KATANGISIP

189 13 1
                                    

Nasa may garden ako ng eskwelahan namin, kasalukuyan kong binabasa ang libro ng ‘I love you since 1892’ maya-maya ay nakarinig ako ng hiyawan sa may bandang entrance ng hallway.

Napa-iling ako, panigurado nando'n si Luke Evans na siyang kinagigiliwan ng mga stud'yante rito. Paano ba naman ay napaka-g'wapo nito pero englishero, tipo ng mga kababaihan pero hindi ako. Ang balita ko ay may relas'yon sila ni Athena, isa sa pinaka-maganda rito sa school.

Sa katunayan, isa ako sa babaeng humahanga sa kaniya pero hanggang do'n na lang 'yon dahil nga may iba na itong nagugustuhan at ayokong maging kontrabida at isa pa ang gusto ko isang lalaki ay katulad ni Ginoong Juanito Alfonso.

Siguro dahil na rin sa mataas na standards ko sa lalaki— 'yung tipong hindi naman nag-eexist sa mundong ito ang gusto ko ay wala akong nagiging nobyo. Maganda naman ako at matalino, may mga nagtatangkang manligaw pero wala talaga akong matipuhan.

“Angelic!” nalingon ako sa may sumigaw sa'kin, Si Ellia, ang bestfriend ko.

Sinarado ko ang librong binabasa ko at humarap sa kan'ya, “Bakit?” tanong ko.

She giggled, “May nag-iwan nito sa desk mo, ilang araw ka na ulit niyang binibigyan ng gan'yan?” napangiti ako iabot nito sa akin ang med'yo lumang papel.

Naramdaman ko ang pag-upo nito sa tabi ko, “Naks! Ngiting inlove na 'yan, ha.” tudyo sa'kin nito, sinamaan ko naman siya ng tingin.

“Natutuwa lang ako sa kan'ya Ellia, para siyang modernong Juanito Alfonso at tsaka minsan na lang sa lalaki ang gumawa ng tula.” paliwanag ko pa.

She nodded her head, “Sa tingin ko si Marcus ang nagbibigay sa'yo n'yan.” kabig nito bigla.

Napanguso naman ako, dismayado, “Paano mo nasabi?”  I asked, binuklat ko naman 'yung papel.

“Eh, siya lang 'yung nando'n sa room e, tsaka no'ng tinanong ko siya nagkibit balikat lang.”

Kinagat ko ang labi ko, “Baka hindi siya.” may sinabi pa ito pero nagfocus muna ako sa pagbabasa ng tula.

‘Binibining napakarikit
kung pagmamasdan parang bituin sa langit
napakahirap mong abuti't sungkitin
tuwing ika'y aking lalapitan—
dinaraga ang aking loob at kalooban
hindi man ako ang tipuhin mo
basta makita ang yuming ngiti ng iyong labi,
buo ng ang aking araw at magiging mahimbing ang tulog ko sa gabi.       — Modernong Juanito Alfonso.’

“Ang iyong mata ay nagkikislapan sa galak, gaga kong kaibigan.” Sinara ko ang papel at tumawa sa sinabi ni Ellia.

“I want to know who's the person behind this.” wala sa sariling sambit ko. Kinuha ko ang box sa aking bag na siyang naglalaman ng mga tulang inalay sa'kin ng misteryosong lalaking 'yon.

“Bakit hindi mo alamin?” Ellia grinned, parang may pumasok na ideya sa utak nito.

Umiling ako, “No way, Ellia. Alam ko na 'yang tingin mo.”  binatukan naman ako nito.

“Come on, binibining Carlota, hanapin natin ang Juanito mo.” Tumayo ito at hinila ako patayo.

Nginiwian ko siya, “It's Carmela, dumbass.” nagkatinginan kami at sabay na natawa.

Naglalakad na kami papunta sa hindi ko alam, eto kasing si Ellia ayaw pang sabihin kung saan kami pupunta. Puro pa siya dutdot sa selpon niya.

“Ellia, ano ba talagang plano mo?” naiinip na tanong ko. Sinulyapan ako nito at humagikhik.

Baliw.

“Trust me, Angelic. It'll be worth it.”

Sa halos isang oras at trenta'y minutos naming paglalakad nakarating na lang kami sa may parking lot! Uwian na din at halos wala ng stud'yante rito.

“So, anong meron dito?”

Ngumiti ito, isang pilit na ngiti at nagpeace sign siya, “Sorry, Angelic! Wala talaga akong plano kaya uuwi na lang tayo, hehe.”

Nalaglag ang panga ko sa kaniya, “Trip mo lang gano'n?” inis na tanong ko sa kaniya, ayan na naman ang malakas na tawa niya.

