CHAPTER TWENTY-ONE

153 5 3
                                    

KEV'S POV

Naglalakad na kami papuntang classroom ng makita namin yung nakaaway nila Trishta na may kasamang lalaking gwapo...

.. pero mas gwapo ako. Tch.

" Long time no see.. 'Dan'." biglang sarkastikong nagsalita si Trishta at tingin kong tinutukoy nya ay yung kasama ni Ali.

Baket sya kilala ni Trishta? Ako lang dapat! Ako lang dapat! Tch.

Ano ka ba Kev! Di mo naman girlfriend si Trishta kaya wag kang ano!

" Ikaw na naman? Kung di ka nga naman minamalas oh." sabat nung babae.

" Am I talking to you--" pagtatanong ni Trishta pero sumabat na naman yung babae.

" Now? Yes."

" .. Jam." tingin kong pagpapatuloy ni Trishta sa sinasabe nya.

" Ha?" takang tanong ni Jam at tinignan lang sya ni Trishta at mukha namang nagets na ni Jam yung ibig sabihin nun.

" Ah-- H-hindi." sagot ni Jam at napatingin ako dun sa babae na nakatiim bagang na.

" Oh? Hey. Andyan ka pala 'bes'." pagkukunwari nyang ngayon lang nya ito napansin pertaining dun sa babaeng kaharap namin.

Bes?! Inaaway nya kanina tas bes? Ang labo naman..

" Ano ba, friend. 'Ex' Best friend na. Move on, move on rin ha?" pag-bibiro pa ni Jam kaya natawa kaming magkakaibigan maliban na lang dun sa 'Dan' at sa babae.

" Ay! Intense! Wit kami maka-relate friend. Gora na lang tayo sa room para di tayo ma-op. Let's go na nga bakla!" pag-aaya ni Jeyd kaya umalis na kami kaso...

" Bakla!" sigaw nung babae kaya napaatras sila Jeyd at tinignan from head-to-foot yung babaeng kung maka-pulupot dun sa 'Dan' akala mo--

" E ikaw? Anong tawag sayo?" tanong ni EJ sa kanya at nagtaka naman yung babae.

" Nag-isip pa! Halata naman linta ka!" sigaw ni Jeyd at di na nakapagpigil yung babae at sinugod yung bakla. Napamaang naman ako kay Trishta ng makita kong pinapanood nya lang na pagtulungan ng kaibigan nya yung babae. Di naman sa kinakampihan ko yung babae kaso..

lalaki pa ren yung kaaway nya.

" HOW DARE YOU CALL ME 'LINTA'?!" sabi pa nung babae habang pinagsasasampal si EJ. Si Ej naman ay pinagsasabunot sya habang si Jeyd ay tinutulungan si Ej. Bigla namang lumapit yung Dan sa mga nag-aaway at tinulak isa isa sila Jeyd at Ej saka ko lang narealize na..

.. pinanood ko lang sila habang nag-aaway. Di man lang ako umawat!

Ha! Basta-- aawat lang ako pag kasali na si Trishta. Ibang usapan na pag si Trishta ang kasali jan.

" You mthr f*ckr! Mga bakla!" sigaw nung babae kela Ej not minding yung nguso nya dumudugo.

" Ay grabee! Teh, nagnose bleed ka oh?! Tama na ang ingles.. HAHAHAHAHA.." pang-aasar ni Jeyd sa kanya at nakipag-apir pa kay Ej.

" Hey! Ano ba?! Itigil nyo na nga yan! Bakla na nga kayo pinapangalandakan nyo pa!" sigaw nung 'Dan' at naasar ako.

" Magsasabi sabi ka na tumigil sila tas ikaw nakikisali ka pa? Tch. Nice!" pambabasag ko at namula sya.

" Wow! E ikaw nga, ni hindi ka tumulong eh! Pinanood mo pa!" bawe nya at natauhan ako. Napapahiya naman akong tumingin kay Trishta at nakatingin rin sya sakin!

Inlove with Ms. FancyWhere stories live. Discover now