Chapter Twenty-Eight

13.3K 1K 239
                                    

Chapter Twenty-Eight


"Eternal wall!" sigaw ni Milo at isang pader ng liwanag ang naghiwalay sa kanya sa mga hunters na aatake dapat sa kanya.

"Milo!" tawag ni Atlas. Dalawang hunters ang kanyang kalaban, isang paladin at isang mage. Hindi niya magawang matulungan si Milo dahil sa dalawa.

Sa dami ng hunters na kanilang kalaban, maging ang kanilang guardian beast ay lumabas upang tumulong. Pero hindi parin iyon sapat dahil nasa stage palang sila ng newborn beast.

CRACK!

Umatras si Milo mula sa pader ng liwanag. Patuloy sa pagbaba ang kanyang mana. Inatake ng mga hunters ang pader at unti-unti itong nag-crack.

BOOM!

Isang malakas na atake mula sa isang mage ang nagpabagsak sa pader.

"MILO!" muling sigaw ni Atlas mula sa malayo. Napuno siya ng pagpapanic nang makita na gumuho ang pader na nagpoprotekta kay Milo. "Umalis ka sa daan ko!" sigaw niya sa paladin na kalaban.

"Woah, dude. Chill. Laro lang naman 'to," ang sagot ng hunter na may nakakalokong ngisi.

"Ring of fire!" sigaw ng mage na kasama nito.

Napalibutan ng mataas na apoy si Atlas. Pareho silang nasa loob ng paladin. Kailangan niyang talunin ang dalawa kung gusto niyang mapuntahan si Milo. Dahil sa apoy ay hindi niya makita kung ano ang nangyayari sa labas.

Malayo sa iniisip ni Atlas, walang nangyaring masama kay Milo. Bago pa makakilos ang mga hunters ay isang malaking katawan ang biglang tumama sa kanilang lahat.

Sa lakas ng impact nito ay ilang metro ang itinalsik ng kanilang mga katawan.

Gulat na napatingin si Milo sa direksyon kung saan tumalsik ang mga hunters. Nawala ang grupo ng mga kalaban sa harapan niya. Biglaan ang pangyayari at hindi niya alam kung saan nanggaling ang katawan na iyon.

Napakalaki ng hunter na iyon, ano ang nakapagpatalsik doon?

Tumingin siya sa kabilang direksyon at nakita ang isang malaking itim na bilog. Lumipad iyon sa langit at biglang bumagsak sa lupa.

BOOM!

Ramdam ang lakas ng atake na iyon sa pagyanig ng lupa.

Tinignan niyang mabuti kung ano iyon. Ganoon nalang ang kanyang gulat nang makita si Solan. Laglag ang kanyang panga habang pinapanood ito. Sa laki ng frying pan na hawak ni Solan ay bigla itong lumiit sa mga mata ni Milo.

Saan nakuha ni Solan ang higanteng frying pan na iyon? Sandaling pumasok ang tanong sa isip ni Milo at agad ding nawala. Isang ranger ang biglang umatake sa kanya. Gumamit ito ng pana na nababalutan ng apoy.

Bago pa maka-ilag si Milo ay may pamilyar na likod ng lalaki ang biglang tumayo sa kanyang harapan. Sinangga nito ang atake ng kalaban na ranger.

"Wind slash!"

Nagtama ang hangin at apoy. Nang makita ng ranger ang paladin ay agad itong tumakas.

"Atlas!"

"Okay ka lang ba?" balot ng pag-aalala na tanong ni Atlas sa binata. Gamit ang kamay ay inalis nito ang dumi sa mukha ni Milo.

"Hmm!" masayang tumango si Milo.

***

Tinignan ni Solan ang hawak na frying pan. Bigla nalang itong lumaki nang hiniling niyang sana ay lumaki ito. Hindi niya alam na pwede palang makontrol ang size ng frying pan.

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon