CHAPTER 49 - His Anger

Start from the beginning
                                    

As much as possible, Ayaw kong manakit ng tao lalo na kung kapwa ko babae kaya kahit gustung gusto ko ng saktan ngayon si Sugar, Mas pinipili ko nalang ang magtimpi. But one wrong move from her, Sigurado akong lalabas na ang demonyong nananahan sa katawan ko.

"You're just a piece of shit, Sigrid. Kenshi is mine and will never be yours. Always remember that - "

"I'm not yours."

Sabay kaming napatingin ni Sugar sa nagsalita. Si Kenshi at matalim ang kaniyang mga matang nakatitig sa kaniya.

"Kenshi - "

"Don't." Putol ni Kenshi kay Sugar. "Huwag mo akong kausapin na parang close na close tayo because god knows how i despised you a lot. Mas masahol ka pa sa hayop, Sugar. Animals has a heart but you," napasinghap ako sa gulat nang hawakan ni Kenshi ang kaliwang braso ni Sugar sa marahas na paraan na halos pigain na niya. "You're a heartless bitch."

*Paakk!*

Nagbulungan ang lahat ng mga estudyanteng nakasaksi sa ginawa ni Sugar na pagsampal kay Kenshi at maging ako man ay nagulat pero mas nagulat ako nang mas higpitan pa ni Kenshi ang hawak niya sa braso ni Sugar na maluha-luha na rin.

Kaya nag-aalangan man ako'y lumapit na rin ako sa kanilang dalawa.

"Kenshi, Nasasaktan na siya. Tama na baka - "

"Leave, Sigrid." Kinilabutan ako sa boses ni Kenshi. Napakalamig at galit na galit. "Just leave and stay away from this mess. Please." aniya na kay Sugar pa rin nakatuon ang paningin.

"Friend, Halika na." napatingin ako sa humawak sa balikat ko. Si Alanis. Hindi ko man lang napansin ang paglapit niya sa amin. "Halika na."

Tumango ako at naglakad na ngunit nakaka-tatlong hakbang palang kami ni Alanis nang marinig namin ang nagngangalit na boses ni Kenshi.

"Unti-unti mo ng sinisira ang pamilya ko kaya subukan mo pa akong sirain sa babaeng mahal ko, Makakatikim ka na sa 'kin." Wika ni Kenshi na ipinagtaka ko. "At ito ang tatandaan mo, I'd rather choose to be alone for the rest of my life than to be with someone like you, Sugar. Huwag mo ng hintayin pang masira ang riputasyon mo sa buong HIS, Sugar. Magbago ka na."

"Sigrid!!" Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko. Si Anthon at papunta na siya sa gawi namin ni Alanis. "Anong problema? Bakit nagkakagulo dito?" Tanong ni bekla nang makalapit siya sa amin.

Imbes naman na sagutin ko ang tanong niya ay kay Kenshi ako napatingin na nakatingin na rin pala sa gawi naming magkakaibigan. Binitawan na niya si Sugar na kaagad kumaripas ng takbo palayo sa kaniya na malamang ay natakot dahil sa inasta niya kanina.

Huminga ako ng malalim nang mapansin kong kay Anthon siya diretsong nakatitig at bakas na bakas ang pinaghalong lungkot at galit sa mga mata niya.

"Ehem," Tikhim ni Alanis na humawak pa sa kamay ko. "Tara na. Umalis na tayo dito bago pa may dumating na teacher." Pananakot niya pero alam kong paraan lamang niya iyon para iiwas si Anthon sa mga mata ni Kenshi.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now