VIRTUALLY CONNECTED

61 4 0
                                    


I've been in a relationship for 1 year and it's virtual. I never met him personally sa twitter ko lang siya nakilala. He followed me and he made the first move. He direct message me at dun na kami nagsimulang mag-usap. Nahuli niya agad ang kiliti ko knowing that we almost share the same hobbies and likes in terms of music, movies, and books. In a month of talking naging magaan ang loob ko sa kanya until we reached the second base of talking. Nag vivideo call na kami magdamagan. There's no way he'll missed a day without talking to me. Ganyan siya ka consistent hanggang sa umabot na kami sa third base. Confrontations and labeling. He managed to open the idea of relationship. At first hindi ako pumayag kasi ayaw ko ng long distance relationship, hindi rin niya naman ako pinilit. Ilang weeks din akong nag-isip and I open the thought of there's no harm in trying. Go or regret it. Yung nagising nalang ako isang araw na gusto ko na siyang maging boyfriend. 2 months after I said my yes ay naging mahirap ang lahat lalo na at graduating student siya sa isang big university. Naging madalang ang pag-uusap namin hanggang sa umabot sa puntong gusto ko ng makipag break but he never did let go of me. He promised to see me. Yung siya na mismo ang nagsabing saka ko na siya iwan kapag nagkita na kami. And it hurts me, knowing the thought that he's willing to break his heart just to see me.

12th of November, the day before our anniversary ay naisipan kong mag bake ng cake for him. Kahit wala siya okay lang at least he'll see and appreciate my small present. We are still virtually connected. Kausap ko siya kanina sa phone at sabi niyang may pupuntahan daw siyang immersion. I told him every thing that I'm doing. Sinabi ko rin sa kanyang pupunta ako sa mall para bumili ng mga ingredients for baking. He didn't protest. Yun ang last conversation namin.

Pumunta agad ako men section para bumili ng regalo para sa kanya. Ipapa lbc ko nalang siguro to. Ang layo kasi ng Luzon at Visayas.

My phone vibrated at nabasa ko agad ang text niya sa akin. "Babe where you at? Tapos ka na bang mamili?"

Agad ko siyang tinawagan. I told him that I'm in the men section buying some stuff for my brother. Paniwalang paniwala naman siya sa sinabi ko. Gusto ko kasi siyang i-surprise kahit malayo kami. I even told him that the cake I will bake will be given to my grandfather's death anniversary. Yan lang ang palusot ko. We are still talking in the phone habang hawak hawak ko yung polo shirt na bibilhin ko for him when suddenly a man came with a cap.

Sa sobrang bilis ng puso ko ay nabitawan ko yung cellphone.

"Holdap to. Ibigay mo sakin yung wallet mo. Huwag kang sisigaw kung gusto mo pang mabuhay."

I can feel my knees shaking nang maramdaman ko ang matulis na bagay sa gilid ko. Hindi ako nakagalaw. Hindi ko maaninag ang mukha ng holdaper. Kaya binilisan ko ang pagkuha ng wallet at binigay yun agad sa kanya.

"Yung cellphone mo pa."

Pinulot ko ng dahan dahan ang aking cellphone at hindi nagdalawang isip na binigay yun sa kanya.

"Yung puso mo pa."

Hinarap ko siya kasabay nun ang pagtanggal niya ng kanyang cap. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita. Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko. He's here. My virtual boyfriend is here.

"Holdap to babe ibigay mo sakin ang puso mo kung ayaw mong mamatay sa pagmamahal ko."

Napaupo ako at napaiyak. Pero nawala lahat ng kaba ko nang yakapin niya ko bigla. I'm still sobbing when he gave me something. Mas lalo akong napahagulgol nang makita ko ang graduation certificate niya.

"Babe graduate na ko pwede na kitang ibahay."

"Bakit hindi mo sinabi?!" Paos kong sigaw pero natawa lang siya.

"Because the essence of surprise will be gone if I told you. Huwag ka na ngang umiyak diyan papakasalan pa kita. Tahan na babe."

"Ang daya mo!" Hinampas hampas ko pa siya pero parang wala lang yun sa kanya. Itinayo niya ko. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko sabay bulong, "Mahal kasi kita."

My heart melt with what he did. I almost lost my sanity when he came. I still can't believe it. I can't believe that he's really here.

END

Flash fiction stories Where stories live. Discover now