Chapter Twenty-Nine

12.8K 899 38
                                    

Chapter Twenty-Nine


[DING!]

[Your Daily Quest has arrived!]

[Kill the Wolf King within 15 days.]

[You will be given a Penalty Quest if you fail to obey.]

Napatigil si Solan sa pagluluto nang mabasa ang quest. Napansin niya na palaging may penalty sa tuwing King or Queen ang kanyang target. Ano kaya ang Penalty Quest na iyon?

Kahit na gusto niyang malaman, wala siyang balak na biguin ang quest. Ayaw niyang sumugal sa mga bagay na hindi siya sigurado.

Nang matapos si Solan sa pagluluto ay tinawag niya ang kanyang kapatid na si Vivian na nasa sala. Nakaupo ito sa sahig at abala sa pagsasagot ng libro. Dahil natigil sa pag-aaral si Vivian simula nang magbago ang mundo nila, siya nalang ang nagtuturo sa kapatid ng mga dapat nitong matutunan.

"Yehey! Kakain na!" masiglang sabi ni Vivian saka tumakbo papunta sa hapagkainan.

Pinaka-masaya ito sa oras ng kainan. Kung minsan ay sumasakit din ang tyan nito sa sobrang pagkabusog. Kung hindi pa ito aawatin ni Solan ay hindi ito titigil sa pagkain.

Siguro ay dahil sa pagtaas ng level ni Solan, tumaas din ang kalidad ng kanyang pagluluto.

"Vivian, malapit na ang birthday mo. Ano'ng gusto mo'ng regalo?" tanong ni Solan habang nilalagyan ng pagkain ang plato ng kapatid.

"Wow! Ate, malapit na ang birthday ko? Malapit na akong mag-seven years old!" excited na sabi ni Vivian. "Ate, pwede ba natin puntahan si Mama?"

Natigilan saglit si Solan sa kanyang narinig. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Huminga siya nang malalim upang mawala ang bigat sa kanyang dibdib.

"Pwede natin siyang sulatan," sabi niya. "Igagawa kita ng cake sa birthday mo. Gusto mo ba 'yon?" pag-iiba ng topic ni Solan.

Kuminang ang mga mata ni Vivian. "Cake! Gusto ko ng cake, ate!"

Ngumiti si Solan. "Okay, igagawa kita ng cake. Yung malaking malaki, kasing laki mo."

"Hihihi!" humagikgik si Vivian sa narinig. Excited na siyang makita ang cake na gagawin ng kanyang ate. Siguradong masarap din yon dahil lahat ng niluluto ng kanyang ate ay masarap.

Nagpatuloy na sa pagkain ang dalawa. Matapos non ay hinugasan ni Solan ang kanilang pinagkainan, si Vivian naman ay muling itinuloy ang pag-aaral.

Mula nang manalo sa raider's game sina Solan, nanatili sila ni Vivian ng ilang araw sa loob ng base. Lumalabas lang silang dalawa kapag may daily quest siyang gagawin. Palagi niyang isinasama ang kapatid upang makapag-practice rin ito.

Isang linggo na simula nang matapos ang larong iyon. Napagpasyahan ni Solan na magtagal sa base para na rin sa birthday ng kanyang kapatid. Hindi niya gustong sa labas ng base iyon idaos.

Kaya naman bumalik sila sa dati nilang bahay at doon muling tumira.

Pumunta sina Solan at Vivian sa market area ng base. Pakiramdam ni Solan ay bumalik sila sa nakaraan. Walang ipinag-iba ang lugar na ito sa dati nilang palengke. Napakaraming tao at may mga maririnig din na isinisigaw ang mga paninda.

Itinitinda ng karamihan ay ang mga damit, sapatos, sabon, at karne ng mutated animals. Kahit na matigas ang karne ng mga mutated animals, masasabi naman na napaka-masustansya nito at tama lang na pagkain para sa mga awakened.

Mapapansin na walang nagtitinda ng gulay o prutas. Isa ito sa mga mahirap makuha. Kung magkakaroon man ng stock nito ay siguradong diretso ang punta nito sa mga mayayaman.

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon