Anniversary Talks (S.C.)

1.4K 28 2
                                    

Late night movie marathon with Nicko has been our plan for our anniversary. Ako ang nag-request na simple at magkaroon ng time para sa isa't-isa sa loob ng 1 buwan ang best gift na maibibigay ni Nicko sa akin. Kaya pinagbigyan nya ako, lalong mas maganda pag Sabado. Masarap sa feeling na kayakap ko ang mahal ko ngayong gabi na kami lang ang nasa bahay. The kids are out on a vacation kasama sina mama.

Maya maya ay nakatanggap ako ng isang text sa aking cellphone. Pang 19 na ito ngayong araw na ito mula kay Acki.

Acki

Carlene ano ba ang nagawa ko para saktan nya ako ng ganito?

I don't know the main reason of their situation right now. But as a friend, I help her when she's in need.

"Nicko may tanong ako sayo" sabi ko out of the blue.

Sumagot sya at hinalikan ako sa noo ko. "Yes baby?"

"Kasi nabalitaan ko yung away nina Acki at ng bf nya." Sabi ko.

"Wala na akong pakialam dun atleast nagmamahalan tayo" sabi nya at patuloy pa rin sya sa paghalik sa akin sa pisngi ko down to my jawline.

"Hindi kasi, may pinagtatakahan lang ako."

"Let me guess, ayaw mo sa bf ni Acki?" Tanong nya. "Masama ba sya? Or what?"

"Ano? Ahhahaha wala akong sinabing ganon ha. Mabait kaya si Mr. Walker. Patapusin mo muna ako magsalita." Sabi ko sa kanya ng medyo napapatawa.

Bigla akong hindi pinansin ni Nicko at nagtaka naman ako sa kanya. He's been acting weird these days.

"Hoy! Makinig ka muna!" Sabi ko sa kanya.

At nakita kong itinuro ni Nicko ang kanyang labi na sinesenyasan akong halikan ko sya. Aba aba!!

"Kiss mo muna ang kissable na labi ng gwapo at hot mong asawa" sabi nya sa akin.

At mabilis kong hinalikan ito para matapos na at para masabi ko ang gusto kong sabihin. Sya namang nagpakita sa akin ng pag ngisi. Niyakap nya ako at nanlambing sa akin.

"Isa pa po" aniya at inaarko nya ang labi nya sa akin.

"Mamaya na patapusin mo muna ako." Sabi ko sa kanya.

"Lagot ka sakin mamaya" sabi nya. "Oh, anong sasabihin mo?"

"Eh kasi ang nakakapagtaka lang ay halos 1 linggo na silang nag-aaway or 2 weeks? Hindi ko alam. Kaya kung napapansin mo na madalas akong umalis ng bahay kasi kinocomfort ko sya."

Patuloy pa rin sya sa pagyakap sa akin at nakabaon ang mukha nya sa leeg ko. Still listening.

"Oh?"

"Eh matagal na tayong mag-asawa pero never naman tayong nagkaaway ng umabot ng linggo o buwan."

Ramdam ko ang kanyang pag-tango sa leeg ko. "Hm" he said. "Kasi hindi ko hinahayaang mangyari ang bagay na ayaw kong mamagitan sa atin"

Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"What do you mean?" Tanong ko.

Umalis sya sa leeg ko at tumingin sa aking habang inaayos ang aking buhok.

"Wag kang ma-ooffend ha?" Sabi nya.

"Ayusin mo para di ako ma-offend" sagot ko.

"No matter who started the fight, I feel like that the boys should be the one to finish it. For example may nagawa kang mali sa akin...sa bandang huli kailangan pa rin kitang patawarin, at ako pa rin ang sumusuyo sa iyo. Ayaw ko kasing nagkakatampuhan tayo or nagkakagalit. Hindi ko kaya yon. I lost you once, and I'm never gonna lose you again" paliwanag nya.

"Hmm, oo nga pansin ko yun. Sorry ha." Sabay bigay ko ng isang halik sa kanyang labi. At kaagad naman syang napangiti dito. Konting halik lang masaya na tong bampirang to.

"Okay lang naman yon, isang kiss mo nga lang nawawala na ang sama ng loob ko. Parang may magic yan." Aniya.

"Maharot ka kasi kaya halik lang sapat na sayo" I laughed.

"Sayo lang haharot" sabay tawa nya ren.

"Pero how about kung ikaw naman yung nagkamali sa akin?" I asked.

"Gumagawa kaagad ako ng paraan para mapatawad mo ako. Susuyuin kita hanggang sa bumigay yang matigas mong puso hanggang sa lumambot sa pag-ibig ko" he grinned.

"Ulol" sabi ko. "Pero di ka ba nagsasawa na ikaw yung laging sumusuyo sa akin? Kasi sa tagal ng pagsasama natin, syempre nakakaramdam din naman ako ng konsensya sa ganon na laging lalaki lang ang gagawa ng paraan. It feels unfair" sabi ko.

"Nakakasawa...pero okay lang sa akin, I never want to surrender kasi gusto ko hindi ka magtatampo sa akin o di kaya mangyari yung mga nakikita ko sa GMA 😂 na konting away lang pumupunta na sa iba ang partner nila. Gusto ko sakin ka lang, I'm selfish enough to say na dapat sakin ka lang, sakin ka umuuwi, at ako ang iniisip ng isip mo at nilalaman ng puso mo" paliwanag nya.

Parang naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi at pamumula ng mga ito.

"Uyyy namumula sya. Well done Nicko! Nasayo pa rin talaga ang pampakilig sa mahal mo" sabi nya sa sarili nya.

"Siraulo" sabi ko. "Pero yumabang ka don ha"

He laughed.

"Pero sige na nga, ako na nga yata ang pinakaswerte sa buong mundo kasi ikaw ang naging asawa ko despite all the hardships we've been through" sabi ko.

At nakita ko namang namula ang kanyang tenga.

"O kinilig ka rin naman oy" sabi ko.

"Tama yan, kaya mahal na mahal kita eh" sabi nya.

"May mahahanap pa ba akong tulad mo?" I asked.

At nakita kong bahagyang nagseryoso sya ng expresyon sa mukha.

"Bakit may balak ka ba maghanap? Nako lagot ka sa akin." At binuhat nya ako sabay inihiga sa kama at pumaibabaw sa akin.

Placing his soft lips on mine has been our night routine before sleeping but this is coming to something else. I'm so lucky to be with him. My Nicko 💜.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

[A/N: THIS MARKS THE DAY WHEN THIS STORY WAS FIRST PUBLISHED. An update sa buhay ng 2 mag-asawa after several years...1 year old na ang story na ito at proud ako sa naging paglago ng story na ito. And also my 1st year on wattpad! Thank you guys!!! Sa lahat lahat ng mga nagbabasa nito, salamat ng marami!!! Hindi maabot ang progress na ito kundi dahil sa inyo! Special thanks to my friends.

PLEASE SUPPORT MY NEW STORY!

🌟Red04Red🌟

The Love Of A Vampire [COMPLETED]Where stories live. Discover now