"Ano bang pinagsasasabi mo?!" Sagot naman nito na galit din.

"Kaya ba nagmamadali ka kanina? Kasi nakita mo siya sa Mall? Sino ba yun ha? Magkakilala ba kayo?!"

"Huwag mo akong umpisahan Eunice!" Galit na sambit nito.

Aba! Siya pa ang may ganang magalit!

"Sagutin mo tanong ko! Sino yung babaeng yun?!" Pag uulit kong tanong.

"Wala yun, ano kaba naman Eunice!" sabi nito.

"Anong wala, eh bakit ganun nalang kung makatingin sa akin kanina ha?"

"Aba malay ko ba?! Sinabi ko na sayo Eunice, wala yun!" sagot nito.

Hindi nalang ako nagsalita at baka lumaki na naman ito. Binaling ko na naman ang tingin ko sa labas at pilit kong inaalis sa isip ko yung impaktang babaeng yun.

Habang nakatingin ako sa malayo ay bigla ako nitong hinawakan sa kamay.

"Wag mo nang masiyadong isipin yun baby. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko eh." Paglalambing nito.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nabura sa isip ko yung babaeng yun. Tumingin ako sa kanya saka ngumiti, bilang sagot na 'okay na.'

Yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko ay bigla nalang lumipat sa hita ko na ikinagulat ko.

"Baby ano ba! nagdadrive ka oh!" Malandi kong sabi.

----------------

Pagkapaalam ko kila tita ay agad na akong umuwi at pinuntahan ko na si Danny sa shop niya.

"Huy napano ka?" panggugulat ko sa kanya habang busy siya sa panood ng funny videos sa computer.

"Tagal mo ah," sabi nito na akala mo eh nagtatampo talaga. "Hmm.. wala naman, gusto ko lang uminom, inom tayo mamaya, konti lang." pag aaya pa niya.

"Sus. May problema ka eh." pagpupumilit kong sabi, kahit alam kong hindi nito sasabihin.

Tumawa lang ito at hindi na kumibo. Sabay pa kaming napatawa ng malakas sa napanood namin na ikinagulat ng mga customer ni Danny. Napalingon kasi silang lahat samin eh.

---------------------------

7:00pm, may nagdo-door bell.
"Manang Luz, pakicheck naman kunh sino yun, please." pag-uutos ko sa kasambahay ko.

Agad naman itong lumabas. Andito ako ngayon sa office ko at nanonood ng movie sa laptop ko.

"'Lee tara na ah." Agad namang sabi ni Danny. Siya lang ang tumatawag sakin nito, lahat na pati magulang ko, Eunice na ang tawag sa akin.. Buong pangalan ko kasi ay Eunice Lee Del Rosario.

"Nakakagulat naman to! Abay hindi man lang kumatok. Basta nalang pumapasok!" kunwaring galit kong sabi.

"Jusko, sa tinagal tagal na nating magkaibigan at maraming beses na akong nakapasok dito, kahit saang sulok ng bahay mo napasok ko na nang hindi kumakatok, ngayon mo lang ako sinita! Grabe siya oh." Hirit naman nito.

"Eh pano kung nakahubad ako, o may ginagawa ako! Edi nakita mo na, gago kaba?" Sabi ko pa na kunwari uling galit pa, pero joke.. Kasi alam naman nun kung nagjojoke ako eh.

"Hahaha! Ano naman kung nakahubad ka? As if naman masarap ka! At ano naman ang gagawin mo na hindi ko dapat makita? hahaha" pang aasar pa nito.

"At aba, yabang ah." nasabi ko nalang sabay tawa.

----------------------

Nasa kalagitnaan na kami ng inuman nang biglang tumahimik. At wala ni isa sa amin ang kumikibo. At napansin kong may iniisip na naman si Danny. Kaya sinita ko na ito.

"Huy! Bes napano ka?" tanong ko rito.
"Antahimik mo na naman."

"S-si Angeli kasi. Sa States na daw ipagpapatuloy ang pag aaral, kukunin na daw siya ng mga magulang niya." Kaya pala siya nagkakaganito. Si Angeli ay iyong kasintahan ni Danny. Tama, nag-aaral pa ito ng kolehiyo sa kursong Nursing. Kaedad ko lang ito.

"Oh tapos? Anong sinabi sayo?" tanong ko dito.

"Ipagpapatuloy daw niya, wala eh, wala naman akong magagawa, desisyon niya yun eh, saka para sa kanya din naman yun. At sabi naman niya sa akin, pag may time siya, papasyal pasyal din naman siya dito."

"Wow ha, papasyal pasyal, kala mo mula dito hanggang palengke lang ang layo eh, haha. So anong plano mo?"

"Wala, malamang sa malamang, maghihintay nalang ako. Pero ilang taon pa ang hihintayin ko?" madrama nitong sabi.

"Andrama mo talaga, lagi mo isipin na babalik siya, " nasabi ko nalang para medyo gumaan naman ang loob nito.

"Lasing na ako! Nahihilo na ko." Pag iiba nito ng usapan. Pero halata ngang lasing na ito, kasi kahit ako nararamdaman ko na ang hilo.

-------------------------

Nang maubos namin ang iniinom namin ay saka na kami nahiga sa kwarto ko. Nakasanayan na namin itong gawin kapag nalalasing kami. Magkatabi kami sa kama kong natutulog, nakapanty nga lang ako matulog eh at walang bra. Kaya akala nga ng marami dito, kami talaga ang magkasintahan. Hahaha, duuuh!!! kadiri noh.

Paggising ko ay wala na si Danny sa tabi ko. Ganun talaga siya pag nakikitulog dito, paggising mo, wala na siya sa tabi mo, parang nanaginip ka lang na may katabi ka. Babangon na sana ako at maghihilamos nang bigla kong damputin yung cellphone ko sa desk na nasa tabi ng kama ko. May may natanggap akong message sa messenger. Hala, yung babae! Yung Babae ang nag-message! Agad ko itong in-open.

"Hello, I'm Janine. Girlfriend kaba ni Melvin?" yun ang laman ng mensahe.

_________________

please vote guys kung nagustuhan niyo! Thanks for reading!!

Love and LustWhere stories live. Discover now