CHAPTER 9: Probability of Events

Start from the beginning
                                    

"Reporter: Wow! That'd be great! And lastly, Mikaela, there's this buzz goin' on that you and Mr. Dela Rosa are already an item. Is that true?

Mikay: W-what? W-why would they say such things?

Reporter: I think someone saw you with him on the car park of his penthouse.

Mikay: W-well, I think that's ridiculous! I was out of town most of the time. And no! Whoever that was they saw there, that's not me. Ahm... Siguro napagkamalan lang..."

W-what the?! That slipped on his mind! Kilala silang dalawa dito sa bansa. Andaming nakakita sa kanila sa Ground Floor! 

Lester: Tsk... Tsk... Bro, bilib na talaga 'ko sa 'yo! Kunyare ka pa ha! 'Yun pala ibang level na ang da moves mo!

Katsumi: At sa penthouse na agad dinala ha!

JC: In just a matter of weeks...

Gino: Hoy! Kayo ha! Ayusin niyo nga mga buhay niyo! Narinig niyo sinabi niya, hindi totoo 'yon!

Seth: Wow ha! Denial King ka na rin ngayon!

Nagtawanan sila. Natawa na rin siya. Nagpatuloy ang kwentuhan. Maya-maya...

JC: Bro, may gig pala tayo thursday night. Sa bahay nila Zharm...

Gino: Tsk... 'Di ba lam niyo namang ayokong nagpapakita don?

Seth: Birthday kasi niya, pare eh. Nakapangako na kasi ako dati pa. Saka kaibigan pa rin naman namin siya eh.

Gino: Pwede bang wag na lang sumama?

Lester: Alam mo ha... kaya tinawag tayo na Parking 5 kasi lima tayo! Hindi Parking 4, okay?!

Gino: Alam mo, lasing ka na! Alam mo ba 'yon?!

Katsumi: Tutugtog ka lang naman pare eh. Civil ka lang sa kanya, pre.

Inis kasi siya kay Zharm. Alam niyang may gusto ito sa kanya dati pa sa New York. They went on the same school there. Mayaman din ang pamilya nito. Halos magkasing-yaman lang sila. Magkaibigan ang mga magulang nila. At halatang botong-boto ang mga ito na magkatuluyan sila.

Makulit ito noon. Laging nakikisabay sa kanya sa school. Sa mga parties, gusto siya lagi ang escort. At ang mommy pa nito ang makikiusap sa kanya na samahan siya sa mga events. Him, being a gentleman, ay pinakitunguhan niya ito nang maayos. Pero sa mga panahong 'yon ay iba ang nasa kanyang isipan.

Makulit pa rin naman ito hanggang ngayon. Kaso natuto na siyang tumanggi sa mga imbitasyon kahit mommy pa nito ang tanggihan niya. Bagay na madalas nilang pagtalunan ng kanyang ama. "Have some manners, son!". Madalas nitong sabihin 'yon. But he no longer cares anymore. Maraming nawala at nabago sa kanya. And having manners is the least of it.

But maybe, he can go to the gig. He also needs to unwind kasama ang kanyang barkada.

________________________________________

Tinititigan ni Mikay ang invitation letter. Galing ito kay Zharm Ariniola. Birthday daw nito. And she's inviting her. Hindi naman din siya nagtataka. They go on the same society. They say "hi" "hello" pag nagkikita. So, normal lang na padalhan siya nito.

Pupunta kaya siya? But this will be a big event. Pagkakataon niya ito na ipakita sa press na may ka-date siyang iba. Para mamatay na ang issue nila ni Gino na nakita sila sa ground floor ng penthouse nito. Pupunta kaya si Gino sa party ni Zharm? Pero hindi niya nakikita ang dalawa na magkasama for a very long time. Bagay na ipinagtataka niya dati pa. Anyway...

She went to dial the number of one of her dates before. She needed to do this...

________________________________________

Sumapit na ang araw ng party ni Zharm. Kasalukuyang papunta na sila dun kasama si Jao, her date. Anak ito ng isang kilalang mayamang politician. He's a businessman and he's definitely good looking.

Jao: I'm sorry if I keep on repeating this, Mikaela. But you're really exquisitely stunning!

Mikay: Thanks, Jao... 

Nginitian niya ito. Napapnsin din niyang hindi mapigilan nito ang sulyapan siya habang nagmamaneho. Sino ba namang hindi luluwa ang mga mata sa suot niya ngayon. 

She's wearing a little black sexy dress by Versace. Sobrang iksi ng kanyang suot. Konting yuko lang ay baka masisilipan na siya. Idagdag pa ang plunging neckline at pagiging backless nito. Tinernuhan niya ito ng red plaform sandals by Manolo Blahnik with matching red Prada clutch and red lipstick.

Sobrang revealing ng kanyang whole look. But she exudes with elegance and class. Kaya lagi siyang fini-feature sa mga magazines. Ilang beses na rin siyang kinukuha na maging model. Pero tinatanggihan niya. She finds it cheap for her to do such things.

Pagbaba pa lang niya ng kotse ay sinalubong na agad sila ng cameras. Pagtuntong nila sa red carpet ay umabrisyete siya sa braso ni Jao. They're trying to pose for the cameras. She tries to fake a smile and a laugh. After a brief interview ay pumasok na rin sila sa loob.

The party's full of lights. Sobrang luwang ng bulwagan. May stage. At may disk jockey na nagpapatugtog sa gawi roon. A lot of people from the high society are there. Some of them greeted her. Hawak siya ni Jao sa bewang. He seems too proud na siya ang date nito. Maya-maya ay nakita na niya si Zharm papunta sa kanila.

Zharm: Why! Hello there! I'm really glad you came!

Nagbeso-beso sila.

Mikay: Happy birthday, Zharm... A small gift for you...

Iniabot niya ang gift niya dito.

Zharm: Oh! Thank you! Seriously, the media outside wouldn't be that wild if they hadn't knew you're coming. So, thanks to you!

Jao: Uhm, ladies... I'll just get some drinks if you won't mind...

Pag-alis ni Jao ay medyo nagbago ang timpla ng mukha ni Zharm.

Zharm: Tatanungin dapat kita if you and Gino are really an item just like I've been hearing. But I guess not 'coz you and Jao look amazing!

Mikay: Thanks, Zharm. Of course, that issue with Gino is really funny.

She tries to fake a laugh.

Zharm: Yeah, anyway, that is so nonsense 'coz he's here. And he's my escort! Uhm, so I'll just go to the other guests, then... See ya!

________________________________________

Watch out for CHAPTER 10... :)

Please leave your comments, guys! Thanks! :)

A Sweet MistakeWhere stories live. Discover now