“Hays! Kung hindi lang kita kaibigan baka nabugbog na kita.” iritang sambit ko sa kaniya, ngumisi naman ito.

“Huwag ka na magalit, ang iyong noo ay nakakunot, opps, binibini, pumapangit ka.” nang-aasar na sambit pa nito.

“Letse. Mauuna na ako, sinayang mo lang ang oras ko, kung nagbasa na lang sana ako ng libro.” lalakad na sana ako ng patirin ako nito, napasubsob ako sa sahig. Kumirot ang dalawa kong tuhod.

“Opps, hindi ko sadya.”

“Ellia!” nanggagalaiting sigaw ko.

Tatayo na sana ako nang may nakita akong nakalahad na kamay, kamay ni Lu—

“Luke Evans?!” I shouted out of my lungs. Napapikit naman ito sa lakas ng sigaw ko.

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya, nakasuot siya ng makalumang istilo ng damit at ang kaniyang buhok ay naka-ayos ng mabuti hindi tulad ng nakakasanayan kong makita na magulo.

“Binibini, ayos ka lang ba?” namilog ang aking mata, hindi pa rin makapaniwala sa aking nakikita at naririnig. I was about to open my mouth when he grabbed my hand— he helped me to stood up.

“N-nagtatagalog ka?” unang tanong na lumabas sa bibig ko.

Tumawa ito, hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko siya, parang halos dati ay pinagmamasdan ko siya sa malayo.

“O-oo nga pala, nasa'n si Ellia?” pag-iiba ko ng topic, nagpalinga-linga ako sa paligid.

“Maghunos dili ka, binibini. Ang kaibigan mo ay humayo na pauwi sa kanilang tirahan.” napakurap-kurap ako, ano bang hinithit nito?

“Pinagtritripan mo ba ako?”

He sighed, “Hindi ko pinaglalaruan ang iyong damdamin. Pagpasensiyahan mo na at ngayon lang ako nagkalakas loob para umamin. Ako'y nag-aral pa ng wikang tagalog upang abutin ang iyong natitipuhan, binibini. Sa paggawa ng tula sayo araw-araw do'n ko nalalabas ang aking saloobin.”

Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi magsink-in sa'kin ang nangyayari, mas'yadong mabilis at hindi kapani-paniwala.

“Pero kayong dalawa na ni Athena, hindi ba?” tanong ko matapos ang mahabang katahimikan.

Sumilay ang isang ngiti sa labi nito, “Nagkakamali ka d'yan, binibini.”

Pinigilan ko ang sarili kong mapangiti, “Tigilan mo nga ako r'yan sa binibini...” I trailed off, hindi ko naituloy ang sasabihin kong kinikilig ako.

May inilabas ito sa kaniyang bulsa, namilog ang aking mata sa nakita. Katulad ito ng kuwintas ni Carmela! Agad kong nakita ang pangalan ko na naka-ukit do'n.

“Binibining, ang matanaw ka sa malayo ay langit na para sa'kin, ang malapitan ka ng ganitong kalapit ay sobrang ligaya ang dulot sa'kin. Pakinggan mo itong sasabihin ko kasabay nito ay damhin mo ang tibok ng aking puso,” nilagay niya ang kamay niya ang aking kamay sa kaniyang dibdib, ang lakas ng tibok ng puso niya! Gosh. “Binibini, gusto kong sabihin sa'yo na ako ay may napupusuan, isang dilag na kay ganda at siya ngayo'y kaharap na. Maari ba kitang ligawan?”

Napapikit ako ng mariin ng bumalik sa akin ang mga alaalang 'yon, sobrang napaka-espesyal sa'kin no'n dahil ipinaramdam niya sa'kin na ligawan kagaya no'ng sinaunang panahon, hinarana niya ako, binibigyan ng rosas at inalayan ng mga tula.

Napatingin ako kay Luke Evans— ang Juanito Alfonso sa modernong panahon na nag-aantay ngayon sa dulo ng altar. Nakangiti ako sa kaniya, naglandas ang luha sa aking mga mata. Hawak-hawak ko ang dulo ng trahe de boda  ni Ellia.

Akala ko noong una, ako si Carmela Isabela sa kuwentong ito, sa maiksing panahon naranasan kong ibigin ng isang Juanito Alfonso. Sa kuwentong ito pala ay isa lamang akong hamak na extra, ako pala 'yong kaibigan ni Carmela Isabela— siguro'y pinagtagpo lang kami ngunit hindi para sa isa't-isa dahil isa lamang akong hamak na si Helena.

Flash fiction stories Where stories live. Discover now