindi naman big deal. Kasi magkasama kami nung bakasyon tas biglang ganito.

" Okay lang din. Grabe pre! Namiss kita!"

" Tumigil ka nga! Impluwensyahan mo pa ko! Psh!"

" Eto naman! Tandaan mo 'tong araw na 'to GOMEZ."

" Ah. Sure." simpleng sagot ko at napangiwi naman sya.

" ANDYAN NA SYA!" Nagulat kami ni Lorenz ng biglang nagkagulo at nagsipuntahan sa guard house kaya naman napasunod kami. E kasi naman wala kami sa guard house tapos dun sila nagkakagulo? Sino pa ba naman kasing pinagkakaguluhan dito, kung 'di kami lang.

" Sino daw men?!" gulat akong napatingin sa nagtanong sakin at nakita kong si Kross pala. Barkada namin ni Lorenz. Kaming tatlo ang tinitilian dito sa school na to. Well. The perks of being me.

" Ewan ko. Pupuntahan pa nga lang din namin eh."

" Dude! Woaaah! Chics to pre!"

" Wooooooh! Campus hottie men!"

" Owmayjiiii! Giiirls! Look! She's so gorgeous!"

" I envy her! Huhuhu.."

Rinig kong bulungan ng mga nagkukumpulan sa guard house nung palapit na kami dito. Pare-pareho naman kaming na-curious na magkakaibigan kaya naman...

" OMG! Uy! Guys. Dadaan sila dito." sabi nung babaeng tinapik ko. Medyo nagulat pa sya. Nagulat nga ba o kinilig? Pero wala naman akong pake. Nung narinig naman nung iba yung sinabe nya ay nagbigay daan silang lahat para samin tatlo. Yes. Nagbigay daan. Kami yata ang tinuturing nilang campus princes dito. kaya naglakad na kami at...

ISANG MAGANDANG BABAE ANG NAKAHARAP KO!

Halatang sosyalera. Sa postura pa lang ng katawan, alam na.

Tapos beng! Tsk.

May nahulog na cellphone. Sa kanya ata.

" Uhm, excuse me? Get me my phone." she said that in a slang way. As in IS-LANG WEY! At napatingin ako sa kanya. Nakatingin din sya sakin na parang inip na inip na. Saka! Ano ako?! Utusan?! Nag-excuse me pa siya kung ganun lang din naman pala ang sasabihin niya!

" Ako?!" inis na tanong ko sa kanya.

" Hindi. Ako. Ako na lang kukuha. Sinabihan ko yung sarili kong kunin yung phone ko." Sarkastikong sabi nya at tinapakan ko yung phone nya ng hard. As in yung sira na talaga pag kinuha mo. Siya na lang kasi mag-uutos tapos siya pa mag-aangas. At mag-uutos na lang siya, sakin pa.

" Now, get me my contacts." taas-kilay na sabi nya. Pero..

" Ha? Wala akong marinig eh. Sorry ah?"

" Are you deaf? Or you're just stupid? Sinira mo ang phone ko kaya ikaw kukuha LAHAT ng contacts dyan." Sabi nya at mararamdaman mo ang awtoridad sa tono ng boses nya ngayon. Pero ako pa ba? Ako yata si Kev Gomez.

" Eto ba ang phone mo?" sabi ko sa kinuha yung cellphone nya at ipinakita ito sa kanya. " Ooops! Sorry! Nahulog eh!" pang-aasar ko matapos kong sadyang hinulog yun. Pero natigilan ako nang biglang may naglakad sa harap ko.

Inlove with Ms. FancyWhere stories live. Discover now