IDENTITY CRISIS

128 6 0
                                    

It's already 9:00 AM in the morning and I'm almost 1 hour late for my remedial class. My remedial class is scheduled every Saturday only. Hindi masyadong traffic pero sobrang late parin ako. Sa sobrang sarap kasi ng tulog ko nakalimutan kong binago na pala ng professor namin ang time schedule ng klase. Our class supposedly starts at 9:00 AM but our professor changed it to 8:00 AM.

Mabilis akong pumara ng jeep para sumakay. I'm sweating wet already dahil sa sobrang pagmamadali ko. Nang iabot ko ng ang bayad napansin ng mga pasahero ang paghahabol ko ng hininga. Mabilis ang byahe dahil wala namang traffic sa daan.

Time check: 9:06 A.M.

I'm 1 hour and 6 minutes late already. Mabilis akong bumaba sa jeep at tumakbo papasok sa school campus kaso napahinto ako ng may babaeng tumawag sa akin.

"Miss!" napalingon ako sa babae at napansin ko ang pag ngiti niya ng hilaw. Bahagya siyang lumapit sa akin at itinuro ang palda ko.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"May tagos ka." Namula ako sa hiya at napangiwi sa sinabi ng babae. Agad kong tiningnan ang aking palda. Mas lalo akong pinagpawisan dahil sa laki ng tagos. Sa sobrang taranta tinalikuran ko agad ang babae at tumakbo agad papasok sa school.

Time check: 9:11 A.M.

I started panicking when I remembered na may quiz pala kami ngayon. Agad akong pumasok sa pinakamalapit na CR para magbihis ng napkin. Pumasok ako sa cubicle wala pang isang minuto. Halos maubos na ang hininga ko dahil sa pagtakbo. I was literally catching my breath nang kunin ko ang napkin sa loob ng aking bag. Agad ko itong binuksan pero sa sobrang pagkataranta nahulog ko ito sa loob ng bowl.

"Shit!" mura ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang basang napkin. Lalabas na sana ako ng cubicle para bumili ng panibagong napkin nang may narinig akong mga yapak at tawanan na hindi normal.

"Fck dude nakita mo ba expression ni Tina kanina. Epic!"

"She's obviously jealous."

"Knowing her parang hindi naman."

My feet started to tremble when I realized that I entered the wrong comfort room! Shit!

Nabitawan ko ang puting cover ng napkin na dahilan ng paglipad nito palabas ng cubicle.
Nag-umpisa na akong magdasal nang mapansin ko ang pagtahimik ng dalawang lalaki sa loob ng cr.

Lord kung papatayin mo ko huwag naman sa ganitong paraan. Hindi pa ako ready. Huhu

I literally prayed the Our Father bago dahan-dahang binuksan ang pintuan ng cubicle pero tamang-tama rin ang pagbukas ko dahil may nakaabang na na lalaki sa harapan ng pintuan.

Ngumiti ako ng hilaw bago nagsalita.

"Sorry. Wrong CR."

He creased his head before looking at me head to foot. He even raised his left brow. Tinaas niya ang kamay niya at winagayway ang white cover ng napkin na lumipad kanina.

"Is this yours?" he coldly asked. Sa sobrang cold eh feeling ko tuloy air-conditioned ang loob ng CR.

"Ah-eh a-ano..." I stuttered in front of him. He's 3 inches taller than me kaya bahagya siyang nakayuko habang tinitingnan ako.

"Bakit 'di ka makasagot?" he asked once again. Halos tumulo na ang luha ko sa sobrang hiya. Idagdag mo pa ang tagos ko sa palda at ang patuloy na paglutang ng napkin ko sa loob ng bowl dito sa CR ng boys.

"May identity crisis ka ba?"

Namula ako at hindi ko na napigilang hindi maiyak sa sinabi niya.

"Isang oras na 'kong late sa klase ko tapos may quiz pa kami tapos natagusan pa ako tapos nahulog yung napkin ko sa bowl tapos wala na 'kong napkin tapos sa maling CR pa 'ko pumasok tapos... " he cuts me off. Pinunasan niya ang luha ko kasabay noon ang pagdating pa ng isang lalaki.

"Nandito na ang napkin na pinabibili mo—oh shit!" his eyes widened when he saw me.

"Dude akala ko ikaw gagamit ng napkin. Fck!" Mura niya ng mapansin ang pag-iyak ko.

Agad niyang inabot sa kaibigan niya ang napkin at kumaripas sa pagtakbo palabas ng CR.

"Magbihis ka na. Babantayan nalang namin yung CR." the guy in front of me said in assurance. Napangiti ako sa sinabi niya.

"Thank you." I said still in sobs.

"It's okay. It's not your fault to have a period. Go change now may quiz ka pa 'di ba? Babantayan ka nalang ng kaibigan ko dito sa labas."

"Thank you ulit." pag-uulit ko bago pumasok sa loob ng cubicle.

"I'm just a modern knight in shining armour saving you from your period. Go change now."

Swear to gods of all gods I did melt because of his last words.

Flash fiction stories Where stories live. Discover now