CHAPTER 46 - Pain of Yesterday

Start from the beginning
                                    

Huminga ako ng malalim bago ngumiti at nilingon si Lolo na pilit itinatago sa akin ang kaniyang pagluha.

“Lolo, Gusto kong malaman ninyo na hindi ko man kayo kadugo, Puso ko naman ang magsasabing pamilya ko kayo. Mahal ko kayo ng higit pa sa inaakala ninyo, Lolo, Lola.” Natawa nalang ako nang mayroon na namang bumagsak na luha mula sa aking mga mata. “At kahit nakilala ko na ang tunay kong pamilya, Kayo pa rin po ang number one sa puso ko at dahil importante kayo sa akin, Gusto ko rin po kayong mapalapit sa kanila kaya, Lola,” Kay Lola Maurita naman ako humarap. “Gusto mo bang ngayon na kausapin ang pamilya ko? Handa ka na bang makita ulit sina Ma’am Eleina at Sir Melandro?” Tanong ko.

Tumango naman si Lola. “Handa na ako para sa ‘yo at para sa ikatatahimik nating lahat, Apo.” Puno ng sinseridad na ani Lola Maurita.

“Kahit ano pa man ‘yang sasabihin ninyo, Lola, Hindi pa rin magiging dahilan ‘yun para magbago ang pagmamahal ko para sa inyong dalawa ni Lolo. Hindi dahil sa malaki ang utang na loob ko sa inyo kundi dahil sa pamilya tayong tatlo at ‘pag pamilya, nagmamahalan at hindi nag-iiwanan.” Nakangiting sabi ko saka sila inakbayan na dalawa. “Tara na po?”

“Teka, Bakit nga pala nandito ka na? Wala kayong pasok?” Tanong ni Lola.

“E, may nangyari po kasi sa school, Lola, pero ‘wag niyo ng intindihin ‘yon. ” Sabi ko at saka tumayo. “Halina po kayo.” aya ko sa kanila.

“Sana lang hindi kami salubungin ng Tatay Melandro mo ng baril.” Pagbibiro naman ni Lolo pero tumayo na rin. “Siya, Tara na at nang makauwi din kami kaagad ng Lola mo. Nasaan na ba ang mga kapatid mo?”

“Nandiyan lang po sa labas, Lolo. Hinihintay ako.”

“Mabait naman ba sila sa iyo, Apo?” Tanong ni Lola habang naglalakad kaming tatlo palabas ng bahay.

“Oo naman po, Lola. Sobrang bait po nila at inaalagaan nila ako ng maayos doon lalo na po si Ma’am Eleina.” I said, smiling.

“Mabuti naman kung gano’n.”

“Opo, Lola.”

Nadatnan naman namin ang kambal kong kapatid na nakasandal sa kotse at kunot ang noong nakatitig sa aming tatlo.

“Are you okay, Princess?” Tanong ni Hopper sa ‘kin na hinaplos pa ang pisngi ko.

“Uhm, Yeah.” I replied, nodding. “Siya nga pala, puwede ba nating isama sa bahay sina Lolo at Lola? Ahm, gusto daw kasing makausap ni Lola Maurita si Ma’am Eleina. Actually, Tayong lahat.”

“Really?” Hindi makapaniwalang tanong ni Grover. Sigurado kayo d’yan, Lola? Lolo?” Tanong niya sa Lolo’t Lola ko.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now