"ulul ka pare." Sabi ko kay Luke.

"Mas ulul ka pare. Uunahan kita kay Jayke." Sabi ni Luke na natatawa pa.

Tinignan ko lang siya ng masama at ininom ko na ang drinks na nasa harapan ko. Nginitian lang ako ni Alex at tinapik tapik ang balikat ko.

"Balik na lang tayo ng Singapore pre!" Sabi ni James.

"Tol, kapag bumalik tayo dun aanakan ko na ng tuluyan yung chic na nakasama natin doon." Nakangiting saad ni Michael.

"Manyak pre." Tumatawang sabi naman ni Alex.

"Yung kay Ilustre yung hot eh. Simple pero Rock!" Nagrock n' Roll sign pa si James.

"Iuuwi ko na nga sana eh." Sabi ko at ngumiti sa kanila.

"Ano ngang pangalan non?" Tanong ni Alex.

"Cassie? Sandie? Nakalimutan ko na." Nagkamot na lang ako sa ulo ko. Nakalimutan ko na talaga

eh.

"Pagkatapos mong pagsawaan, ganyan ka pre." Umiiling iling pa si Luke

"Yung sakin nga, siya pa yung nag aya sakin sa hotel." Ngising ngisi si James.

"Gusto mo din eh!" Pang aasar ni Alex kay James.

"Atleast hindi ako tulad ni Stephen na kulang na lang hindi na pauwiin yung babae sa pagpapasarap kada gabi!" Tangina talaga nito ni James eh.

"Hindi nakapagpigil." Sabi ni Michael. Tumawa silang apat at umiiling iling pa.

"Lul kayo!" Sabi ko sa kanila ng nakangiti.

Maganda naman kasi yung babae na nakasama ko sa Singapore. Oo tama sila. Hot talaga yung babaeng yun. Hindi lang basta hot, wild din. Nakalimutan ko lang yung pangalan eh. Mecy? Lucy? Yassie? Ay ewan. Kung tatanungin nyo ko kung nag enjoy ako? Kung alam nyo lang..

*flashback*

Nandito kami ngayon ng barkada sa Titanium, isang night club dito sa Singapore. Hindi kami magkakasama sa iisang lugar ngayon. Mag enjoy daw kami ng kanya kanya eh. Kaya ito ako ngayon sa may stool habang umiinom ng vodka.

"Hi handsome!" Sabi ng babaeng biglang lumapit sakin at hinawakan ang pisngi ko.


"Hi." I smiled at her teasingly.


"You with someone?" Hinawakan niya ang baba ko pababa sa collar ng suot kong long sleeves.


"Yeah." Hinawakan ko siya sa bewang niya.


HIS PARTNER IN BED (On-going)Where stories live. Discover now