Chapter 20 - Rain is Falling (November 03, 2019)

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero nang tuluyan na siyang makapasok sa opisina sa 7th floor ng Building I, she silently wished na sana, pwedeng totohanin ni Mizzy ang sinabi niya.

Sinalubong kasi siya agad ng boss niyang si Cynthia.

"You're late." Naka-tanghod ito sa cubicle niya na nasa labas ng opisina nito. As an executive assistant, mas secretary at PA ang turing nito sa kanya.

Tumingin ulit siya sa oras kahit alam niya namang maaga pa siya. Bago pa pumatak ang alas-sais ng umaga nang umalis siya ng bahay kaya alam niyang hindi pa siya late sa 8:00 am na pasok niya. In fact, alam niyang hindi pa nga alas-siyete man lang.

Pinigilan niyang sumalubong ang kilay dahil alam niyang pinahihirapan na naman siya ni Cynthia.

"6:25 pa lang po ma'am." She timidly replied.

On a normal day, hindi naman talaga siya sasagot dito. She just accepts whatever impossible task she throws on her dahil alam niyang hindi dapat siya matinag sa kinalalagyan niya ngayon.

Pero ngayong halos inaaraw-araw siya ni Cynthia, gusto niyang sumagot ng kahit papaano, lalo na't wala naman siyang ginagawa.

"Have you ever seen a secretary who goes to work later than her boss?" Sagot ni Cynthia with a mocking voice, bago ibinagsak ang madaming folder sa desk niya.

In the end wala na ring nasabi si Lee. In the end, hindi niya pa rin naman pala kayang lumaban. Dahil alam niya, kaya lang naman nagkakaganito si Cynthia dahil pa rin sa failed task niya to set a meeting with Julius Javier.

Pero anong magagawa niya? After that reunion, ginawa niya pa rin naman ang lahat para lang makapag-set ng meeting dito. Hindi niya kasi alam kung paanong nalaman ni Cynthia na magka-schoolmate sila dati ni Julius Javier kaya sa kanya naibigay ang napakalaking task na ito.

Hindi niya rin talaga alam na malaki na rin pala talaga ang pangalan ng lalaki sa industriya ng mobile applications, na kahit silang isang hamak na manufacturing company ay nangangailangan na ng deal sa mga katulad ng mga young industry ni Julius Javier.

Eh di sana, madali lang ang buhay niya sa paglipat sa Metro. Kung bahay-work lang siya, hindi na niya kailangan pang magpakita pa sa mga dati niyang kakilala. Bubuhayin na lang siya ng matiwasay mag-isa sarili niya.

Pero wala na siyang magagawa ngayon. kundi tanggapin na talagang masasaktan siya sa naging pagkikita nila ni Odyssey. Ilang gabi rin naman siyang hindi agad nakatulog nang dahil dito. Ang sinasabi niya na lang sa sarili niya gabi-gabi, na kahit papaano, magtatagpo at magtatagpo pa rin naman ang landas nila. Napaaga nga lang kaysa sa pinaghandaan niya.

She's not just brooding over her dark feelings dahil may mas importante pa siyang kailangang gawin sa buhay niya. She just wish that she'll never cross paths with him soon because she might lose her foothold again. Baka hindi na naman niya kayanin ayusin ulit ang sarili niya kapag nangyari ulit ang nangyari sa reunion.

Natapos ang 8:00-5:00 niyang pasok na punong-puno ng sermon kay Cynthia. Hinayaan niya na lamang dahil alam niyang hangga't hindi niya naisasara ang kay Julius Javier, tuloy-tuloy ang pagpapasakit sa kanya nito.

"Sorry, Lee. Huwag ka daw muna umuwi sabi ni Ms. Cynthia kasi kailangan mo pa daw i-set itong mga meeting na ito sa iba't-ibang restaurants."

Tinignan niya ang ibinigay sa kanya ng chief-of-staff ni Cynthia na si Derick. Nagkakaroon sila ng weekly management meeting, at trabaho naman talaga Lee na mag-book ng place kung saan ito gaganapin. Hindi niya alam kung bakit sa kanila sa sales and marketing department na-assign ang trabahong ito pero dahil napakaraming department naman ng manufacturing company nila. Marahil nagpresinta na naman si Cynthia sa CEO nila kaya kay Lee napunta lahat ng trabaho.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon