WATTPAD

75 6 0
                                    

Kanina habang sumasakay ng jeep naisipan kong magbasa ng wattpad. Tapos sobrang nadala na ako sa story. Ngumingiti ako na parang tanga habang nakaharap sa cellphone ko. May katabi ako na dalawang senior highschool na lalaki tapos narinig ko na nagsalita 'yong isa at nagpapaabot sa'kin ng pamasahe. Nakatingin parin ako sa cellphone habang kinukuha ang pamasahe niya. Ayaw ko kasi maputol momentum nang pagbabasa ko kaya inangat ko lang kamay ko habang hinihintay ang pamasahe niya. Kaso tangina medyo nangalay na kamay ko wala naman akong nakukuhang pera. Paglingon ko sa kanya wala naman siyang inaabot na pera sa'kin tapos nagpipigil pa ng tawa.

Shit nabingi ba 'ko or what? Kasi may narinig talaga akong nagpaabot ng pera eh. So ayun medyo pahiya ako sa part na 'yon kaya binaba ko nalang kamay ko at binalik ang atensyon sa pagbabasa. Siksikan na ang jeep kasi marami na rin ang sumakay tapos lumipat 'yong isang senior highschool sa tabi ko. Medyo napansin ko na nakatingin silang pareho sa cellphone ko kaya binaba ko yung brightness. Naglagay ako ng earphones pero 'di ako nagpatugtog ng music.

Biglang nagsalita 'yong isang lalaki na nasa kanan ko. They are conversing without knowing na nakikinig ako.

"Wattpad 'yong binabasa niya p're."
"Di ko makita eh. Wattpad pala."
"Oo. Nakita ko na 'yan dati sa kaklase ko na mga babae."
"Ah. So walang jowa?"
"Wala. Wala akong nabasa."
"Sa tingin mo bagay kami?"

Tinanggal ko agad ang earphones ko at tiningnan sila ng masama. Napayuko silang pareho pero obvious na nagpipigil ng tawa.

Tangina!!! Lumagpas na ako!!!

Pumara agad ako para bumababa. Nagtaka ako kasi sumunod sa'kin 'yong isang Senior High. Luh?! Tangina?! Binilisan ko paglalakad ko sa sobrang kaba kasi putcha baka rapist to. Myghad.

Tapos narinig ko siyang sumigaw.

"Miss!" Nilingon ko siya tapos obvious na hinihingal na siya kakasunod sa'kin.

"Sino ka?"

Ngumiti siya ng hilaw at inabot sa'kin ang earphones. "Naiwan mo sa jeep."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ah. Thanks!"

Kinuha ko ang earphones sa kamay niya kaso 'di niya binitawan ang kamay ko.

"May naiwan ka pa kanina."

Napa "ha?" ako bigla.

Yung ngiti niya napalitan ng ngisi.

"Naiwan mo 'yong future jowa mo. Kaya eto binabalik ko na sarili ko sayo. 'Di ako fictional character pero umiigting panga ko."

END

Flash fiction stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon