S P O L A R I U M

90 6 0
                                    

[ Dumilim ang paligid
May tumawag sa pangalan ko. ]

“Rowena, tagay ka pa.” alok sa'kin ng boss kong si Andrew. Ngumiti ako ng pilit at nilagok ang alak na ibinigay nito sa'kin.

Pauwi na sana ako kanina pero inaya ako ng aking boss sa kan'yang condo dahil kailangan niya daw ng kasama. May family problem raw siya at hindi niya na kaya pang-solohin ang dala-dala niya.

“Salamat sa pag-sama sa'kin dito. Parating na 'din 'yung kapatid ko.” ngumiti ito at pinisil-pisil ang aking balikat.

[ Labing isang palapag
Tinanong kung okey lang ako. ]

“Okay ka lang ba? Lasing ka na siguro.” ani ng kapatid ni Andrew na si Rafael. Kakarating niya lang at may dala siyang supot na puti.

“O-okay lang a-ako.” ani ko, sa totoo lang nahihilo na ako at sa tingin ko ay tinamaan na ako ng espirito ng alak.

[ Sabay abot ng baso, may naghihintay
At bakit ba pag nagsawa na ako. ]

“Eto, inom ka muna ng malamig na tubig.” hindi ko na mas'yadong naiinitindihan ang kan'yang sinabi pero dahil sa inaabot nitong tubig naintindihan ko ang kan'yang pahiwatig.

“S-salamat.” ani ko bago inumin ang lahat ng tubig na nakalagay sa basong 'yon.

[ Biglang ayoko na at ngayon
Di pa rin alam kung ba't tayo nandito. ]

“U-uuwi na po ako Sir Andrew.” tumayo ako kahit medyo nahihilo ako.

“Maaga pa. Magpahinga ka muna d'yan, Rowena.” pinal ang boses na ani nito. Wala akong magawa kun'di humiga sa sofa, bumibigat ang talukap ng aking mga mata.

“Sisimulan na ba natin kuya?”

“Umepekto na siguro 'yung droga.”

[ Puwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo
Lumiwanag ang buwan
San juan ]

Naimulat ko ang aking mata ng maramdaman ko ang sakit at kirot sa may ibabang parte ng aking katawan.

“S-sir!” gulat na sambit ko sa aking nasaksihan.

Hubo't hubad ang aking katawan.

Sa ilalim ng puting buwan ang aking kapurian ay dinumihan at sinira ng pinagkatiwalaan kong boss.

[ Di ko na nasasakyan
Ang lahat ng bagay ay
Gumuguhit na lang
Sa'king lalamunan. ]

“Painumin mo pa 'yan ng droga, Rafael.”

Hinang-hina na ako, laylay na ang aking kamay at ang liwanag na lang ng buwan ang aking nasasaksihan.

“K-kuya, anong gagawin natin pagkatapos?”

Tinignan ko ang dalawang taong may sala nito, tinandaan ko ang kanilang mukha. Ang ngisi sa kanilang labi ay nagpapakita kung gaano sila kasama.

“Ano pa nga ba? Gaya ng dati, patayin ang biktima.”

[ Ewan mo at ewan natin
Sinong may pakana?
At bakit ba tumilapon ang gintong alak diyan sa paligid mo? ]

“Ang anak ko!” rinig na rinig ang iyak ng ina ni Rowena. Natagpuan ang kan'yang anak na dalagita sa may bakanteng lote, ito ay duguan at walang saplot sa katawan.

“Sino ang may pakana?”
“Napaka-bait na bata n'yan si Rowena.”
“Diyos ko po, bakit ganito ang mundo?”

[ At ngayon 'di pa rin alam kung ba't tayo nandito
Puwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo
Umiyak ang umaga ]

“Iimbestigahan ang nangyari kuya.”

“Alam mo na ang gagawin, Rafael. Bayaran ang kukuhaning imbestigador. Patahimikin ang media at nilinisin lahat ng ebidens'ya.”

[ Anong sinulat ni Enteng at Joey diyan
Sa pintong salamin 'di ko na mabasa
Pagkat merong nagbura
Ewan ko at ewan natin. ]

“Okay na boss. Linis na ang mga ebidens'ya. Wala na kayong dapat na problemaduhin pa.”

Ngumisi ang isang lalaking naka-upo sa isang swivel chair.

“Kuya..”

“Oh, Rafael. Humanap ka na ng bago nating sekretarya.” tila may iba pang-kahulugan ang utos ni Andrew sa kan'ya.

Tumango si Rafael at may isang ngising sumilay sa kan'yang labi.

[ Sinong nagpakana? at bakit ba tumilapon ang spoliarium diyan sa paligid mo? at ngayon 'di pa 'rin alam kung ba't tayo nandito. Puwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo. ]

“Anong pangalan ng bagong sekretarya, Rafael?” tanong ni Andrew habang busy ito sa pags-scan ng papeles.

“Rafael?” tawag pa nito ng hindi ito sumagot.

Itinaas niya ang kan'yang paningin upang hanapin ito pero napalunok siya sa kan'yang nakita.

“R-rowena...”

“Ahhhh!”

Flash fiction stories Where stories live. Discover now